KAMAY AT NURSE

0 0 0
                                    


Year 2010 nung naospital ang isa sa kapatid kong kambal dahil sa dengue. Ilang araw na lagnat din yun at ng makatatlong araw, nagkarashes na sya sa bandang dibdib.

Nung araw na pinacheck up sya nila mama para malaman if totoong dengue nga, pinaconfine na sya diretso dahil nagpositive ang result ng blood nya sa ginawang blood examination. Na-confine sya sa St. Jude ( di ko na sasabihin kung saang lugar ha hehe basta alam nyo na name ng hospital ).

5 araw din kami dun. Unang gabi kasama ako sa bantay nya, ako at si mama.apat ang bed sa room, semi private pero isa lang syang patient dun. Unang gabi kagaya ng isang buwan ko na na dinaranas nagising na naman ako ng ilang minuto before 3am (kahit sa bahay nun ganun ako nagigising ako between 2:30am to 3am magiisang bwan ko na iniinda).

Di ako makahinga para akong hinihika, para akong nalulunod,( umubo ubo ako para medyo makaluwag sa paghinga ko nun dumilat ako nakatingin sakin yung nurse at kapatid ko kinukuhaan sya ng temperature ) nung umalis ang nurse nagbiro pa kapatid ko na muntik na daw ako pasakan ng dextrose nun nurse  kasi ubo daw ako ng ubo hehe (mama ko sarap pa din ng tulog nun) pero ako di na ko nakatulog nun. Pangalawang gabi kasama ko kapatid ko nag cr kami, mga bandang 8pm pa yun. Dalawa lang kami sa c.r. Yung door ng cubicle dun makikita mo yung paa if may tao sa loob.

Nag c.r kapatid ko, ako nagsalamin. Mamya maya impit syang sumigaw parang gulat tas minura ako. E di napatingin ako kakalabas nya lang sa cubicle "sino yun?" sabi nya sabay tumawa. Sabi ko "yun alin?" me humawak daw sa paa nya habang asa cubicle sya. Nagulat sya paglabas nya asa malayo ako kasi medyo malayo pwesto ng salamin dun akala nya daw kasi ako yun. Nakita nya pa daw yung kamay itim na kulubot .

Sa ilang araw kong pagpunta sa hosp. na yun di ako gumagamit ng elevator. Sa 3rd floor naka-admit kapatid ko, if maglalakad ka mararamdaman mu yung katahimikan pag nsa hallway ka, pero mas gusto ko na yon kasi ewan ko ba pero di ko carry ang kilabot pag asa harap ako ng elevator. May time pa na almost 1am na, nakisuyo pa kapatid kong magpabili ng tissue sa labas, e nagpapatay din pala ng ilaw sa hallway pag ganung time. Pumunta ako sa elevator pero di talaga carry tinakbo ko yung hagdanan nakasalubong ko pa yung janitor nag ma-mop. Nanlaki yung mata  (halatang gulat (kala ata nya that time multo ako ,kasi maluwag na T-shirt white suot ko tas patay pa ibang ilaw mahaba pa buhok ko)  Ako ?? ayun gulat din di lang nagpahalata.
Nung pang apat na araw, hapon, bandang 1pm naguusap kami ng kapatid kong nakaadmit (wala sila mama kasi umuwi saglit) habang naguusap kami panay lipad ng bangaw (malaking langaw) paikot ikot samin minsan dadapo pa samin (feeling close ) e nainis ako, mabilis ko syang dinakma nakulong sya sa palad ko, sakto bigla may nagsipasok na nurse may kasamang pasyente na matandang babae.

Nahiya ako pakawalan yung langaw kasi syempre alam nating madumi yun baka sabihin nila nanhuhuli ako ng bangaw sa hosp. aircon pa man din sa room saka lumapit yung isa kinausap kapatid ko. Nagpaalam ako sa kapatid ko na sa cr ko na papakawalan yung bangaw kaya lumabas ako saglit papunta C.r. Nung papasok na ako yung kamay ko malapit na sa door knob, may kamay na nauna saking humawak sa doorknob at pumasok nakaponytail ang hair nya na di kahabaan, nakauniform sya na parang nurse na color baby blue slacks at poloql.

Ginawa ko pinakawalan ko na sa labas ng c.r yung bangaw bago ako pumasok. Pagpasok ko para maghugas ng kamay, walang tao sa cr. Walang nurse, kahit saang cubicle.
The next day inilabas na namin kapatid ko kasi parang wala din, isa sa kawork ni papa ang nagsabi habang nasa terminal sila na "Pre asa hospital pala anak mo, ilabas mo sya dalhin mo sa bahay iba ang sakit nya" nagulat si papa kasi wala naman sya pinagsasabihan. Dinala sya nila mama sa bahay ng kawork ni papa (manggagamot din pala , pero di nya pinagsasabi ayaw nya kasi ng responsibilidad,isa pa di sila tumatanggap ng bayad).

May nagkagusto daw pala sa kapatid ko na tikbalang sinusundan daw sya kahit saan, tahimik lang kasi yun (di tulad ko ,) isang gabi lang sya ginamot nun at after nun nakapasok na sya ulit sa school slightsmile emoticon.

God Bless Us All

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now