38

16 2 0
                                    

. . .











"Nagwala kanina si Costales, dahil pina-kick out siya ni Sir Jordan dahil doon sa pakikipagbugbugan niya sa labas."

"Eh, paano ka nasugatan?"

"Nakiaawat ako dahil muntikan na niyang mahampas sa ulo si Sir Jordan. Hindi ko naman pwedeng hayaan yun dahil hinding-hindi pwedeng masaktan si Principal Jordan. Nung sinubukan kong kuhanin kay Costales ang walis ay tinulak niya lang ako kaya napasayad ako doon sa sahig sa sobrang lakas ng tulak niya. Matapos non ay inawat na siya ng mga security guards.. Kaya pasensya na kung hindi pa ako masyadong napaaga dahil inasikaso ko pa si Principal Bremen dahil naramdaman kong natakot din siya."

Hindi tuloy maiwasan ni James ang makuyom ang mga palad at dahil ang kamay niya'y nasa balikat ni Nella ay naramdaman nito iyon kaya dali-dali na nitong hinawakan ang kamao niya.. "Bremen.. Kumalma ka. Ayos lang ako. Kaonting gamot lang 'to."

"Kaonting gamot? Nella, hindi basta sugat 'yan! Tignan mo! Tumagatak yung dugo mo, sa tingin mo simpleng sugat at gasgas lang 'yan? Eh, paano kung ulo mo yung tumama? Kakalma pa ba ako non?"

"Bremen, ayos nga lang ako.. Kaya ko. Hindi naman ako basta matitigok non ni Costales dahil hindi ko hahayaan yun---kaya kong lumaban sakaniya ng pisikalan. Ang isipin mo lang ngayon ay itong shooting natin. Hindi mo na din kailangang mag-alala sa tatay mo dahil ligtas siya." paninigurado pa ng babae at bumuntong-hininga.. "Hindi ko hahayaang magalusan ang Daddy mo, kaya 'wag ka nang mag-alala. Bj, pakuha ako ng kit. Ako na maggagamot sa sarili ko."

Napasabunot ni James ang buhok at pinanood ang nobya na gamutin ang sarili bago nagpalit ng damit, pero uniporme pa din. Sila Sam naman ay kumilos para i-retouch si Nella na powder lang naman ang nilagay dahil fresh naman na ang mukha nito. Pinasuot nila si Nella ng salamin na kulay itim at inilugay ang paalon nitong buhok bago nagsimula nang mag-shoot.

Hindi na halos maialis ang tingin ni James sa nobya dahil sa pag-aalala.. Kahit pa napakatuwid ng pananalita nito at pag-acting sa camera ay sadyang hindi niya maiwasan ang mag-alala dahil alam niyang masakit ang parte ng siko nito. Hindi basta gasgas lang iyon, kung gasgas iyon walang tatagatak na katas ng dugo doon..

Halos mangilid din ang luha niya nung maalala niya ang mga sinasabi nito kanina.. Ang unang-una nitong inintindi ay ang Daddy niya. Paano pa nito naiisip na unahin ang Daddy niya samantalang nasugatan na ito at nasaktan?

"Tapos na tayo.. So, sila Mando, Kami nila Jay, nila Sam, si Nella lang ang maiiwan dahil gagawa pa kami ng mga costumes and props na nagkulang saka yung eedit-in pa yung scenes na ginawa ngayong araw.. Plus yung voice record ni Nella.."

"Okay!"

Hinatid ng mga maids ang magkakaklase sa bawat van para makauwi na ang mga ito.. Iyong nagpaiwan ay dumeretso agad sa malaking silid at doon pinagpatuloy ang ginagawa. "Bal, please, 'wag kang magpupuyat mamaya.. Ang daming dugo na lumabas sa siko mo." paalala ni Athea sa kaibigan na ngumiti saka tumango saka nito tinapik ang ulo niya. Palibhasa'y maliit siya, ginagano'n na lamang siya nito. "Ha? Sasakalin kita! Bantay ka ni Mando."

"Oo na, bal.. Sige na. Baka pagalitan ka pa nila Tita saka ng josawa mo."

"Yep! Magtext ka sa akin or tawagin mo si Mando if kumikirot, ah? Sabihin mo lang, pupuntahan din talaga kita."

"Mm, salamat.. Ingat, ha?"

"Mm! Byebye! Bye, Mandy!"

"Bye, beh!!"

Pinanood ni Nella na makaalis na si Athea hanggang sa dumeretso agad siya sa banyo upang magpalit ng damit. Mula sa uniporme ay nagpalit siya ng itim na t-shirt at sweatpants na gray habang ang buhok niya'y naka-low ponytail na lang.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now