Chapter 38

26.8K 908 330
                                    

Nagpa-hila lamang ako kay Tyson pabalik sa malaking ancestral home nila. Nakikita ko si Ate Jo na naglalakad pabalik sa loob ng bahay matapos kami nitong tawagin. Mahigpit ang kapit ni Tyson sa kanang kamay ko habang hinihila ako. Natuyo na kami dahil sa sikat ng araw at sa malamyos na hangin. Bahagyang nanginginig ang mga tuhod ko habang nag-lalakad at alam kong dahil iyon sa ginawa namin kanina. Mariin akong napapikit. Shit!

"We'll dip for a bit more and then we'll change." Biglang salita ni Tyson at mabilis akong sinulyapan.

"Huwag na, Ty. Mag-banlaw na tayo agad at mag-bihis. Nakakahiyang pag-hintayin iyong mga tao." Sabi ko. He firmly shook his head. Naka-tuon lang ang tingin sa pool na malapit na naming maabot.

"Nah. Let them wait." Anito. Gusto ko pa sanang umapila ngunit hinayaan ko na lang at hindi na nakipag-talo.

"Mabilis lang, ah." Sabi ko nang nakarating na kami sa pool area. I wriggled my hand away from his hold so I can peacefully sit on the stainless stairs first and slowly make my way to the pool again but Tyson scooped me up and harshly jumped into the water.

Wala akong naging panahon para tumili at magulat dahil ang sunod na nakita ko'y nasa ilalim na kami ng tubig. At talagang lubog na lubog kami sa pinaka ilalim dahil sa lakas at bigat ng pag-talon niya. Shit! Tarantado talaga 'tong lalaking 'to! Why would he jump and bring me with him? Can't he just jump on his own?

Kitang-kita ko ang mala-demonyong tipid na ngisi ni Tyson sa ilalim ng tubig. Agad agad akong kumawala sakaniya at umahon. Para akong nalalagutan nang hininga habang umaangat. And when I made it back to the surface, I gasped for air like it's my last.

"Tyson!" Malakas kong sigaw sa sobrang inis. Hindi ko siya nakita kaya tumingin ako sa ilalim ng tubig at nakitang swabeng swabe lamang siyang umaangat ng dahan-dahan. At nang naka-angat na'y malakas ko siyang tinalamsikan ng tubig.

"Ano ba! Muntik na akong maka-inom ng tubig!" Inis kong sabi. He growled as he wiped his face off.

"Sabi mo mabilis lang, 'di ba? That's it. Tayo na." Aniya at mabilis na lumangoy papalapit sa akin. Kumapit na naman ang mga malilikot niyang kamay sa beywang ko na tila ba built in ang mga iyon doon.

"Tayo na mukha mo!" Simangot ko. He smirked and kissed my left cheek.

"Sungit." Malumanay at baritono niyang bulong. At kahit naiinis pa rin ay hindi ko mapigilang manlambot at kalimutan na lang agad. Ang bilis niya lang talaga akong kunin! Kabisadong-kabisado niya ang lahat ng kahinaan ko sa katawan.

"When just a while ago, you were desperately begging to be fucked. Hmm?" Aniya at tumawa. Tinulak ko siya at inarapan. Ngunit nangingiti rin. Gosh! Nakakahiya!

"Eh, ikaw kasi..." I felt cute saying that. Hindi siya kumibo at nanatili lang na naka-titig sa akin ang mga mata niyang may aliw. Na para bang hindi ko siya ginalit kani-kanina lang.

"May nakakita kaya sa'tin?" I curiously asked. His smirk grew wider and I hate how arrogant and proud it looks!

"Nah. If there were people out there earlier, I wouldn't even think of taking you there. You are for my eyes only." Aniya. Napa-irap ako at kinagat na lang ang labi habang kinikilig. He has a way with words, really.

"Pero what if nga? Like, malay na'tin may tao pala sa kasunod na lupain? Tapos kinunan ta'yo? Gosh, Ty! I probably looked like a frog earlier!" Tinakpan ko ang mukha ko sa sobrang hiya kahit na lakas maka angsha ng mga pinag-sasabi ko. Same level dun sa 'what if' niya rin tungkol sa mga rider na tine-text ang mga customers. Na-tawa ako sa isip ko.

"Kita mo 'to?" Aniya at inangat ang kanang kamao niya. I made a face when I realized what he meant.

"Alam mong namimisikal ako kapag ikaw na ang pinag-uusapan." He said as if I should have known it by now. Napa-irap na naman ako.

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon