29

21 2 0
                                    

. . .






1ST DAY OF FOUNDATION DAY 💪💙🐺








Lahat ay abala sa mga kaniya-kaniya nilang mundo. Iyong magbabarkada ay nagkukwentuhan habang naghaharutan. May iba namang chill lang katulad ng normal na araw kapag may klase sila. May iba namang tahimik lang na nagdudutdot sa cellphones nila. At may iba ding panay ang pabalik-balik na paglalakad nila dahil siguro sa kaba. Ang araw na kasi na iyon ay ang unang araw ng Foundation week nila at ang Cheerdance competition. Oo, maayos na ang sayaw nila ngunit hindi naman mawawala ang kaba sakanila.

Kahit pa sabihin nilang maganda ang sayaw nila, hindi din naman nila maitatanggi na magaling ang ibang grades lalo na't pursigido ang mga ito na labanan ang Grade 10-Hercules. Nais nilang matalo sa unang pagkakataon ang Grade 10.

"Oy, isang pasada daw tayo tapos bihis na." agad na anunsyo ni Danica sa lahat nang makapasok siya sa silid. Galing siya sa faculty, kung saan siya tinawag ng guro. "Kailangan daw natin na mag-isang pasada para makabisado yung court."

"Game, tara!"

Agad namang nagsibabaan na ang mga kaklase nila sa outdoor court na sinundan na agad ng guro nila. Naabutan nila ang iba't ibang grade level doon na naglalaro ng basketaball at ang iba ay nakikinood lang. Sila lang kasi ang mag-iisang pasada.

"Oh, oh pwesto na.. Markings lang, markings.. Tapos dance tayo.." utos ng guro kaya dali-dali silang nagsipwesto. Bago sila makapagsimula ay agad naman silang napalingon kay Nella na kararating lang, halatang kagigising lang nito. "Bakit late ka?"

"Late po nagising, sorry.."

Halos hindi na nga siya nakapag-ayos. Ang tanging inayos na lang niya ay ang buhok niya na nakalugay pa. Ang suot niyang damit ay puting sweater na lang at itim na jogger. Agad na siyang pumwesto sa tabi ni Brena dahil doon siya ipinuwesto.

"Ano ba naman... sige! Guman'yan kayo, ah! Guman'yan kayo mamaya!" nakasimangot na saad ni Sir Dan habang masama ang tingin nito sakanila.

"Chill lang, Sir.." tatawa-tawang ani naman ni Nella habang mahina siyang sumasayaw. "Ngiti ka lang, paano kami ngingiti eh nakasimangot ka din?"

Napatawa naman ang guro nila kaya napatawa din ang magkakaklase. "Kaya nga!"

"Wala pa naman, chill lang tayo.."

"Oh, sige na! Magbihis na kayo doon! AYUSIN NIYO LANG!"

Tatawa-tawa namang nagsiakyatan ang magkakaklase dahil sa reaksyon ng guro nila. Matampuhin talaga ito at mainitin ang ulo, at imbes na suyuin nila ay mas inaasar pa nila para mas mag-init ang dugo nito. Pero hindi din naman maitatanggi ng kanilang guro na iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit isa sila sa mga paborito nitong estudyante kahit pa puro sila kalokohan.

"Akala ko nandito ka na? Naka-lock kasi yung pinto mo.." kalabit ni James kay Nella at sumabay sa paglalakad nito. "Kinakatok ko yung pinto pero wala namang sumasagot.."

"Eh, puyat kasi ako kagabi.. Tinawagan ko sila Lola, kinakamusta ko pa.. Pasensya ka na."

"Okay lang.. Eh, okay ka naman na?"

"Mm, okay naman ako.. Sige na, magbibihis na ako para makapag-ayos na din."

"Sige, hintayin kita dito ah?"

"Okay, sige.." tango na ni ng dalaga saka siya bumaba sa banyo at nagbihis na. Ang kailangan nilang suotin ay iyong asul na foundatiom shirt at ii-style-in lang nila sa may bandang baywang. Ang sabi kasi ni Coach Halls ay kailangang maipakita ang mga hugis ng katawan nila, lalo na ang bewang para makita ang paggiling nila. Ang pang-ibaba naman ay leggings upang mag-fit.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now