11

23 2 0
                                    

. . .











Kumunot saglit ang noo ni Nella nang makitang nandoon pa din si James at Bj. Dapat ay wala na ito doon dahil kanina pa tapos ang try out listing names pero nag-stay pa din yung dalawa kaya hindi na niya napigilan ang sarili na tanungin ang mga ito.. "May kailangan pa ba kayo?"

"Wala naman na. Patambay muna kami kahit saglit lang. Ang lamig dito, eh."

"Malamig naman sa room, ah.. Pinatay ba yung aircon?"

"Oo, naglilinis sila eh.."

Napatango-tango naman ang dalaga at napatayo nang may kumatok at ang iniluwa non ay ang isang security guard na may dala-dalang puting plastic na naglalaman ng Dark Chocolate Milktea na Large pa ang size at may isang box ng donuts na hula na niyang pinadala ni Principal Jordan.

"Ay thank you po.. Kumain na po kayo?"

"Opo, Pres! Salamat!"

Dali-daling inilapag ni Nella ang padala ng punong-guro sa lamesa at nilabas ang donut saka tumango kila James at Bj.. "Kain kayo.." aya niya kaya kumuha na si Bj, si James naman ay nakatungo lang dahil doon siya pinaupo ni Bj sa mismong tapat pa talaga ni Nella.

"Anong oras uwi mo, La?" tanong ni Bj kaya nangalumbaba si Nella.

"Mamaya pa akong alas-sais, nakadepende kung gaano ko kabilis na magagawa yung schedules ko para bukas kasi sabi ni Principal Jordan ay kailangan na nandoon ako sa try out ng Badminton at Table Tennis. Tatawagin ko din yung mga coaches para makasama ko sila sa pagtingin ng mga magtatry out.. "

"Wow, busy people.." biro ni Bj kaya natawa si Nella na siya namang agad tinitigan ni James ngunit dali-daling tumungo ulit dahil baka mahuli siya ni Nella. Ingat na ingat siya sa mga ginagawa niyang kilos dahil baka mahalata na siya nito, nakakahiya na talaga.

"Nakakapagod ba maging president, Nella?" biglang tanong nanaman ni Bj kaya napatigil si Nella sa pagsusulat at natigil din ang kaliwa niyang kamay sa paglipat ng pages ng kung anong papeles na inaasikaso niya.. "Mahirap?"

"Oo naman.. Lahat naman siguro ng mga trabaho, mahirap.. Walang madaling trabaho. Pero bilang presidente ng buong school, mahirap talaga. Kahit may sakit ka, kailangan mong pumasok, especially kung marami ka pang gawain." seryosong sagot ng dalaga kaya napatitig sakaniya ang dalawang binata. Si Bj ay abala sa pagkain ng donuts na dapat para sakaniya na hinahayaan niya lang naman. "Eh, kayo ba? Kamusta ang may mga jowa? or M.U. ? Mahirap?"

"Pwedeng hindi, pwedeng oo. Nakasepende sa sitwasyon." seryosong tanong ni Bj ngunit nakangiti habang ngumunguya siya. "Hindi naman kami nag-aaway ni Lexi kasi wala naman dapat kaming pagtalunan. Siguro yung pinoproblema namin is yung below the belt na pero hindi kami nag-aaway mismo kasi as long as mahinahon kami, mapag-uusapan namin ng maayos."

"Mm.. Ang healthy ng relationship niyo, ah. Hindi lahat ng magkarelasyon, napakahealthy ng mindset."

"Tama, tama.. Si James kasi, eh.." makahulugang sabi ni Bj kaya pinanlakihan siya ng mga mata ni James at kinurot pa ang braso niya.

"Bakit? Anong meron sa'yo, James?" agad napalingon ang binata sa dalaga na sinalubong ang mga mata niya. Siya naman ay nakaawang ang labi na tila nabablangko dahil hindi niya alam ang sasabihin. "Hmm?"

"A-ano.. Wala! WALA! Hehehe! Kilala mo naman 'to si Bj! Palabiro!"

"Loko ka talaga. O'sya, magsiakyatan na kayo. Busog na 'yang si Bj dahil ubos na niya yung pagkain ko.."

"S-sige. Tara!" pilit ang ngiti na aya ni James at dali-daling hinatak si Bj na tatawa-tawa na. Pairap niya itong hinarap nung tuluyan na silang makalayo sa SC Office at saka sinuntok sa balikat ang kaibigan na mas ikinatawa nito. "Parang gago ka! Kung alam ko lang na ibubuking mo 'ko, sana hindi na lang ako nag-stay doon!"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now