49

24 2 0
                                    

. . .









"Okay, standby na po tayo for our last two concept.. Miss Nella, are you done?" tanong ni Director Jang. Nasa loob sila ngayon ng isang studio na ang nakabackground ay library. Dahil ang last two concept nila ay School Concept for Perfume Donna, Highschool Sweetheart. "Miss Nella?"

Napatitig si Nella sa sarili mula sa repleksyon niya sa salamin at napakapa sa name tag na nakasabit sa dibdib niya. Ang nakalagay doon ay Nella Chandra Camero, School President. At hindi siya halos makagalaw sa kinatatayuan dahil habang tinititigan ang sarili ay tila nanumbalik ang lahat ng nakaraan sakaniya.

Paano ba naman? Ang uniform na suot niya ngayon para sa photoshoot ay siyang uniform nila sa SVS noon. Idagdag pang ang buhok niya'y ganoon din ang hairstyle niya noong kabataan niya pa. Ngayon, hindi niya alam kung lalabas pa ba siya sa dressing room o hindi..

"Miss Nella.. ??" muling pagtawag ni Director Jang kaya napatayo na sila Sam. Nandoon silang magbabarkada na nanonood ng shoot since last two concept na lang naman. "Ayan na pala.."

Bumuntong-hininga si Nella at ngumiti ng tipid kay Director Jang saka siya nakinig na sa mga staff's na magtuturo sakaniya ng mga poses for concept. Sila Sam ay napatingala kay James na nakakrus lamang ang mga braso habang titig na titig sa dalaga. Bantay-sarado nito ang mga kilos ng babae na tila binabantayan kung mawawala ba ito sa paningin niya.

At masasabi nilang natutuwa sila dahil doon. Maraming napagdaan ang kabarkada nila bago humantong sa ganoon. Wala pa mang nangyayari sa dalawa pero gusto nilang may mangyari ng maganda sa dalawa. Lalo na't inip na din silang makita muli ang dalawa.

"Flashbacks.. Flashbacks.. Lover boy." panunukso ni Bodyguard Lee kay James na binalingan siya ng matalim na mata at siniko kaagad ang sikmura niya dahilan para napapatikhim siyang umayos ng tayo. "Sorry, sorry.."

"Uhm, Director Jang?" tawag ni Nella sa direktor na napaangat ang dalawang kilay.. "Pwede bang magpatugtog po kayo? Medyo nawawala po ako sa wisyo ngayon, sorry.."

"Oh, yeah! Sure! Why don't you play music, Miss Eros? Since, you have a nice taste in music.." ngiting-ngiti na saad ni Director Jang kay nagtataka na tinuro ni Sam ang sarili. Nagtatanong kung bakit siya, ngunit nang makita niya ang pagkindat nito'y agad na siyang kumilos dahil na-gets na niya.

"Gago ka.. ayusin mo. Baka mag-BMW ka d'yan, ah!" agad nang saway ni Maeya kaya tatawa-tawa lang na pinindot ng babae ang napili niyang kanta.

At gano'n na lang ang pagpipigil ng mga magbabarkada nang tumugtog ang.. "~Back to you.. Back to you.. Back to you.."

Dahan-dahang bumaba ang ulo ni James sa kaibigang babae habang suot ang matatalim niyang mga mata dahil alam na niyang nananadya ito. Pero inosente lang itong pinapanood si Nella na napabuntong-hininga at nag-proceed na sa pagpopose.

"Ganda ng tugtog, 'no?" tanong kunwari ni Sam at nag-nose scrunch pa kaya halos mamatay-matay na sila Leon sa pagpipigil ng mga tawa nila. Halatang-halata na ito sa panunukso. "'Di ba, James?"

"What?"

"Ang ganda ng tugtog, kako? Nasa playlist ko kasi 'yan.."

"Share mo lang?" pamimilosopo nito kaya napahagalpak na sa tawa iyong mga lalaki pero pinigil din para hindi makagulo sa photoshoot. "Why don't you try the 'shut the fvck up' challenge? It suits you.."

"Okay, I'll shut the fvck out me.. But, don't you want to know my playlist name?"

"No, thanks.."

"Come on!"

"What is it?" napapabuntong-hininga na lang na tugon ng lalaki dahil hindi siya titigilan ng babae kung hindi niya papatulan.

"High School Sweethearts. Bumalik ka na sa akin, mahal hindi na 'ko galit.."

High School SweetheartsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora