21

29 2 0
                                    

. . .










Habang abala sa panonood ang iilang kaklase nila Nella na nakikinood sa court ng BSA dahil sa laro ng school nila, ang dalaga ay gano'n din. Nakapakrus ang mga hita niya habang nakapalumbaba't pinapanood ang bawat galaw ni James na siyang hindi muna masyadong tumitingin sa kaniya para hindi madistract. Panigurado kasing kapag tumingin ang binata sakaniya ay madidistract ito't mawawala sa focus.

"Oh, oh! James, James!" paggabay ni Bj sa binata nang maipasa niya ang bola dito. Agad naman nitong itinalbog ang bola at ini-shoot sa three-point-line na nashoot naman kaya malakas na nagsitilian ang mga kababaihan, kasama iyong taga-ibang school.

"Sarap pagtutusukin mga mata ng mga mahaharot oh.." taas ang nguso na ani ni Lexi na nasa tabi ni Nella na natawa sakaniya. Matalim din ang mga mata nitong nakatuon sa grupo ng mga babaeng nakikinood at panay ang cheer kila Bj kahit hindi naman sila taga-SVS. "Yung isa, type na type si Bj eh.. Kabanas, amputa!"

"Hayaan mo na. Sa'yo naman 'yan si Bj, hindi magpapaagaw 'yan."

"Tama pero kakairita padin.. Hindi ba nila halata na girlfriend ako? Hayst! Hirap kapag gwapo yung jowa mo, tapos basketball player pa.. Good luck kay James ah?"

Natawa naman agad si Nella at umiling-iling.. "Hindi ako selosa, sorry.."

"Ay! OKAY!"

Muli nanamang napatawa ang dalaga sa pabirong pagtatampo ni Lexi na siyang tinulak pa nga siya.. Mabigat itong naglabas ng hininga at nag-side eye pa sakaniya na pansin na pansin niya kaya hindi siya matigil kakatawa.

*ENGGGGKKKK!!!*

Napatigil lang sila sa pakulitan nang tumunog na ang speakers, senyales na tapos na ang 4th quarter. Panalo na ang SVS kaya nagsi-apir-an iyong mag-titeammates kasama ang Coach nila at ang adviser nilang si Sir Dan na siyang hawak talaga ay sports.

"Ayeee!" agad na tayo ni Lexi nung papunta na sakanila sila Bj. Sinalubong niya ang nobyo ng ngiti at nakipag-bro hug pa.. "Galing mo talaga, Kap!"

"Nand'yan ka, eh.."

"Sus! Bola mo nanaman.. Ako ba nag-shoot?"

"Hindi pero ikaw yung inspiration kaya nakakashoot."

"Asus! Ewan sa'yo!"

Inaya sila ni Sir Dan na maglapit-lapit ulit para kumuha ng mga litrato nila since nanalo naman sila ng first game sa unang school. After non ay doon na sila nagpalitan ng mga damit dahil iyong mga jersey's na suot nila ay halos naligo na dahil sa sobrang basa ng pawis.

"Basang-basa ka naman yata, Bremen.." bungad ni Nella kay James na siyang umakyat doon sa gawi niya. Ang upuan kasi ng court sa BSA ay hindi bleachers katulad ng SVS at iilang school, semento iyon na matataas ang bawat pagitan kaya dapat kapag aakyat ka, habaan mo ang hakbang mo. Kung hindi mo kakayanin, magpapabuhat ka pa.

"Kaya nga, eh. Basa na din 'tong mga damit ko, may extra shirt ka ba?" tanong ng binata kaya napatingin ang dalaga sa bag ni Sam na siyang sumama para manood kahit may klase sila. "Ayun.."

"Kasya kaya 'to sa'yo?"

"Kasya 'yan, malaki naman eh.." tango ng lalaki't marahang kinuha iyon at naghubad na agad sa mismong harap ng babae na umiwas ng tingin upang bigyan ng pribadong oras na makabihis ang lalaki. "Ayun, kasya.."

Nang matapos na itong magpalit ay binalik niya ang tingin dito. Umupo ito sa harapan niya't tumingala sakaniya.. "Okay ba yung 'damoves' ko kanina?"

"Huh? Saan?"

"Luh!"

Natawa naman si Nella at kumuha ng puting bimpo na dala niya din in case na may mangailangan sa mga players saka niya marahang ipinunas iyon sa noo ni James na napatitig sakaniya dahil sa ginawa niya. "Okay naman.. Naka-shoot ka kahit papaano. Worth it yung sakit ng katawan mo, hehe.."

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now