Chapter 43

20.3K 753 565
                                    

Tyson spent the remaining two days of his business trip mad and always in foul mood. He almost went back to the old Tyson I met two years ago. Kung hindi lamang sa pag-pungay ng mga mata niya at hinahon ng boses sa tuwing ako na ang kausap ay masasabi kong tila bumalik talaga siya sa umpisa. Like a snake who climbed the tallest ladder but fell and is now back to square one.

I realized how bad it affected him when Engineer Teorico called me during their last day in Singapore. I ran out of words.

"Are you and my son okay, hija? He is almost cannot be spoken to by anyone here right now." Anito sa kabilang linya. Alam ko ring pa-nakaw na tawag lamang ang ginagawa ngayon ni Tito dahil kapag nalaman ni Tyson ay gigisahin niya na naman ang Daddy niya.

"Oo naman po, Tito. We're fine. May nalaman lang siya tungkol sa kaibigan niya na hindi niya nagustuhan. I'll try to talk to him." Sabi ko. I heard him sigh.

"Talaga ba, hija? Well, I hope so. The last time he acted like this was when you hid from him that's why I thought... but yeah, please persuade him to act accordingly. Kung kailan huling araw na namin ay 'tsaka pa maga-ganito." Litanya nito.

I assured Engineer Teorico that we're really fine and I'll call Tyson after my last class. Bukas na ang uwi nila at may huling dinner party pa raw silang dadaluhan kung saan naroroon din ang bagong client nila.

Kaya pagka-uwi sa penthouse matapos akong sunduin nang iniwang driver sa'kin ni Tyson ay tinawagan ko na siya. It's five in the afternoon. When he answered my call, he was already fixing his bow tie. Ang kaniyang coat ay malinis na naka-hanger sa likuran niya.

"I know, B. I know what I need to do. How's your day?" Malambing niyang sabi sa huling parte ngunit ang naunang sinabi ay may kaonting irita. I raised a brow.

"Just fine. The usual..." I coldly said and busied myself with the small benches that was assigned to me for our miniature project. These benches are for the mini park beside the Condominium.

"B..." tawag niya. Mas malumanay at mababa na ang boses.

Noong isang araw ko pa kasi siya pinapa-kalma. Binigay ko na yata lahat nang assurance na hindi ko naman pinagnasaan ng lubusan iyong shirt ni Jerro at siya naman ang iniisip ko habang hinahaplos iyon sa'kin. Sinabi ko ring ipina-sunog ko na kina Ate Jo 'yun ngunit ayaw pa ring matahimik.

Ang nangyari pala'y baka na-iwan daw ni Jerro dun noong nag-inuman sila. Hindi rin naman imposible. Pero bakit nga ba niya iiwanan o naiwanan? I asked Tyson if he remembers Jerro changing into a new shirt that night but the brute just shook his head and said he wasn't paying attention to his friends because he was already so horny texting with me. Jusko!

Alam at naiintindihan ko naman siya. Sa kay tagal ko bang inaral ang buhay at ugali niya ay ako pa talaga ang hindi makaka-intindi? Kaya lang, ayoko ring magpaulit-ulit minsan, eh. Nauubos din ang pasensya ko.

"Buttercup." Tawag niya ulit nang hindi ko na siya pansinin at nag-lagay lang ng glue sa miniature benches ko. Sige, sagutin mo pa ako nang pa-irita diyan, Tyson Matheus. Makikita mo.

"Tsk. B, pansinin mo naman ako." Angal niya. I stopped and gave him a tired look. His lips frowned and I fought the urge to soften at that. Ayan, papa-cute agad. Tang ina.

"I'm listening, Ty. At akala ko ba alam mo na gagawin mo? Eh iyon lang naman 'yung gusto kong sabihin, kaya sige na, mag-handa ka na para sa dinner niyo." Sabi ko. Agaran ang pag-iling niya at ang mariing pag-hilamos sa mukha. He looked so frustrated yet defeated at the same time.

"No, please, I wanna talk to you. I'm sorry. I didn't mean to raise my voice." Aniya. Ngumuso ako upang pigilan ang ngiti. Ngayon lang din naman siya sumagot nang ganun simula nung nalaman niya ang tungkol kay Jerro. Like I said, he has been so mad and rude to anyone since then but still gets to talk softly to me. When it's me.

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon