14

22 2 0
                                    

. . .











*TOOT TOOT TOOT*

"All of Grade 10 student, please come to the guidance office.. Leave your things on its places because COCC's and CAT's will handle it.." pag-announce ng isang guro na babae at lumabas ng PA System.

"Halah, bakit??"

"Gagi, bakit?"

"A-anong nangyayari??"

"Papatawag nanaman tayo sa office?"

"Teka, hindi pa ba tapos yung issue natin last week ng August? Kakasimula palang ng September ah!"

"Grabe 'to, guys.. Ano nanamang ginawa natin?"

Napabuntong-hininga si Nella at blangko ang mukha na binalingan ng tingin ang adviser nilang nakaupo na sa lamesa nito at bumubuntong-hininga. Blangko ang mukha nito at alam niyang pati ang isipan nito.

Maraming nangyari sa buwan ng August. Una ay nasangkot si James Bremen sa isang gulo sa Grade 9 dahil nagkainitan daw ang mga ito sa gitna nang pagkakaroon ng P.E time.. Nawarning-an din ito for kick out sa Varsity team. Pangalawa ay na-leak ang gc ng isang grupo ng magkakaibigan sa klase nila na may nilalaman na panlalait sa isa nilang kaklase, which is ay si Dovey.. At kasama doon ang mga kaibigan niyang babae. Si Michelle Maeya, at Maddie. Pangatlong case ay doon sa pinsan niyang si Leon, kung saan ay sinagot nito sa paraang nakakabastos ang English Teacher nila na si Miss Louise Manjana.

At ang panghuli.. ay ito.

"Magsipuntahan na tayo sa office. Baka magalit pa lalo yun si Sir Jordan." utos ni Athena na siyang isa sa mga SC. Nagsipilahan naman ang mga magkakaklase at nagsibabaan, hanggang si Nella na lang at ang adviser nila ang matira sa silid.

Sumandal ang dalaga sa pader at napakamot sa ulo bago bumuntong-hininga.. "Alam kong hindi mababawi ng sorry ko ang mga nagawa namin, Sir pero sorry padin.." maikli niyang sabi at sumunod na bumaba.

Naiwan na lang ang ginoo doon na kusa nang napabulusok ng paghagulgol. Napatakip siya sa mga mata at nanginginig ang kamay na hinampas ang lamesa.. Nasasaktan siya para sa mga estudyante niya, at para s'yempre sa sarili niya. Pakiramdam niya ay may pagkukulang siya bilang magulang ng mga ito.

Ilang beses na din siyang napapagalitan ng punong-guro at nasisigawan pa. Ayaw na ayaw niyang napagtataasan siya ng boses, hindi dahil sa ayaw niyang dinidiktahan siya.. Ayaw niyang pinagtataasan siya ng boses dahil pakiramdam niya ay nagmumukha siyang tanga-tanga. Sa iilang taon niya sa eskwelahan na iyon, ito lamang ang school year na siyang parang binugbog ang isipan niya sa patong-patong na kasong sinangkutan ng mga anak-anakan niya.

Hindi niya na alam ang gagawin niya.. Stress na stress na siya. Alam niyang wala siyang magagawa dahil kahit anong pagtatanggol pa ang gawin niya para magmukhang inosente ang mga estudyante niya, sila padin ang mali. Alam niyang ini-report ng mga SC Officers na may nakapasok na cellphone sa room ng Grade 10 dahil binanggit iyon sakaniya.

Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang silbi na adviser dahil nagiging duwag siya.. Duwag.

*BLAG!*

"Sinong nagsabi sa inyong i-keep niyo ang mga cellphone niyo sa room, ha?!" galit na bulyaw ni Principal Bremen dahilan para mapaiktad ang iilang Grade 10 students. Lahat sila ay nakatayo sa harapan ng Principal nilang namumula na ang leeg sa galit. "Kahit pa hindi nakapkap ng mga COCC's ang mga cellphone niyo, kailangan niyo pading i-surender 'yang mga cellphones! Ilang beses na ba kayong nagpabalik-balik sa opisina ko, ha?! GRADE 10!"

Namuo naman ang katahimikan sa buong guidance office at ang tanging nag-iingay lang ay ang galit na punong-guro at tunog ng umaandar na air conditioner. "Gusto niyo bang sabay-sabay na umulit ng Grade 10!?! Hindi pa ba kayo natututo sa pagpapabalik-balik niyo sa opisina na ito at gusto niyo pa talagang magpabalik-balik nanaman! Straight week ay matunog na matunog ang Grade 10 because of your issues!"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now