22

16 2 0
                                    

. . .










"Umayos ka, James.. Hindi nakakatuwa 'tong mga kinikilos mo sa klase ko. Akala mo siguro palalagpasin ko iyong pagka-cutting mo, ha? Nung nakaraan pa ang CSANPRISA! Hindi pwedeng petiks ka dito.. Bakit? Sa tingin mo, ipapasa kita dahil lang anak ka ng Principal? Hindi, uy! Unfair yun sa mga kaklase mo! Kung gusto mong maka-graduate ka ng Junior High School, paghirapan mo!" rinig na rinig ng lahat ang panenermon ni Miss Drilan kay James galing sa faculty room. Sarado ang pintuan doon ngunit tiyak nilang napakalakas ng mga sigaw ng guro dahil rinig na rinig iyon sa labas.

"Ni hindi ka nakikinig sa klase ko, palagi kang tulog o kaya'y nakikipagharutan tapos ikaw pa may ganang bastusin ako?? Aba! Sinuswerte ka yata.. !? Iyong mga kaklase mo, kahit nagdadaldalan kahit papaano sumusunod at nakiki-cooperate eh pero ikaw? Wala! Wala akong maasahan sa'yo! Kaya 'wag kang aangal kung bibigyan kita ng napakababang grades! Sa katunayan, ang 75 ay hindi mo pa deserve sa sobrang batugan mong bata ka.. LUMABAS KA NA!"

Pagkasabi non ng guro ay marahan na tumayo si James na para bang walang nangyaring panenermon.. Blangko lang ang mukha niya nung umakyat siya pabalik sa classroom nila. "Ano??" bungad agad ng mga barkada niya sakaniya.

"Oh, ano?"

"Anong nangyari?? Rinig na rinig yung sigaw ni Miss Drilan dito, ah? Galit na galit ba?"

"Malamang.. Pero hayaan mo siya.." walang gana na ani ng lalaki at humiga sa higaan ng rest area saka siya pumwesto doon sa may sulok, kung saan ay ang katabi na niya ay pader. "Galit na galit siya sa'kin kanina, eh.. Halos lumabas na yung ugat niya sa balat niya.."

"Tapos wala kang pake?" agad na ani ni Sam, seryoso ang mukha't tono ng boses nito. Nakakrus pa ang mga braso nito.. "James, gusto mo bang maiwan dito?"

"Ayoko.."

"Ayaw mo naman pala, pero bakit parang gusto mo? Ni hindi ka sumusunod sa kahit na sinong teacher.. Oo, nakikinig ka kay Sir Dan pero Par, ni isang beses hindi kita naabutang nagsusulat ng lectures.. Tapos yung mga reportings na inaatas sa'yo, hindi mo ginagawa tapos kapag tinatanong ka kung bakit, umiiling ka lang tapos tatawa? Tang ina, sira ulo ka ba?"

Hindi iyon pinansin ni James at ipinikit na lang ang mga mata habang nakaharang sa mga mata niya ang likod ng braso.

"James, alam mo minsan ang hirap din maging kaibigan mo kasi pati kami nadadamay sa'yo.. Iyong gulo mo nga nung nakaraan, pati kami nadamay eh 'di ba? Pinatawag din kami sa office kahit wala naman kaming kinalaman doon.."

"Sam, tama na.."

"Hindi, Ya.. Nakakaano lang kasi! Parang wala lang sakaniya, eh oh! Parang akala mo manhid, eh.. Nagmumukha tayong masama sa mata ng lahat kasi inaakala nila tayo yung magtotropa na walang ginawa kung hindi magpaka-eng eng sa acads.. Tapos ayan siya, wala man lang paki! Hirap mo namamg maging kaibigan.." prangka na ani ng kaibigan nila at napatayo pa.. "Bahala ka sa buhay mo.. Hindi lang yata grades mawawala sa'yo, pati barkada mo.. Pustahan, away sila ng Daddy niya mamaya tapos damay nanaman tayo kasi inaakala bad influence tayo d'yan."

Pagkasabi nito ng mga salita na iyon ay dere-deretso itong umupo sa upuan nito habang nakasimangot. Sila Maeya naman ay nananahimik lang habang nakasandal sa pader, kinukutkot ang mga bag nilang suot nila dahil paminsa'y nagtatago sila ng mga bag.

Si Bj naman ay kagat lang ang labi at tahimik na nakatingin sa paanan niya, katulad ni Karl. Si Jay naman ay napapabuntong-hininga..

Hindi pa lumilipas ang isang oras mula nung nanermon si Sam nang biglang pumasok si President Camero habng suot-suot ang seryoso niyang mukha. Suot nito ang salamin na gray habang nakapamulsa.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now