BANGUNGOT

0 0 0
                                    


gusto kong ishare yung karanasan ko.. iDK kung panaginip o gising ako.. Tatlong beses ko ng naexprience to..

First,
Mga 2am ng madling araw, year 2007, nagising ako para sana uminom ng tubig at mag cr na dn sana. Pero napatingin ako sa bintana ng kwarto ko at may nakita akong di itsurang tao, pero alam kong lalaki sya. So, ayun na nga bigla akong natakutan kaya imbis iinom akong tubig at mag cr di na ko naglakas loob dahil nasa madilim buong bahay at bago ako makapuntang kusina at banyo mkikita ko ang labas ng bahay.. After kong makita yung nasa bintana na nakakatakot, nagtalukbong ako ng kumot nun, yung bintana ko di pa nakasalamin yun, natatakpan lang ng linolium at kahoy na maninipis para patakpan. Yung nilalang na nasa labas ng bintana ng kwarto ko pilit sinisira yung pagkakatakip sa bintana ko, sa takot ko di ako makagalaw at makasigaw, dahil sa nipis at linaw na rin ng kumot ko kaya naaanag ko kahit konti yung nilalang nayon.. Mag 3am na siguro nung parang tumigil yung pagsira nya sa bintana ko kaya medyo napanatag ako at nakatulog.. Pero pag gising ko ng umaga, sira sira ang bintana ko, hindi yung sirang alis ang linolium kundi yung sira na parang puro kalmot at yung ibang kahoy na nakatakpan sa linolium na nakapako at nakasira at nahulog na yung iba. Kaya di sya panaginip dahil totoo ang sira sa bintana ng kwarto ko...

Second,
Mga 12am pasado naman ng madaling araw, year 2008 or 2009 siguro to nangyari, nagising ako ng pasado alas dose ng madaling araw para sana umiinom, pero aalisin ko palang sana yung kumot ko ng may nakaupo sa paanan ko na maitim na nilalang na bata na naka side view sya banda sakin, dahil may maliit akong ilaw nun sa kwarto ko, naaninag ko yung shadow nya pati na rin syang nakaupo sa paanan ko, sa sobrang takot ko, parang feeling ko naparalyze buong katawan ko dahil ultimong galaw ng daliri sa paa at kamay ko di ko maigalaw at nanuyo ang lalamunan ko di ako makapag salita lalo na ang makasigaw. Sa sobrang takot ko pikit lang ang ginawa ko, sabay dasal. Pero ramdam kong di pa sya umaalis at di naman din gumagalaw. Mabigat yung pakiramdam ko nun dahil sa itim na nilalang na yun na may anino.

Hanggang sa naalala ko yung sinabi ng pinsan ko sakin dahil sa nangyari sakin na mababasa nyo na nasa taas, na pag natatakot daw ako sabihin ko lang ('Pag namatay ako, kargo nyo kaluluwa ko sa taas') at sabayan ko ng tawag kay God. Habang sinasabi ko sa isip ko yan gumagaan yung pakiramdam ko at unti unting naigagalaw ko mga daliri ko.. Mga 30mins pa bago ako makatulog ulit.. Nung kinwento ko sa lola ko yung nangyari na yun sabi nya binabangungot lang daw ako. Pero ewan ko parang totoo..

Third,
Same experience sa second pero pinag kaiba lang puro shadow sya na lumalaki at lipat lipat sa bandang paanan ko.. Gaya ng ginawa ko sa second, ginawa ko yung sinabi ng pinsan ko at tumawag lang ako kay God..

Pero buhat nun pg last encounter ko ng katulad nito di na ulit naulit sakin yun.. Pero mas nakakatakot talaga yung unang una..

May iba pa kong karanasan pero di na katulad ng ganito..

Kath
From Tarlac

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now