09

20 2 0
                                    

. . .










Prenteng nakasandal si Nella sa pader sa labas ng office ni Principal Jordan, rinig niya mula sa pwesto niya ang sigawan ng mag-ama sa isa't isa. Soundproof ang silid na iyon pero sa sobrang lakas ng sigawan ng dalawa ay maririnig mo na, dahil siguro nakaawang din ng kaonti ang pintuan kaya rinig na rinig niya.

"Bakit ba palagi niyo akong pinipilit sa mga bagay na ayaw kong gawin, Dad?! Hindi ba pwedeng maging masaya ka na lang dahil masaya ako sa kung ano ako ngayon at kung anong meron ako?!"

"Masaya ka sa gan'yan? Barkada-barkada! At napakababa ng grades mo, James! Sinabi ko na sa'yo na tatanggapin ko ang 80 pero ang ibinigay mo sa akin ay 70! Maliit na bagay ba ang makinig sa mga guro mo?! Ang makipag-cooperate!? Kapag ipinagpatuloy mo 'tong kalokohan mo, pwede kang mabagsak at hindi makaalis ng grade 10!"

"Edi gawan mo ng paraan! Ano pang silbi mo as Principal kung hindi mo kayang kontrolin ang mga tauhan mo?!"

"Hindi gano'n kadali iyon!"

"See! Gusto mo akong makagraduate! Edi ikaw ang gumawa ng paraan! Tutal perfect ka naman, 'di ba? Sino ba akong experimental child lang?! 'Di ba, Dad?!"

"Ano bang mga sinasabi mo?! Napakalayo na ng mga pinagsasabi mo sa orihinal na pag-uusap matin! Ayusin mo nga ang sarili mo! At ano yung nakita ko kanina?!"

"Anong kanina?!"

"Bakit kahalikan mo si Brena?! May namamagitan ba sa inyong dalawa?!"

"S-saan mo nakita 'yan, Dad?"

"Kitang-kita ko sa CCTV Footage! Siya ba ang dahilan kung bakit mababa ang grades mo?! Huh?! Sabihin mo sa akin! Siya ba?! Iyong babae na iyon?!"

"Hindi siya, okay!? 'Wag kang mandamay ng ibang tao sa problema nating dalawa, Dad! Nakakapagod ka nang pakinggan, kailan mo ba ako maiintindihan?! Alam mo sana.. !? Hindi na lang ikaw ang daddy ko! Sana! Sana hindi mo na lang ako anak dahil napakahirap mong maging kadugo!"

"ANONG SABI MO..!?"

Makakatanggap sana si James ng sampal galing sa ama nang hatakin ito ni Nella sa pulsuhan at itago sa likuran niya.. Gulat namang napatitig si James sa likuran ng babae at kukwestyunin sana ito nang tumikhim ang babae.

"Sir Jordan.. 'Wag na po sana kayong maghimagsik ng galit dito sa opisina dahil rinig sa labas ang sigawan niyong dalawa. Hindi pa tuluyang nakakaalis ang iilang guardian kaya maaari nila kayong mapakinggan."

Nagpamaywang ang punong-guro at malakas na bumuntong-hininga, pinapakalma ang sarili. "Rinig ba talaga sa labas?"

"Opo. Kaya magpalamig ho muna kayo, ako na lang ang kakausap kay James.."

"O-okay, thank you, President Camero.." lunok nito at binigyan ng masamang tingin ang binata na pairap na umiwas ng tingin saka nito padarag na kinuha ang pulsuhan at dumeretso sa labas.

Siya namang sinundan siya ng babae na napapabuntong-hininga habang magkakuyom ang parehong braso. "Bremen!" tawag at habol ni Nella kaya inis na humarap si James dito.

"Ano pa bang ginagawa mo dito, Nella? Dapat hindi mo na din pinigilan si Daddy na sampalin ako! Sanay naman ako! Nag-aalala ka pa sa akin!"

"Sinong nagsabi sa'yong nag-aalala ako para sa'yo?" prangkang ani ng dalaga kayanapapahiya na napatigil ang binata. "Pinigilan kong masampal ka dahil marapat lang.. Hindi ako nag-aalala, kaya 'wag kang mag-isip ng kung ano."

"H-hindi ka nag-aalala para sa'kin?" tanong ulit ng lalaki sa mababang tono ng boses, na tila hindi siya makapaniwala..

"Bakit naman ako mag-aalala para sa'yo?"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now