ABORTION

1 0 0
                                    


Nakakainis basahin no? Pero yan ang ibabahagi ko sa inyo. Taong March 2015 ang taon kung kailan ako naggraduate ng college, walang mapagsidlan ng saya ang aking puso nun. Dahil para sakin tapos na ang isang kalbaryo ng buhay ko na sa wakas makahanap nku ng trabaho pero un pala ang akala ko.

Buwan ng Mayo taong ding eun, nagapply ako sa isang mall dito sa probinsya namin (Capiz) kung saan pinalad naman akung matanggap bilang isang utility clerk sa isang Dept. kahit sales assistant naman talaga ang position na nilagay ko. Un na nga aside diyan, may long time boyfriend naman akong ngtatrabaho na din malapit sa mall bilang security sa isang estab. Bali magkasama kami sa isang boarding house na lingid sa kaalaman ng magulang ko .

Then lumipas ang dalawang buwan, naramdaman ko ang kakaibang pagbabago sa katawan ko ung sintomas na ng isang nagdadalang tao. Una inakala ko baka may sakit lang ako pero hindi ganun un. Dun na nagsimulang nagbago, naging balisa naku, maraming pumapasok sa isip ko. Sinisisi kuna sarili ko ndi ako naging maingat ganun. Pano na trabaho ko dahil di pwede ang buntis pag di kapa regular. At higit sa lahat ang sasabihin ng mga tao lalo na ang mga magulang ko siguradong magagalit sila sakin. Bumukod ako ng tinutuluyan wala pang me alam nun kahit ang nobyo ko pa.

Sa nilipatan kng bhouse mas gusto kung mapag isa palagi para makaiyak ako, 6 kami sa iisang kwarto puro estudyante, ako lang ang hindi. Pag gumising ako sa umaga wala na sila sapagkat 10 am ang pasok ko then pag uwi tulog nadin sila kasi 9pm out ko kya wala akong makausap. Wala akong pinagsabihan kahit sino kaya napadalas na noon ang pagsakit ko sa sarili ko gaya ng sinusuntok ko ang sikmura ko, nag attempt nadin akung magpakamatay nun dahil hindi..hindi ko tanggap ang bata. Di ko lubos maisip maging isang ina. Di ko alam ang gagawin ko until one day na meet ko siya.

D ko matandaan panu ko sya nakilala basta nagising nalang ako kausap kuna sya at dinadaing ang problema ko. Basta nagkikita kami pag out kuna sa trabaho lagi syang nakaabang sa kabilang kalsada at pakiramdam ko may kakampi ako.
At isang gabi habang kausap ko sia.
"Ramdam ko Ang paghihirap mo!" saad niya sakin. Wala akung imik nun dahil oo tama naman talaga sia.
"At sana makatulong ito kung naisin mo"
Sabay abot ng isang maliit na supot, tiningnan ko siya sabay abot ng supot "anu to?" tanong ko.
"Tatlong tableta kung yan sa palagay mu ang makapapagaan sayo". Sabay talikud at lakad palayo sa akin.

Pagkatapus nun ay napagdisisyunan konang ituloy ang planu ko ng makita ko Ang laman ng supot. Bahala na, saka ako natulog ng gabing un. At sa gabi ding un ay nanaginip ako, unang scene , isang batang pilit may inaabot ang kamay kahit puro kadiliman Ang nakapalibot dito. Sunod ay nasa isang jeep daw ako habang nakahiga paharap sa pinto ng bigla nalang may nalaglag mula sa akin palabas ng pinto ng jeep habang umaandar at tanging umbilical cord lang ang hawak ko. Sunod ay ang nakakatakot ng parang hayop na nakatingin sakin habang kinakain nito ang umbilical cord na hawak ko kanina. Last ay batang lumuluha ng dugo habang pilit inaabot Ang aking paa.

Pakiramdam ko tumakbo ako ng malayo kayat hapung hapu ako ng magising. Sariwa pa talaga sa isip ko ang panaginip ko alam kung inuusig ako ng aking kunsinsya, kayat tahimik akong umiiyak habang pinipiga ang aking tyan. Patawarin nawa ako ng may kapal pero hindi ko pa kaya, di pa ako handa. Hanggang sa nkatulugan ko, naulit muli ang aking unang panaginip at may na dagdag pang ibang pangyayari na di malinaw.

Nagising ulit akong ganun parin kumakabog ang dibdib kaya napasabunot naku. Ano ba ang dapat kung gawin, tulungan moko Diyos ko, gabayan mo ko? Di ko alam Pero un ang bulong ko sa sarili ko. Kahit di ko maalala o magets ang iba kung panaginip sa gabing un pakiramdam ko nakakabaliw. Di ko na alam ang gagawin ko mas gugustuhin ko nalang mamatay. Inulit ulit ko ang pag usal ng tulong sa kanya ng tumunog ang cp ko. Dun naku bumigay ng makita kung si mama ang tumatawag. Ala singko na pala ng umga nun, una pinigilan ko muna ang hikbi ko. Kinamusta ako, kailan daw ako uuwi, wala akung tugon nun kundi hikbi lang. At dun ko lubos naisip na muntikan nakung malayo, muntikan nakung maligaw ng desisyon. Si mama, kailangan ko sa time na yun si mama kahit anu mang maging kapalit kailangan kung tanggapin.
"Day, kung di muna kaya ang trabaho mo umuwi ka muna". Yan Ang sabi ni mama bago ko pinatay, di ko kasi mapigilan ang hikbi ko. Marami paring pumapasok sa isip ko na dapat ko talagang ituloy mag abort. Ma, sorry..kinuha ko sa ilalim ng unan ko ang supot  at ang nakaboting tubig. Nasa palad ko na ng bigla namang tumunog ang kampana ng simbahan.

Blangko parin ako , at linggo ng araw na un pero napagdisiyunan kong wag muna pumasok kahit kakadayoff ko lang ng Friday. Bahala na mapagalitan, gumayak na ako at tinungo ang lugar kung saan matagal ko ng di napuntahan.

Pagpasok ko palang isang  payapang katahimikan ang sumalubong sa akin isang oras na nun qng lumipas ng matapus ang huling mesa pero may ilan paring mga tao ang nagdadasal. Umupo ako sa pinakagitna, tanging huni ng mga naglalarong ibon ang aking naririnig.

*Nandito ako upang humingi ng tawad, sa mga kasalanan kung nagawa, alam kung di ako naging mabuting tao at di naging tapat Sayo. Pero sana ay bigyan mu ako ng lakas at iyong gabay upang maliwanagan ang aking isip at damdamin* piping usal ko sa kanya habang tinitingnan ang malaking nkadipa niyang replika sa altar.
*Hindi pa ako handa Diyos ko. Anu ang dapat kung gawin? Kaya kung sana kung di para sa akin mas mabuting kunin nyo na at kung para sa akin kahit mahirap ay aking tatanggapin* mukhang nkakainis pero yan talaga ang inuusal ko noon sa kanya.

Di ko alam pero bigla nalang umagaw ng pansin ko ang isang ibon una lumilipad Ito palibot sa mga chandelier saka dumapo kay baby Jesus, ung karga ng isang kamay ni Mama Mary. Di ko maintindihan pero bigla nalang akong kinilabutan nun.

Sorry po kung di siya halos kagandahang kwento o nkakatakot pero para sakin kasi maliban sa mga multo, aswang o anu pa mang nilalang mas matakot tayo gumawa ng kasalanan mas matakot tayo sa kanya. Salamat po. Yan kc ang para sa akin na katakot takot kung karanasan na di ko makakalimutan.

PS: Mag 3 years old napo baby girl ko ngayon at napakasweet .

MEMO

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon