Chapter 41

19.6K 733 248
                                    

Matinis ang tili ni Jade at Kobi nang batiin ko sila. Nag-uunahan silang dalawa sa paglapit sa'kin habang naka-taas ang mga braso upang sumalubong ng yakap. I chuckled as I didn't know who to hug first. Mabilis ko na lamang na hinaplos ang pisngi ni Tyson at marahang tinulak siya upang kumalas at salubungin ang dalawa. Mabuti naman at hindi na nanlaban at hinayaan lamang ako.

"Bitch! We missed you!" Kobi shrieked. I giggled and spread my arms so wide so I can hug them both instead. I inhaled their very sweet and feminine body mists when we embraced. Mabilis na napa-tingala ang ulo ko nang pabirong hilahin ni Jade ang buhok ko mula sa likod.

"Chosera ka! Pinagtataguan mo talaga kami eh kasi feel na feel mo na'ng buhay may asawa!" She giggled. Kumalas kami at mahaharot na nag-hampasan ng mga kamay. I heard Tyson's 'tsk' from behind but I didn't mind it.

"Gaga! Nag-rereply kaya ako sainyo!" I reminded. Pinunasan ko ang noo ko at inipit ang magkabilang bahagi ng buhok ko sa likod ng dalawa kong teynga. Pinagpawisan agad ako dahil sa naramdamang tuwa at excitement sa pagkikita naming tatlo ngayon. Oh gosh, how I've missed them!

"Nag-rereply nga pero 'di nag-papakita!" Si Kobi. Ang iingay at bibilis ng mga pagsasalita namin at ewan ko na lang kung ano na kami sa pandinig ni Tyson ngayon. Bahala muna siya diyan.

"Eh busy rin naman kayo! Kasalanan ko ba kung ako lang 'yung malayo sainyo at kayo eh sobrang magka-lapit ha?"

"Excuses, bading! Send kami nang send ng pictures ng mga lakwatsa pero you won't ask to be brought in the next! Dati eh ikaw 'yung malakas manulong ng bahay pero ngayon kami na para lang talaga makita kung humihinga ka pa ba!" Si Jade at naka-ngising umirap. Puro pasigaw ang mga palitan namin na storya at alam kong nakaka-rindi sa pandinig ng ibang tao. Si Tyson at iyong dalawang kasambahay lang naman ang nandito sa labas at sana'y hindi na lang din talaga maka-rinig si Daddy dun sa loob.

"Oh, hi, gosh, Tyson!" Eksaheradang bati ni Kobi sabay takip ng bibig tila ba gular na gulat siyang nandito pala si Tyson. Hindi na ako naka-sagot dahil napa-ismid na ako.

Chosera talaga 'tong bakla na 'to! Imposibleng 'di nila nakita si Tyson kanina eh ang laking tao niyan at naka-lingkis pa sa'kin kanina. Pero sobrang naiintidihan ko iyang mga paandar niya kasi napaka dramatic naman talaga ng mga bakla for no reason. I giggled and turned to Tyson.

"Ty..." Malambing kong tawag upang palapitin siya at ipa-bati rin sa mga kaibigan ko. I caught him just intently looking at us when I turned to him as if he was seriously studying our behaviors as he watched us bantering.

Lumuwag naman agad ang mukha niya at lumapit sa'kin. He nodded at the two and wrapped his right arm around my waist. Kinilig-kilig naman agad ako habang naka-ngising bumaling ulit sa dalawa sa harap na intrigang intriga ang mga mukha.

"Morning." Tipid na bati ni Tyson. Sabay na tumingin sa'kin ang dalawa at nagpipigil ngisi ang mga mukha bago ibinalik agad kay Tyson ang mga mata.

"Good morning, Tyson. I hope you don't mind us visiting Apple." Ani Jade. In the very few times I reply to our group chat, I never shared too much about Tyson and the state of our relationship. 'Tsaka lamang ako magshe-share kapag nag-tanong sila pero kahit ang mga iyon ay limitado lamang.

Like I said before, there are things that we cannot just and are not comfortable sharing with even to the closest friends we have. Hiyang hiya na nga ako nung kinwento ko ang unang pagkikita namin ni Tyson at kung hindi pa nila kami nakita roon sa MMA fight nitong isa ay hindi ko talaga sasabihin!

But anyway, I'm glad that they seemed to have loosen up around Tyson. Kasi noong una nilang nakita ito'y sobrang nawiwindang at naiintimida sila sa presensya nito at nagha-hang ang mga utak. That allows me now to somehow loosen up too. Well, maybe because we are in the most stable state of our relationshop so far. Unlike before when everything was still so uncertain.

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon