BUTTERFLY MADNESS

4 0 0
                                    

Kwento ko lang itong experience ng tita ko. Hindi naman sya nakakatakot but it's worth it naman kung mabasa niyo kasi kakaibang klaseng experience sya. Ginandahan ko na yung title para macurious din kayo kung bakit ganyan yung tinitle ko. Anyway sisimulan ko na yung kwento.

Yung tita ko nakapangasawa ng Canadian. Taong 2018 nang umalis sya sa Pilipinas at tumira na siya doon sa asawa nya, doon na rin sya ikinasal. Naging maganda naman yung unang linggo nyang pagtira dun hanggang sa nagtagal na sya at nasanay na sya sa loob ng isang taon. Tuwing gabi ay umaalis  yung asawa nya ng bahay para pumasok sa trabaho kaya naiiwan si Tita mag-isa. Nightshift kasi nakalimutan ko kung anong work nung lalaki. Di naman daw natatakot si Tita sa bahay na mag-isa, ang mindset nya kasi is mas nakakatakot pa daw yung buhay kesa sa patay na. Atsaka wala naman talagang multong magpaparamdam sa bahay na yun kasi napa blessed na raw yun. Pagkaka alis ng bahay ng kanyang asawa saka na sya direcho matutulog.

FF. So eto na nga yung totoong kwento ni Tita sa akin. Meron daw syang kapitbahay (katapatan lang ng bahay nila) na weirdo daw yung nakatira. Di nya naman intensyon raw na gamitin yung word na "weirdo" para idescribe yung tinutukoy nya pero base kasi sa kinikilos daw nito ay napakaweird talaga.

Bago matulog si Tita, palagi nya munang sinasara yung kurtina sa bintana ng kwarto nila. Edi syempre mapapasilip sya bintana kasi isasara nya ng kurtina. So napatigil daw sandali si Tita sa pagsara nang mapansin nya yung kapitbahay nyang babae na nasa labas ng bahay, nakatayo ito sa harap ng bahay nito.. Meron daw itong kapit kapit na parang malaking vase tapos kitang kita ni Tita na may mga paru-parong lumillipad palibot doon sa babae. Nagtaka ito sa nakita nya, hindi nya namumukhaan yung babaeng kapitbahay nya kahit na palagi naman syang lumalabas ng bahay. Akala nga raw ni Tita walang nakatira doon sa katapat ng bahay nila dahil sa sobrang tahimik. Ni presenya nung taong nakatira doon ay hindi nya maramdaman.

Tapos ang weird lang dahil nakita lang nya yung kapitbahay nila nung time na yun, kung kailan gabi nila. Napansin ni Tita na nakayuko yung babae habang nakatingin doon sa vase na hawak hawak nya, tapos andaming mga butterfly na lumilipad sa paligid nya (na nakakapagtaka talaga). Nakasuot lang yung babae na puting dress tapos nakapaa lang ito. Dahil nga gabi nya yun nakita at hindi naman masyadong malakas yung ilaw nung kapitbahay nila ay hindi nya makita yung hitsura nito. Nung una napa-isip si Tita kung anong ginagawa nung babae sa labas ng dis oras ng gabi tsaka bakit may kapit kapit syang vase at bakit may mga butterfly na nakapaligid sa kanya? Napabulong na lang si Tita ng 'weird' bago nya tuluyang sinara yung kurtina at saka na natulog.

Kinaumagahan din nunn, hindi nya muna kwinento sa asawa nya yung nangyari. Nagtry pa syang lumabas ng bahay para silipin kung makikita nya yung babae ng umaga pero wala syang napansin. Parang wala talagang tao that time. Still pala-isipan parin sa kanya yung kapitbahay niyang babae hanggang sa sumapit ang gabi. Pagka-alis nung asawa nya ng bahay ay saka na sya pumasok ng kwarto para matulog na. As usual, ganun din yung gagawin nya bago matulog, ang isara ang kurtina. Sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman nyang nakitang yung babae. Kung ano yung nakita nya kagabi about doon sa babae ay ganun ulit din yung nakita nya. Nakasuot parin ito ng white dress habang nakatayo sa labas ng bahay nila kapit kapit yung vase at may mga butterfly ulit na lumilipad sa tabi nya.

Inakala nya na guni-guni lang yung nakita nya pero kahit kinusot na ni Tita yung mata nya ay kitang kita niya parin yung babae.
Nakabukas ulit yung ilaw ng bahay nito pero sa loob lang tsaka mahina. Ano na naman daw yung ginagawa nung babae sa labas ng bahay nya ng gabi at bakit may kapit kapit na naman syang vase?

Akala ni Tita ay coincidence lang yung nangyayari, na hindi na yun mauulit sa mga susunod pang gabi. Akala lang pala nya...
Dahil tumagal ng isang linggo na nakikita nya yung babae gabi-gabi na nasa labas ng bahay nya. Same lang din yung suot, yung hawak hawak nito, at meron pa rin mga butterfly na lumilipad.

Sa point na yan, naka feel na si Tita na there is something wrong to her neighbor. Hindi sya natatakot ah pero nag-aalala lang ito sa kinikilos nung babae. Tuwing umaga naman na sumisilip sya sa bahay nung  babae ay hindi nya ito nakikita pero kapag sasapit na yung gabi, doon na sya susulpot. Magsstay pa sa labas ng bahay nya ng gabi then kinaumagahan ay mawawala ulit.

Sa matinding pag-aalala nya doon sa kanilang kapitbahay, habang kumakain silang mag-asawa ng lunch ay nakwento nya ito sa asawa nya. Lahat lahat. Habang nagkwekwento si Tita ay napansin nito yung mukha ng asawa nya na nagtataka sa kwinekwento nito. Nung natapos magkwento ni Tita ay tinanong nya yung asawa nya kung sino yung kapitbahay nila.

Napalunok na lang daw yung asawa nya at parang nagdadalawang isip pa kung sasagot ba sya o hindi. Pero dahil sa pamimilit ni Tita ay napasagot din nya yung asawa nya.
So nagstart nang magkwento yung asawa nya about dun sa kapitbahay nila.
Hindi alam ni Tita yung mararamdaman nya ng sabihin nito na "PATAY NA DAW" matagal na  yung taong nakatira doon sa tapat ng bahay nila. Akala ni Tita nagbibiro lang yung asawa nya pero hindi raw, seryosong seryoso itong nagkwekwento at napansin nya na nagtataasan yung balahibo nito habang nagkwekwento.

Matagal na raw patay yung kapitbahay nilang babae. Namatay raw ito sa isang severe na sakit. Mahigit 7 months na raw na wala talagang nakatira sa bahay na yun. Abandonado na nga raw yun kung tutuosin, kaya talagang walang taong nakatira dun. At tuwing gabi ay madilim doon.
Yung bangkay raw nung babae, hindi inilagay sa kabaong. Pina cremate raw ito. Kaya nakalagay yung abo nya sa tinatawag na 'Urn', tapos nakalagay lang raw yung urn  sa loob ng bahay nito.

Bago mamatay raw yung babae ay nagpatulong pa daw ito sa asawa ni Tita na ayusin yung nasira nitong cage. Akala nung asawa ni Tito ay may alaga itong ibon pero pagkapasok nya sa loob ng bahay nito ay tumambad daw sa kanya yung sandamakmak na mga cage na naglalaman ng mga butterfly. Yun daw pala yung alaga nito.

Matapos magkwento nung asawa ni Tita ay hindi na alam ni Tita kung ano ang mararamdaman nya dahil sa rebelasyong nalaman nya. Kung kikilabotan ba sya? o maaawa pa lalo? o malulungkot dun sa sinapit nung kapitbahay nila?

Nagpapakita pala sa kanya yung 'kaluluwa' na nung babae nang hindi nya alam. Yung kapit kapit nitong vase ay isang urn pala kung saan nandoon yung abo nya. Tapos kaya pala may nakapalibot sa kanyang maraming butterfly ay dahil yung babae ang amo nila.

Tinanong sya nung asawa nya kung ilang gabi nyang nakita yung aparisyon nung babae. Sinagot nya naman ito ng mahigit ng 1 week na.

.
.

Ilan  days meron sa isang linggo?
.
.
.
7
.
.
.

""Mahigit 7 months na raw na wala talagang nakatira sa bahay na yun. Abandonado na nga raw yun kung tutuosin, kaya talagang walang taong nakatira dun.""
Biglang itong na-realize ni Tita na mas lalong nagpasindak sa kanya.

Dito ko na lang tatapusin yung kwento na to, kasi natatakot na ako HAHAHAHHAHA. Salamat na lang po kung mapopost niyo ito admin! Ayoko na lang mag talk.

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now