40

13 1 0
                                    

. . .







🏍️  K I N A B U K A S A N  💌

Nagising si James na hindi na katabi si Nella at nung tanungin niya ang ina kung saan ito pumunta ay sinagot naman nitong umuwi na ang dalaga. Maaga daw itong umalis dahil may kailangan pa daw itong asikasuhin sa bahay nila. Hindi naman na nagtanong pa ang lalaki dahil naalala niyang sabi pala ni Nella ay may aabalahin pala ito sa umaga.

"Aww, masakit yun ah.." tatawa-tawang haplos ni James sa dibdib nung makaramdam ng parang pagpitik ng puso ngunit hindi naman delikado. Parang binigla lang siya. Siguro dahil agad siyang tumayo.. Kaya bumigat bigla.

Group chat (Mga Pogi na nakagraduate na)

Jejaymon: hello mga prend! gala us?

Straberryjames: gora ako! free ems!

Karlbroombroom: wala kyong date ni nella brad?

Strawberryjames: mamaya pa kasi may gagawinbdaw siya hihi 🤭

Bjmoko: okay pala eh! mamaya dn date nmin ni lexi so tara guys?

Junetay: rararara!

Karlbroombroom: @everyone rara?

Straberryjames: rara!

Junetay: rara!

Jejaymon: raaaaa!

Bjmoko: rararararara!

Tinapahenry: gggg!

Napangiti si James dahil doon at agad-agad nang nag-ayos ng sarili. Gagala na ulit siya kasama ang mga kabarkada at ramdam niyang excited na excited na siya dahil iyon na lang ulit ang pagkakataon na magkakasama-sama sila. "Saan ang punta ng gwapo kong anak?" tanong ng ina ng lalaki.

"Gala with friends lang po, Mom.."

"Okiii! Umuwi ng lunch, okay?"

"I'll try! Bye, Jerza! I love you!" kaway niya pa sa kapatid na tinignan lamang siya at nagpatuloy sa pagnuod ng Cocomelon sa malaki nilang telebisyon sa salas.

Motor na lang ang gagamitin niya para masundo niya sila Karl dahil nagko-commute lang naman ng iba sakanila. Ang tanging nakamotor lang ay sila ni Bj.

"Ayyye, pare! Namiss kita, pakiss!" amba ni Karl para humalik sakaniya kaya dali-dali niyang iniwas ang mukha at inambahan ng sapak ang kaibigan.

"'Wag 'to, may nagmamay-ari na dito.."

"ANO KAMO?! AKALA KO BA AKO LANG?!"

"Wala na.. Napalitan na kita.. Si Nella na nagmamay-ari nito."

"Luh.." ngiting nakakaloko na ani ni Karl na tila hindi naniniwala sa sinabi ni James. Ang binata naman ay ngumisi sakaniya at kumindat kaya agad nawala ang nakakaloko niyang ngisi sa labi.. "..weh??"

"Oo nga.. Ayaw maniwala."

"K-kailan?"

"Kagabi."

"AY KING INA MO! Proud na proud ako sa'yo! Parekoy, halika!" hiyaw nito at niyakap siya ng mahigpit kaya tatawa-tawang niyang tinapik ang likuran nito saka hinintay na makasakay sa likuran. "Ikaw na first boyfriend, ikaw pa first kiss.. Samantalang ikaw, pang-ilan na. Paghiwalayin ko kayo, feeling ko hindi kayo compatible!"

"Magcommute ka na."

"CHAROT! Ito---hindi na mabiro! Tara na! Woo-hoo!"

Inikot na lang ni James ang mga mata saka siya nagsimula nang magmaneho. Napag-usapan nilang magbabarkada na magkikita-kita sila sa Starmall dahil doon ang pinakamagandang meeting place, at para masulit din ng ilang oras. "Ano, tara na boys!" aya ni Jay sa mga nakababata..

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now