23

18 2 0
                                    

. . .










Imbes na ituon ng mga barkada ang gabi sa pagdamay sa kaibigan nilang si Karl, ay itinuon pa nila ang mga pansin sa panunukso kay James. At sinisimulan iyon ni Karl mismo. Ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol doon, gusto na lang niyang magpakasaya lalo na't buo sila ngayon. Ngayon lang sila nabuo'ng lalaking magkakaibigan sa inuman kaya imbes na malungkot, dapat silang magsaya.

"Sagutin mo na kasi, Par.. Iiyak na 'yan, oh.." pang-aasar pa ni Tonyo't humagalpak ng tawa nang balingan siya ng napakatalim na tingin galing sa binata.

"Sige na nga.. Kawawa ka naman, eh.." natatawang ani nanaman ni Karl nung bumaling na sakaniya si James na may masamang tingin. "Kaya si Nella lang yung libreng-libre kong nalalapitan na kaibigan kong babae, kasi hindi nagseselos sakaniya si Danica."

"Eh, bakit.. ??"

"Napag-usapan na namin 'to, eh.. Tinanong ko siya kung bakit hindi siya nagseselos kay Nella. Ang sabi niya, komportable daw siya kay Nella.. Malalaman mo daw kasi kapag lumapit ang babae sa lalaki na may girlfriend na, makokomportable ka daw at sure na hindi siya gagawa ng kabalastugan. Kahit pa daw yakapin ko si Nella, hinding-hindi siya magseselos kasi ipinapakita ni Nella yung respeto niya kay Danica.."

"So, sinasabi niyang sila Maeya.. wala?" tanong ni Tonyo.

"Oo, siguro?? Kasi yun yung sinabi niya eh.. Sa lahat daw ng babae kong kaibigan, isa lang ang pinagkakatiwalaan niya. Si Nella lang. Walang sinuman, si Nella lang talaga ang pinagkakatiwalaan niya.."

"Well, sabagay.. Gan'yan din sabi sa'kin ni Lexi." kibit-balikat na sabibni Bj kaya napalingon sakaniya ang tropa para makinig. "Same kami nang pinag-usapan ni Lexi.. Tinanong ko muna siya kung nagseselos siya kila Maeya, sabi niya medyo lang daw.. After non, tinanong ko siya kung may hindi siya pinagseselosan, ni isang beses. Sinagot niya Nella."

"Sobrang komportable din kasi ni Nella, par.. Kahit ako, eh. Kung sakaling magkaroon ako ng girlfriend, tapos girlfriend ko panay ang selos kila Michelle, tapos Nella lang talaga hindi niya pagseselosan. Kasi sobrang komportable niya." tango ni Tonyo't sumulyap pa kay James na ngayon ay nagpipigil ng ngiti habang nakasandal na sa upuan niya, krus din ang mga braso niya.

"Baka Nella ko 'yon.."

"Ulol, tang ina mo.." pagkutos ni Leon sa ulo ng binata na napa-hiss at inambahan siya ng sapak. "Ang landi mo, hayup ka.. Kapag sinaktan mo 'yong pinsan ko---papatayin kita gago!"

"Baka mauna ka pang mamatay, siraulo!" irap pa ng binata't tatawa-tawang sumandal ulit sa inuupuan niya.

Nagpatuloy ang gabi nila na hindi halos nawawalan ng paksa na kanilang pag-uusapan. Patuloy din ang pag-ikot ng alak hanggang sa makatatlong bote na sila ng Emperador. Bagsak na si Neo at June. Pareho silang dinala na nila Jay sa guest room para makapagpahinga na. Sila Tonyo, Karl, Jay, Leon at James naman ay nanatiling tayo padin ngunit malala na ang tama. Lalong-lalo na si James.

"Aww.." mahinang daing ng binata habang napapasandal na kay Karl na siyang sapo na ang noo habang nakapikit. Pinapakalma nito ang sarili dahil pakiramdam niya'y nasusuka siya. Dapat talaga ay hindi siya kumain ng marami sa pulutan, para hindi siya ngayon nagpapakalma at nagpipigil ng sarili para masuka. "My h-head hurts n-na.."

"Gagu, par.. hindi ko na kay----BWAAAAAAAA!"

"PUTANG INA MO, TONYO!" sigaw ni Jay at tatawa-tawang inihiga ang batok sa sandalan ng upuan niya nang sumuka bigla si Tonyo. Pulang-pula na ang mukha nito't batok. Nakadapa ito sa may bandang kanal nila James, doon sumusuka. "Kadiri ka, 'wag ka nang sasama ulit!"

"Gago k-ka---BWAAAAA!"

"Ang dugyot, puta!" ngising ani ni Karl habang nakatingin kay Tonyo ngunit hindi nagtagal ang ngisi na iyon dahil agad siyang napatayo't tumabi kay Tonyo para sumuka din.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now