GHOSTFACE

0 0 0
                                    

HI PO!

Anyways, magaalas-dos na ng hapon nun nang makarating kami ni Bob sa bahay ni Ashley. One ride lang naman sa tricycle papunta kela Ashley atsaka hindi naman medyo malayo yung bahay nya sa amin dahil kalapit baranggay lang namin siya.

Pagkarating namin sa kanila, huminto muna kami sa tapat ng bahay nila Ashley at chinat ko siya thru messenger ng "lumabas kana!".
Nagseen naman agad sya at ang sabi nya ay palabas na daw sya may aayosin lang sa bahay nila.

So nilibot muna namin ni Bob ng tingin yung labas ng bahay ni Ashley. Ang ganda ng pagkakagawa. Very match yung mga color ng pader. May second floor pala yung bahay nila Ashley at mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko yung bintana ng kwarto niya sa may taas.

Nung mapadaan yung tingin ko sa bintana ng kwarto ni Ashley. Di ko alam kung namamalikmata lang ba ako o hindi sa napansin ko? Meron kasi akong napansin na something na 'mukha' na nakadungaw sa may bintana. Sa pagkakakita ko, mahaba yung buhok niya. Mukha ng isang babae yung nakadungaw doon. Hindi ko siyang masasabi na si Ashley yung nakasilip doon kasi base dun sa kulay ng buhok nung babae ay pure black sya, red hair naman si Ashley.
Tapos iba din yung hitsura ng mukha nya kung icocompare sa mukha ng kaibigan namin. Hindi ko nga masabi kung mukha ba yung nakikita ko dahil wala akong nakikitang ilong at bibig, malalaking mata lang talaga na titig na titig sa akin.

Para akong na-hypnotize sa mga titig nung misteryosang babae. May weird kasi sa mga titig na yun na napa-akit ako at the same kinikilabotan ako. Napabalik na lang ako sa ulirat nang tapikin ako ni Bob saka ako sinigawan ng "hoy!". Lumingon naman ako sa kanya na may pagtataka na tingin.

"Ano bang tinitingala tingala mo dyan sa taas pre? Ang tagal mong nakatitig doon, para kang nakakita ng multo" biglang tanong sa akin ni Bob.

Sasagotin ko sana sya about dun sa nakita ko sa may bintana nang saktong lumabas na si Ashley na nakaready na. Pagkasara nya ng pinto, sabay nilock nya ito na ipinagtaka ko.
May tao pa sa loob ng bahay nila sa may kwarto nya, bakit nya yun ila-lock?

Nung lumapit sa amin si Ashley, naitanong ko sa kanya kung mag-isa lang ba sya doon sa bahay nila. Napa WTF na lang ako nang tumango siya.

"Umalis yung mga kasama ko sa bahay, iniwan nila ako. I mean nagpa-iwan pala ako para makasama ako sa gala niyo HAHAHA" Sabay sabi niya.

Muli akong napatingin doon sa may bintana ng kwarto ni Ashley. Wala na akong makitang mukha na nakadungaw doon.

"Ikaw ba yung nakasilip kanina doon sa bintana kanina?" Tanong ko kay Ashley sabay turo.

"Hindi! Nasa baba na ako pagkachat ko sayo nang may aayosin lang ako sa bahay namin. Hindi na ako tumaas kasi nakakapagod. Bakit???" Sagot nya naman sa akin.

Hindi na lang ako umimik. Feeling ko bigla akong namutla at nanigas yung katawan ko sa kinatatayuan ko. Narinig ko na lang basta si Bob na niyaya na kaming umalis na, kaya sumunod na ako sa kanila.

Muli akong lumingon doon sa may bintana bago ako tuluyang maka-alis, at doon ay nakita ko na naman yung mukha na nakadungaw ulit at titig na titig sa akin yung malalaki nyang mata.

So hanggang dito na lang po yung kwento ko. I hope na nagustuhan niyo yung kwento ko for today. Ingat po kayo palagi mga kasindak.

-Astro☪️

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now