47

22 2 0
                                    

. . .










"Standby tayo.. Miss Nella, are you ready for the shoot?" tanong ni Director Jang habang nakatingin kay Nella na nakasakay sa puting bike. Suot niya ang isang White Corset Top na walang strap, basta simpleng nakasuot lang sakaniya iyon. Pinaparisan iyon ng Faded Blue Jeans at White sneakers. Habang ang buhok ay nakalugay at kulot na kulot na, may nakasuot ding puting headband doon para mas magmukha siyang Fresh City Girl. Tapos na iyong Perfume Donna, Spotlight Girl. At halos alas-tres na ng hapon, para sakanilang last photoshoot para sa araw na iyon. "Miss Nella?"

"Yes po, I'm ready na po.."

"Good! Mabagal lang po ang takbo, ha? Para mahabol ng mga camera man.."

Napabasa ni Nella ang labi bago siya nagsimulang pumadyak habang ang mga camera man ay kinukuhanan na siya ng mga litrato. At katulad ng inaasahan ng lahat ay magiging maganda ang kalalabasan non. Dahil bawat anggulo ay bagay na bagay sa dalaga.

"Wops! Galing pumreno, ah.." ngising sabi ni Bodyguard Lee nung saktong huminto si Nella sa tapat mismo nila. Paikot lang naman ang ginawa niyang pag-andar kanina kaya mas madali para sakaniyang huminto. "Marunong ka palang mag-bike, Secretary Camero?"

"Ahh, oo.. Ito kasi yung ginagawa ko nung nasa America ako."

"Ah, talaga? Naging biker ka?"

"Mm.."

"May squad ka?"

"Noon, meron.. Pero umalis na ako kasi magtatrabaho na 'ko. Sa kompanya."

"Talaga? Cool! Sino-sino mga nakakasama mo sa squad?"

"Ako lang babae sa squad namin, hehe.."

Umangat ang kilay ni President Harvin habang nakatitig sa dalaga na sumulyap lang sakaniya bago binitawan ang pagkakahawak sa hawakan ng bike at hinayaan ang sarili na umupo lang doon.

"If you don't mind, aayain sana kitang mag-bike tayo sa day off natin."

"You can't do that." sarkastikong ngisi ni James kaya napabaling silang dalawa dito. Si Nella ay nagtataka, habang si Bodyguard Lee ay nakangisi. "Your day off are not in the same day."

"Pwede naman sigurong ipalipat ko para sumakto sa day off ni Miss Nella?"

"Well, I am the one who will approve that, so you can't."

"Hmm, damot.."

"You're fired."

"Uy joke lang, Sir!" agad na saad ni Boydguard Lee at hinabol si James na pumunta sa isang bench para maupo doon. Si Nella naman ay napabuntong-hininga na lang at bumalik sa set para magsimula ulit na mag-shoot..

Natapos sila ng saktong alas-kwatro at doon na din siya kaagad nagpalit ng damit dahil hindi siya masyadong komportable doon sa pang-itaas niya. Paano, pakiramdam niya'y biglang malalaglag dahil walang strap. At masikip lamang sa bandang baywang.

"Pack your things.. We have a flight to Batangas."

"Para saan po, Sir?" tanong ng isang baguhang staff..

"Our next shooting.. To Anilao Awari Bay Resort. So pack all your things. Our flight is 8 pm." ma-awtoridad nitong utos at humarap sa dalawang assistants at sekretarya. "You, too.. Pack your things. And go straight in my house."

Pinanood ng tatlo na umalis na si Bodyguard Lee at si President Harvin bago sila nagsiuwian sa mga bahay nila para ihanda ang mga damit na gagamitin nila para sa pagpunta sa Batangas.

"Aalis ka ulit, Ate?" nakangusong tanong ni Melo kay Nella nang makita nitong binubuksan na niya ang bagahe niya.. "Nag-resign ka ba ulit?? Uuwi ka nanaman sa America?? Ate naman, eh.. Napag-usapan na natin 'to, 'di ba?? Akala ko ba hindi ka na lilipat??"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now