06

27 2 0
                                    

. . .










"Bakit ka nga ba nagmamadaling lumabas ng room kahapon?" tanong ng babae sa katapat na binata na ngayon ay ngumunguya na ng Egg sandwich nito. Siya naman ay kinakain iyong unang pakete ng Cream-O..

"N-nahihiya ako sa'yo, eh.." deretsong sagot ng lalaki kahit pa nauutal na siya.. Naiinis na siya sa sarili niya dahil iba iyong pananalita niya kapag nakakausap niya ang babae, hindi niya tuloy alam kung magsisisi siyang sumabay sa babae o hindi, eh. "S-saka s'yempre.. hindi ko naman sure kung ayos na ba talaga tayo, malay mo sinakyan mo lang trip ko."

"Hindi kita papansinin kung hindi ako ayos sa'yo, James.. Hindi uso sa akin ang plastik-an.." ngisi nitong sabi at pinunasan ang gilid ng labi gamit ang hinlalaki. "Saka.. sinabi ko na din sa'yo, hindi ako mabilis magalit o magtanim ng sama ng loob kapag may ginawang hindi maganda sa akin ang isang tao. Sa katunayan, wala akong pakielam sa ginawa mong pangtatrashtalk."

"Yabang.."

"Nagsasabi lang ng totoo.." pagtatama pa ng dalaga at natatawang ipinatong sa lamesa ang nakakrus niyang mga braso. "Totoo naman kasing wala akong pakielam sa mga maduduming salita na galing sa ibang students na inis sa akin. Kasi first of all, trabaho ko ang ginagawa ko. Hindi ako nagpapakasipsip o kahit ano, pure work lang."

"Bakit ba kasi pumayag ka na maging presidente ng school? Edi, sana hindi ka nahihirapan ngayon?"

"Napag-usapan namin ni Sir Jordan na bibigyan niya ako ng scholarship sa kolehiyo kung papayag akong maging presidente ng Sean Vile School. Sayang yun, hindi na kailangan ni Lola mag-ipon ng pera pang-kolehiyo ko. Isa pa, hindi naman mahirap dahil sinanay na din ako ng Daddy mo."

"Pet ka ni Daddy, 'no? Parang ikaw pa ang anak niya, eh. Kung i-bash niya buhay ko akala mo hindi niya ako kadugo, eh."

"Mabait naman ang Daddy mo. Istrikto lang dahil nga panganay ka niya. May jowa pa.."

"Hoy! Wala akong girlfriend!"

"May sinabi ba akong girlfriend?"

Napatitig naman ang binata sa dalaga dahil nagtaka siya doon sa sinabi nito pero kalauna'y napahampas siya ng mahina dito na naging dahilan para matawa ito.. "Jinojoke lang kita! Masakit--Bremen." kalmadong saway nito na agad na ikinaayos ng upo ng lalaki at kalauna'y natawa.

Napailing-iling na lang din ito saka sila nagpatuloy sa pagkain at umakyat matapos. Marami na ang mga kaklase nilang nakatambay doon, kasama iyong magbabarkada kaya agad pumahik si James doon.

"Uy, and'yan ka na pala?! Saan ka galing?! Kanina ka pa namin hinahanap!" hampas ni Jay sa braso ng binata na nakangiting dumaing lang.. "Naneto baka naglandi nanaman.."

"Gago! Tingin mo sa akin? Uhaw sa harot?"

"Ay hindi ba?"

"Uy, gago ka ah!" siko ng binata sa barkada na humagalpak ng tawa saka ito tumutok na sa harapan kung nasaan ang teacher nilang halos kasabay lang nilang dumating.

"So, guys.. Nabanggit na siguro sa inyo ni Sir Dan na malapit na ang second part ng 1st grading exam natin, and after that kuhanan na ng card and announcing ng mga honors or with high honors, also the aspirants. But hindi ko masasabi na marami sa inyo ang papasok sa honors or even aspirants. Dahil halos lahat sa inyo ay mababa sa bawat subject.."

"K, bye! Bawi ako next quarter!"

"Aray, ang sakit!"

"Madadaan po ba 'yan sa white board marker??"

"Miss naman, ehhh!"

"I'm serious.. Ang nakita ko lang na mataas doon ay si Miss Camero and Miss Tilo, pati na din si Bonie.."

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now