55

18 2 0
                                    

. . .









Pagpatak ng alas-otso ng gabi ay nagsialisan na ang mga bisita dahil tapos nadin naman ang event na nagaganap sa loob ng kompanya ni President Bremen. Ang tanging ginagawa at inaasikaso na lamang nito ay iyong mga staff's na nagpapasa na din ng ibang documents na inatas niya nung isang linggo lang.. Kinausap din niya ang mga waiters na ngayon ay nagliligpit na ng mga ginamit para sa lalagyan ng mga pagkain.

Matapos niyang makipag-usap sa mga iyon ay dumeretso siya sa mga kabarkada at mga magulang na ngayon ay abala naman sa pagligpit ng mga gamit nila at maghanda na para umuwi na sa kaniya-kaniya nilang tirahan. "May lakad pa ba tayo?" tanong ni James sa mga ito.

"Ikaw.. ?? Lalabas pa ba tayo?"

"Kayo nga tinatanong ko, eh.." tatawa-tawa nitong sabi at pinalibot ang paningin sa lahat nang nandoon. At napakunot ang noo nang mapatanto na wala ang kasintahan sa grupo. "Si Nella? Saan pumunta? Bakit hindi niyo kasama?"

Napalingon-lingon naman ang lahat sa paligid na tila hinahanap din ang nabanggit na dalaga. Ang akala nila'y nasa likod lang ito dahil madalas naman itong gano'n, na tahimik lang. Pero wala pala silang kasama na Nella. Ngayon, hindi nila alam kung nasaan na ito.

"Melo, si Ate mo?" baling ng binata sa kapatid ng dalaga na nangibit-balikat, wala ding ideya kung nasaan ang hinahanap nilang babae. "Teka nga, tawagan ko.."

Agad inilabas ni James ang cellphone niya para i-dial na din ang number ng nobya. Ngunit nakakailang ring na ay hindi padin ito sumasagot. Nung subukan naman niyang tawagan ang dalawang assistants ay walang ni isa ang sumagot. Nagriring lang pero walang sumasagot. Nagsisimula na tuloy na mamuo ang pag-aalala sa lalaki dahil sa nangyayari.

Pabuntong-hininga niyang sinapo ang pisnge at muling ini-dial ang number ng kasintahan na nag-riring lang ngunit hindi padin talaga sinasagot, walang sumasagot. "Hanapin kaya natin? Baka naghihintay lang sa baba?" aya na niya kaya nagsitanguan ang mga ito saka na sila sabay-sabay na lumabas ng silid.

Habang naghahanap ay panay ang pagtawag ni James kay Nella. Hindi niya tinitigilan ito hangga't hindi ito sumasagot. Iyong pag-aalala ng binata ay napalitan na ng kaba, sa hindi niya malamang dahilan. Para kasing may nangyayaring hindi niya nalalalaman. Parang may mangyayari.. na hindi niya alam kung ano ba. Kanina pa sila palobot-libot sa malaki at malawak na kompanya, at hindi niya na alam ang dapat niyang gawin dahil nagsisimula nang manginig ang mga kamay niya. Senyales na inaatake nanaman siya.

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili nung maramdaman niyang namamanhid ang mga sulok ng mga mata, senyales na siyang naluluha na.. Ayaw niyang magpalamon sa pakiramdam na iyon. Wala naman siyang dapat ikabahala na iiwan ulit siya ni Nella, ngunit ang sariling katawan na mismo ang tumatraydor sakaniya.

Naghahalo-halo na ang emosyon sa dibdib niya. Nakokonsensya siya dahil pakiramdam niya'y hindi niya napagkakatiwalaan ng malala ang dalaga dahil sa ideya na baka iwan siya muli nito't hindi na kailaman bumalik pa. Pumapasok na din sa isipan niya ang mga ideya na baka may nagawa siyang hindi maganda, kahit naman maayos silang naghiwalay kanina para ayusin ang mga sarili sa event na magaganap.

May hindi ba nagustuhan si Nella sa kaniya?

May nasabi ba siyang hindi kaaya-aya?

Ano bang dahilan at bakit hindi ito nagpapakita sakaniya at hindi masagot ang mga tawag niya?

Ano bang gagawin niya?

"F-fvck.." nanginginig ang boses na daing niya at napahawak na sa mga tuhod niya. Ayan na ang pag-atake ng isang mabigat na pakiramdam sakaniya. Dali-dali namang tumabi sakaniya ang ina at pilit siyang pinapakalma. "Oh, God.. W-where are you, mahal.. ??"

High School SweetheartsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora