SHADOW

1 0 0
                                    

anyway, i would like to share my true creepy experience. Nangyari po ito last 2016. Apat kaming makakapatid at nakatira kaming magkakapatid sa bahay ng lolo at lola namin kasi yung mom ko OFW at wala na kaming father kasi naghiwalay sila ng mama ko (hindi pa po siya patay ha). Kami lang naiwan sa bahay nun kasi yung lola ko madalas wala kasi baon sa trabaho niya kahit matanda na siya, siya pa rin inaasahan sa mga trabaho. she works in an insurance company at minsan nadadamay ang lolo ko dahil driver siya ng lola ko.  so ayun na nga kami lang magkakapatid sa bahay. kami nalang ng ate ko ang gising, yung dalawa naming kapatid ay tulog na. nanunuod lang kami ng tv non, tahimik na kasi mga 12:30am na yun ng madaling araw tanging ang tv nalang ang maririnig. Biglang may kumatok, narinig ko yun kaya napatingin ako sa pinto tapos kumatok ulit tatlong beses. tumingin ako sa ate ko na patuloy lang nanunuod kaya tinanong ko siya kung narinig niya ba yun, sinagot niya naman ako ng “ang alin?” sabi ko “may kumakatok ngayon lang”. inutusan ko siyang hinaan ang volume ng tv para marinig niya. Nang mahinaan na niya yung tv, napatingin din siya sa may pintuan nag aantay kaming dalawa na may kumatok at meron nga. Ang nakakatakot pa dun palakas ng palakas ang katok. nag lakas loob ang ate kong mag tanong “sino yan?” walang sumagot at tumigil na din ang pag katok

kahit hindi namin aminin sa isat-isa halata sa mga ekspresyon namin ang sobrang takot. pinataasan ulit namin ang volume ng tv at nagpatuloy sa panunuod.
Sa bandang likod ng tv namin, may malaking bintana na may kurtinang puti at kita ang anino sa kung sino man ang dadaan sa labas. Maya maya, may dumaang babae na mahaba ang buhok. mahina lang ang paglalakad niya sapat para sigurohing di kami namamalikmata ng ate ko. pagkawala ng anino ng babae sa bintana, nagkatinginan kami ng ate ko.

wala kaming nasabi sa isat isa , mga ilang minuto bumalik na naman ang anino.  kahit naglalakad siya sa may bintana namin, wala kaming naririnig na footsteps. dun na kami kinilabutan ng sobra.
Sa pangatlong beses na pagdaan ng babaeng anino sa may bintana namin, huminto ito sa gitna at unti unting humarap sa amin. Kahit anino lang ang nakikita ko sa kanya ramdam ko na nakatingin siya sa amin. Pag tingin ko sa ate ko nakatitig lang siya sa bintana habang umiiyak parang hindi niya alam ang gagawin. ganun din ako, nanlamig ang mukha ko at hindi ako makagalaw nakatingin lang kami sa anino ng babaeng yon hanggang sa dumating sila lola at natamaan ng ilaw ang bintana galing sa ilaw ng sasakyan ni lolo kaya ito nawala agad.

parang bumalik kami ng ate ko sa aming mga sarili, nang marinig namin ang busina ng sasakyan, senyas nila lola na papasukin namin sila. Binuksan ko kaagad ang ilaw sa sala at binuksan ang pinto habang si ate ay patuloy sa pag iyak sa sofa at ngayon ko lang din napansin na sobrang namumutla siya dahil sa takot. pag pasok ng lola ko, napansin nya agad si ate at yun na nga ako na ang nag kwento sa lahat ng nangyari at ang sabi ng lola ko, dapat hindi na daw kami nagpalipas ng madaling araw kasi pati raw siya nakakaramdam ng hindi maganda minsan pag gabi na dito sa amin. So after nun, kinaumagahan, nagpa house blessing ang lola ko agad2 and thankfully hindi na kami naka experience ng ganun.

yun lang, marami pa akong naranasan na personal horror experience talaga pero next time nalang siguro. sorry medyo mahaba tong storya na to. ingat kayong lahat 🫶🏻

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now