Chapter 54

28K 961 846
                                    

Pinapanood ko ang team kong sumasakay na sa van nila dahil tutulak na kami patungong Caloocan. Napag-alaman ko kay Benjamin na roon pala ang project ni Tyson na isang tulay at konektadong highway. Natigilan nga ako dahil agad kong na-isip na kung literal pala talaga iyong tulay at kalsada ay talagang ma-init nga at maalikabok! Gosh, do they even have tents there where we can hide from the Sun's glare? Hindi pa naman kami prepared at equipped dahil biglaan nga lang ito at na-yanig lang ang utak ko. Muntik ko nang gustong bawiin ang ideya kong ito kaya nga lang nang nakita ko si Tyson na lumabas mula sa entrance ng ECG tower at naka-suot pa ng shades ay nanlambot agad ang mga tuhod ko. Punyemas.

"Sir," Tawag ni Benjamin sabay lahad sa naka-handang all new Ford Raptor na kulay blue ni Tyson. I'm assuming it's his, of course.

He nodded and walked towards me. Nasa unahan lang sina Andres at umuugong na rin ang SUV nila, handang sumunod sa oras na tumulak kami.

"B, let's get in now." Malambing na tawag ni Tyson. Nakita ko pa ang tinginan ng iilang empleyado sa likod niya na papasok sa building. I sneered.

"Uh, no, sasabay na ako sakanila. Para isang sakayan na lang. Sayang rin ang gas." Sabi ko sabay turo sa naka-bukas pa rin na van ng team ko. He shook his head.

"Masikip na riyan. Please, just hop on me. Medyo nagmamadali rin ako."

"Oh? Edi tumulak ka na. I'm fine here." Pagmamatigas ko at lumapit na sa van. Pa-lipat lipat ang tingin nina Stella sa'kin at sa kung ano mang nasa loob ng van nila kaya napa-kunot noo ako.

"Let's go?" I said in a cheerful tone.

"Uhm, Apple, medyo masikip na pala. Na occupy ng mga gamit nina Hubert." Hilaw na ngumisi si Stella, na siyang nag-ayang sakanila na ako sumakay para aliw daw. At iyong mga gamit pala nina Hubert ang tinitingnan tingnan niya! I groaned. Kapag mina-malas ka nga naman, oh!

"B." Mariing tawag ni Tyson mula sa likod ko at halos mapa-pikit ako sa inis dahil rinig na rinig ng buong team ko iyon. Hindi pa pala 'to umalis!

Nangingiti ngunit matalim ang mga mata ko na lamang na tinanguhan sina Stella at Macky.

"Bitch. You did not..." Gulat na sabi ni Macky habang awang ang bibig na palipat-lipat ang tingin sa'min ni Tyson.

"I'll tell you soon. Come on, let's go." Sabi ko at ako na mismo ang nag-sara ng pinto ng van.

Hindi ko sinulyapan si Tyson nang nag-lakad ako patungo sa Raptor niyang bago. Where's the old black one? The old version? Gibang giba na ba sa mga suntok niya?

Akmang aabutin ko na ang pinto nang inunahan niya ako. Napa-buntong hininga na lamang ako at inis na nag-iwas nang tingin.

"Akyat na, B..." Malumanay niyang sabi. Sumunod pa rin ako kahit umaatake na naman ang inis ko. Ang laki laki ng ngisi ko kanina sa office niya, eh. Tapos ngayon, hay naku nalang talaga.

Nang naka-upo ay marahan niyang isinara ang pinto ko at patakbong umikot patungo sakaniya. He immediately reached for my seatbelt and put it on for me. I genuinely just forgot to put it on, okay. But whatever, I'm gonna let him take care of me like a servant.

I subtly bit my lower lip when I inhaled his manly scent. It smells so familiar yet foreign at the same time. I guess he's changed his perfume but the familiar natural scent of his body remains on him. Mixing with the new perfume.

Nang nai-kabit ang seatbelt ko ay ikinabit niya naman ang sakaniya at isang beses na nag-serbato bilang senyales sa mga naka-sunod sa'min at tuluyan na siyang tumulak.

I didn't speak a word for the first few minutes of the ride. Lalo na nang mahagip ng mga mata ko ang purple tumbler ko sa gitna namin. At sakto pang kinuha niya iyon at uminom mula roon habang ang kaliwang kamay ay nanatili sa manubela. Eyes also remained on the road. He looks like he's just minding he's own business naman kaya hindi ko na rin ginalaw pa.

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon