19

21 2 0
                                    

. . .








"Ikaw."

"H-ha?" napapaamang na ani ni Nella dahil sa bigla.. Ipinako niya din ang tingin sa lalaki na ngayon ay nakangiti sa kaniya ngunit nababahid ang seryoso sa mga mata nito. Dahan-dahan itong umupo ng indian seat bago ipinatong ang mga palad niya sa mga hita nito't nilaro iyon. "Bremen.."

"May gusto ako sa'yo, Nella.." deretso nang sabi ni James at sumulyap sa mga mata ni Nella na ngayon ay hindi na makapaniwalang nakatitig sa binata na natawa dahil doon. "Bakit? Ayaw mong maniwala? Akala mo nagbibiro ako?"

"Tsk! Bitawan mo nga ako.. akala mo naman kasi nakikipagbiruan, eh.."

"I'm not. I really like you, Nella.."

"S-sige nga.. How?? Why?? When??"

"I don't know how. I don't know why. August siguro?? I think?? Nagsimula akong kabahan sa presensya mo simula nung ipatawag mo 'ko sa guidance office at kausapin.. tapos hinawakan mo yung braso ko.. Ewan ko pero simula nung araw na yun, pinukaw mo na ang atensyon ko.." ngiti pading ani ng lalaki at tumikhim.. "Mas nadagdagan lang siguro yung interes ko nung nagbigay ka ng aruga sa akin.. Well, I know na mabait ka naman sa lahat, pero wala naman na akong magagawa. Nandito na 'to, and ayaw kong alisin.."

"Bremen.."

"Well, being your admirer is the best thing I did in my whole life, I guess.." matamis na ngayon ang ngiti niya nung iangat niya ang tingin sa mga mata ng dalaga na ngayon ay halos nakatulala na. Nawala yata ang isipan nito't lumipad dahil sa hindi inaasahang pangyayari. "I like you, Nella.. I really am.. Walang halong trip, walang halong joke, wala na kahit anong kalokohan.."

Napakunot ang noo ng babae at padarag na hinatak pabalik ang mga kamay. "Ang lakas naman ng trip mo, James.."

"Seryoso ako!" natatawang sabi naman ng lalaki dahilan para kumunot lalo ang noo ng babae. "Wala ngang halong biro.. Ang manhid mo kasi kaya napaamin tuloy ako.. Hindi mo ba halata yung mga panlalandi ko sa'yo?"

"Huh? Kailan?"

"Yung mga hawak-hawak ko sa kamay mo. Tabi-tabi ko sa'yo. Panlilibre ko. Pag-aaaya na sabay tayong kumain. Tapos yung paminsan akong yayakap sa'yo.. Hindi mo talaga alam?"

"Malay ko ba? Baka kasi clingy ka pagdating sa mga kaibigan mo.. Once na kitang nakitang kaakbay si Michelle, kaya ang akala ko gano'n din ang itinuturing mo sa akin.."

"Sus naman.. Ah, basta.. Gusto kita, at seryoso ako." ngiti ngunit seryoso nga na sabi ni James saka siya nangalumbaba. "Free ka ba sa Monday?"

"Uh, oo bakit?"

"Talaga? Wala kang aasikasuhin?"

"Eh, 'di ba CSANPRISA yun? Kailangan kong sumama kasi opening yun, gano'n din sa ibang araw kasi laban naman yun."

"Sakto.. Panoorin mo 'ko, ah? Kailangan ko ng goodluck charm doon. Para maka-shoot ako.."

"'Wag na.. Mabawasan pa pogi points mo sa akin, hindi ka nanaman makakashoot."

Napatawa agad si James at napahilata sa higaan.. Si Nella naman ay natawa din at tuluyang sumakay sa higaan bago isinandal ang ulo sa pader. "Kailangan makapag-shoot ka, ah?"

"Nandoon ka, sige.. Three points pa."

"Yabang.. Sa 2 point line nga hindi mo na magawang makapag-shoot--BREMEN!" sigaw ni Nella nang hatakin siya bigla ni James at kilitiin pa ang mga bewang niya kaya dali-dali siyang napagalaw na parang kiti-kiti. "A-ARAY--HAHAHAHA! BREMEN! AHH! HAHAHAHAHA--M-MASAKIT! HAHAHAH! JAMES!"

"Tignan mo yung dalawa, oh.. Grabe na.. Sakit na nila.." ngiwi na ani ni Jay habang nakatitig sa dalawang hanggang ngayon ay naghaharutan. Panay ang palag ng dalaga sa mga pagsugod ng binata na tila walang balak tumigil. "Hoy! Tama na kayo!"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now