CREEPY AGAIN AND AGAIN

0 0 0
                                    


Discuss ko lang ang bahay ganito kasi sa ilalalim ng lupang kinatatayu-an ng mga bahay ay may kweba. lahat ng taong taga rito alam iyon. even me and my friend sinilip namin ang bukana ng kweba na hugis bilog sa napapalibutan ng naglalakihang talahib lower part. malapit ito sa ilog tapos gilid lang ng malaking puno ng acacia na halatang may nakatira. sa ibaba na part iyong may mga talahib nandon ang lagusan. pinaglaruan pa namin ito kasama ng mga dati kung kababata sa dati naming tirahan. ulo lang namin iyong nakapasok need mo gumapang para tuluyang masilip ang pinaka loob shempre madilim. pero nakakatakot tingnan. saglit lang kami tapos umalis kami kasi baka mabulabug ang mga nilalang doon. sabi ng pinaka lumang residente friend kami nito si Ate Jing may malaking ahas umano sa ilalim ng kweba. alaga ng encanto. may kayamanan kasi na walang may alam kung sino ang may ari? nakatago sa loob ng kweba. simula ng lumipat kami napansin ko na rin ang grupo ng mga treasure hunters kasu bigo sila. lahat ng sumubok bigo. nilagyan nila ng lason oh bitag ang entrance para sa sinumang tumangka na pumasok at kunin ang kayamanan kuno? sabi ni Ate Jing ang ilalim parang tunnel na sobrang haba. na gagapang ka lang para maka-usad at maka-galaw. kung may acacia pa south ito ang puno kung pa slanting tapat talaga sa bahay ng tiyahin ko. at kung pa north may puno din ng acacia unahan near sa highway. parang connectado ang dalawang puno.

1. Maliit na Nilalang

Isa-isahin ko na ang mga paranormal encounter simula ng lumipat ang relatives ko kasama na ako doon. tanda ko hapon noon maganda ang view ng nature since malapit sa ilog ang bahay at makikita mo lang ang mga bukirin sa kabilang lugar. basta perfect ang aura ng araw nag hahalo ang rays na yellow,orange, at sky blue napansin iyon ng Tiyahin ko kaya tinawag niya ako para sabay na pagmasdan namin ang kalikasan. nasa harapan lang kami ng bahay. bigla nalang sumigaw ang Tiyahin ko.
(Convo like this)
Sya: Lorry! tingnan mo iyong sanga ng acacia gumalaw parang niyugyug ng kung sino! (sabay turo sa sanga)

Kanina pa ito gumalaw na parang may humawak sa sanga na kay laki tapos niyugyug. imagine may tao tapos naka-apak sa sanga while naka hawak sa isang sanga tapos lumulundag-lundag aa ibabaw? ganon. pinagtataka namin walang malakas na hangin para ma move ang sanga as in wala? at kung hangin ang may kagagawan dapat lahat ng dahon ng puno ay nag sigalawan? pero ang nakita namin ay sa part na iyon lang talaga may movement. nilapitan namin unti-unti. ito ang napansin namin.

Sya:Lorry! tingnan mo may maliit na naka-tayo sa sanga!" (sabay turo)
Ako: lah? Oo, nga nakikita ko Tiyang oh! hala para big version ni Thumbilina! ( Shaks)

Nagpalakad-lakad ito sa malaking sanga at lumulundag-lundag pa.

Bigla akong hinila ng Tiyahin ko palayo kasi baka mahuli kami. hindi ko ma describe kung ano echura niya anyo lang parang big version ni Thumbilina payat, malaki siya slight kay thumbilina. i dunno kung ano siya? hindi naman siya dwende. elemental sya. naglalaro sa sanga ng acacia.

2. (ENCANTO I GUESS?)
Lagi ako binibiro ng Tiyahin ko na liligawan umano ako ng Encanto dahil aware na ang mga paranormal beings na nakikita at na se-sense ko sila. shempre tumatawa lang ako lakas ko kaya mag mura lol. i'm bitchy kaya wala akong encantz na ma a-attract lol. nagsimula na naman ang napaka weirdo na pangyayari sa buhay ko ng maka-uwi ako galing CDO dahil bridesmaid ako sa kasal ng tiyahin ko. school days wala ang mga pinsan ko. ako at ang tiyahin ko lang sa umaga. kasalukuyan akong nag pa-pahinga pagkatapos maglinis ng bahay. binuksan ko ang pinto kasi mainit. naka-upo lang ako at nakasilip sa katapat na bintana ng biglang may sumipol. akma lang na marinig ko. kasabay ang isang sitsit na may bonus na hagikhik boses ng lalaki. napalingon agad ako sa pinto. pero wala naman akong nakita. tumayo ako sinilip kung may tao ba sa labas pero wala akong nakita. kapitbahay namin walang tao bahay nila. ang tanong sino iyon? eh kilala ang lugar namin bilang ghost town wala kang makikitang tao sa labas nor bata dahil lahat ng residente ay prefer magkulong sa bahay. sobrang tahimik.

3. (SYA BA YUN?)
Bago ako pumunta ng CDO mahilig kasi ako mag make-up at kumanta sa harapan ng salamin. habang nanalamin ako at kumakanta nakita ko ang reflection ng isang lalaki na matangkad brown ang kulay ng buhok nakatalikod. naka suot ng puti parang pantulog kasi silk na kulay white ang tela. naka open half ang pinto ng kwarto ko dun ko siya nakita na nakatayo na nakatalikod sa akin. nagsimula akong kilabutan ng gumalaw siya tapos tumagos siya sa pader. dito ako kinilabutan grabe. iyong ibang experience ko normal lang. di ako takot. school days yun ako lang ang nag e-exist lol sa domain namin. iyong pinsan kung lalaki college maaga ang pasok so impossible na pinsan ko iyon. na eh kwento ko ito sa tiyahin ko.

4.(PINAGLALARUAN)
Nasa plug ng kwarto ko naka saksak ang connection ng kuryente ng tiyahin ko. timing pag pasok ko sa kwarto naka- uwi na ako dito galing CDO. sumigaw tiyahin ko gabi iyon. tinanggal ang wire na connection nila. sabi ko hindi ako iyon. impossible na matanggal sa pagkakasaksak dahil mahirap itong tanggalin at sobrang lalim ng pagkasaksak nito sa plug? i dunno plug ba tawag sa saksakan? pa ulit-ulit iyon kaya kina-usap ko na wag nila paglaruan ang wire kung sino man sila.

5.(BLURRY WHITE GUY)
Minsan sa umaga pag wala akong magawa nag dra-drawing ako malakas 6th sense ko nararamdaman ko na may humahawak sa isa kung braso. feel ko iyong fingers ng kung sino man iyon? napapahinto ako kasi parang pinag-tri-tripan na hawakan. till may nakita akong lalaki naka-upo sa ibabaw ng lamesa same guy. blurry ang mukha naka-harap sa akin nag tayuan kusa balahibo ko. saka iyong hangin kakaiba super lamig. eh kung tutuusin mainit nga dapat.
this guy basta simula ng maka-uwi ako from CDO ito gumagambala sa akin. lalo na sa sala pag nag mu-muni-muni ako, kumakain, nag ce-cellphone mararamdaman ko someone is staring at me. saka iyong amoy niya ha amoy imported na pabango. aamuyin ko buhok ko hindi naman amoy pantente iba eh. can't describe at lalamig na naman ang hangin. iyong mapapakuha ka ng kumot tatakip mo sa katawan mo. wala namang ulan. ang pinaka worst katabi ko siyang matulog. i can feel somebody is next to me. parang may tumutulak sa akin na umusog kasi wala siyang space? imagine how horrible is that? off ang ilaw at again na amoy ko na naman ang imported cologne kung tawagin ko. tapos heto lumamig na naman ang hangin. hindi ako makatulog nito. iyong kumot ko ni level ko sa tiyan ko tapos mas lalo akong kinilabutan. kaya nag talukbong ako tapos tumagilid. hanggang sa may naramdaman akong fingers na pinasadahan ang likod ko habang natutulog. i want to scream pero ayoko bulabugin tiyahin ko in the middle of the night. alam mo iyong palad na tinapal sa likod mo? habang binalot mo katawan mo sa kumot? (creepy) tumagilid lang ako sabi ng papa ko safeway ito anti bangungot. at isa pa? ayoko ma rape ng ibang nilalang pag tumihaya ako lol. iniisip ko baka sakyan ako till di na ako makagalaw katakot! while writing this na se-sense ko siya naka-upo siya sa ibabaw ng plywood na division ng kwarto open space? pi-picturan ko pag may time gabi kase pangit kuha ng cam ko. nandito pa rin ang malamig na hangin not normal at ang amoy na parang imported cologne na floral. 1 week ko na siyang katabi. hindi ko alam kung ano siya wala naman kasi akong 3rd eye. 6th sense lang. hindi ako matatakutin pero kusa kinikilabutan ang katawan ko. sa sala nandon din siya hanggang sa makatulog ako. hindi ko alam kung ano pakay niya sa akin? isa ba siya sa nakatira dito sa bahay? marami kasi sila dito iba-iba. ngayon ko lang siya napansin fully.

6. (TATLONG MATA SA PADER)
Dito ako kinilabutan i think 4 pm madaling araw madilim pa. na alimpungatan ako at sakto sa pader pa talaga ako nakaharap. pagkamulat ko. i saw 3 pair of eyes. kulay yellow i dunno kung demonyo ba oh hindi? kilabot part is gumagalaw pa west ang mga mata. tapos nakatitig lang sila sa akin. kahit tamad ako bumangon at inaantok pa ako nito. dali-dali akong bumangon sabay On ng ilaw. ayaw nila sa liwanag. maya-maya after ko eh on pinatay ko ulit ayun tuluyang nawala. ayaw pa rin umalis ng lalaking ito sa kwarto ko baka isa nga din siya dito na nakikitira. hindi ko na eh me-mention ang iba pang paranormal beings.

dwende nanahimik na minsan pinagmamasdan lang nila ako mag drawing gagapang parang bata sa ilalim ng mesa pero di naman nanakit. nawawala lang din.
bago lang talaga sa akin si boy na may suot na puting silk na damit. tang ina talaga tumatabi sa akin pag natutulog. expire na yata itong mga asin na nilagay ko sa kwarto bilang pang harang maging itong gawa2 kung pangontra sa loob ng maliit na bote tubig na may asin. marami pa akong kwento pero too long to narrate sa susunod naman. i dunno kung natakot kayo oh hindi? typo and error pasensya.

Sa may 3rd eye baka may idea kayo lalaki, matangkad tama lang, brown ang buhok, blurry mukha, suot na damit parang pantulog silk tela kulay puti upper mahabang jacket at pantulog na pajama? parang ganon hahaha so weird. hays! nag si-simula na naman silang mang gulo while typing this lol.

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon