33

23 2 0
                                    

. . .










"HUH?!?!?!" sabay-sabay na sigaw ng lahat, kasama na din sila Mando at Athea. Wala silang kaide-ideya na nagpapatugtog si Nella ng electric guitar. Ang alam lang nila ay kumakanta ito at nagpapatugtog ng Acoustic guitar pero yung Electric guitar ay hindi nila alam! "S-seryoso ba?! Siya yung nagpapatugtog kanina?!"

"Oo! Akala ko nga din kung sino! Kasi naghahanda na yung mga SC Officers dahil nga may performance sila! Nandoon yung banda ng SVS, kasama nila tapos si Nella yung vocalist saka electric guitarist nila! Nagulat nga ako kasi ang angas tignan talaga ni Nella! Kung nakita niyo lang!"

"Tara, tignan natin!" aya nila Sam kila James na agad nagsitanguan. Nakisunod din iyong dalawang kaibigan ni Nella.. At habang papunta sila sa outdoor court ay may nakakasbay na silang napakaraming estudyante na hula nilang makikinood din. "Nasaan--AYUN?!?!?!"

"Oo, ayan! WAAAAAAHHHHH!!! NELLAA! ISA PA ISA PA!!!" takbo ni Frida doon at nagbigay na ng 20 pesos kahit hindi naman iyon ang tunay na bayad. Actually, bukod sa performance ay booth din ang ginawa nila. Napag-isipan kasi ng mga SC Officers na makipag-collaboration sa Music Booth coordinator para mas kumita sila. Ang bayad sakanila ay sampu lang dahil mahirap din namang mag-live ng perform na hindi naman nila alam kung ano-ano ang mga susunod na tugtog.

"Teka, bakit bente?? Sampu lang!" tatawa-tawang salita ni Nella sa microphone kaya umalingawngaw iyon sa buong paligid..

"PUTANG INA ANG POGI NI CAMERO!!!" tili ni Sam at napapadyak pa habang humahampas kay James na nakatitig naman sa nobya niya.

Gano'n pa din naman ang suot nito pero nagpapadagdag sa angas nito ay iyong nakasabit na puting electric guitar sakaniya. Nagmumukha talaga siyang kasama sa isang banda. "King ina! Ang swerte swerte mo, James! SOBRANG SWERTE MO!"

"Unang request from Frida ng Grade 10-Hercules! Do I Wanna Know by Artic Monkeys! Music cue!" sigaw ng Dj na nandoon padin sa pwesto nila..

"AYAN NA AYAN NA!"

"KINIKILIG NA AGAD AKO!"

"GO, ATE NELLA!"

"I LOVE YOU, ATE NELLA!!!"

"AHHHHHHHHHH!!"

Playing: Do I Wanna Know by Arctic Monkeys..

"KYAAAAAAAAAAAAAHHH!"

Halos naglumpasay na ang lahat ng kababaihan nang tinipa na iyon ni Nella habang nasa ibaba ang tingin nito.. Agad naglabasan ang mga cellphones ng mga babae at itinutok iyon kay President Camero na walang kaalam-alam na dinudumog na halos siya ng lahat!

"ANG POGIIIIIIIIIII!!!!" sigaw ni Sam at napatalon-talon pa. Sila Michelle naman ay sumisigaw din habang nag-wawagwagan ng mga braso. Ngayon lang kasi talaga nila nakitang magpatugtog ng Electric Guitar si Nella at hindi naman nila inaakalang marunong pala itong magpatugtog non.

Naghahalo tuloy ang kagandahan at angking kapogian ng dalaga, kaya lahat ng mga estudyanteng babae ay mamaos-maos na ang mga lalamunan. Iyong mga nakalaban nila sa sports game kahapon ay nawala lahat ng inis sa team nila nang dahil lang doon sa pagpapatugtog ni Nella.. "AKIN KA NA LANGGGGG!!!"

"JUST ONE CHANCE, NELLA! ISANG CHANCE LANG!"

"HINDI KO NA KAYA, PLEASE! SALUHIN MO 'KO!!!"

"NELLA! HULOG NA HULOG NA 'KO!!!!"

"LORD! ISANG NELLA LANG! NELLA LANG!"

Mas lumakas pa ang tilian nang makita nilang mapangiti si Nella.. Hindi naman kasi bingi ang dalaga para hindi marinig ang mga salita na iyon. Habang pinapatugtog niya iyon ay nag-angat siya ng tingin sa nobyo na siyang nahuli niya kaagad na nakatitig sakaniya. Kahit gaano pa kalayo ang pagitan nilang dalawa, kitang-kita niya ang pula sa mga pisnge nito na tila namamangha at nabibilib sakaniya kaya hindi niya na halos mapigilan ang sarili namapangiti.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now