HOTEL GEYLANG SINGAPORE

1 0 0
                                    


Kwento ko lang yung medyo nakakatakot
na nangyari samin ng common-law ko way back years ago..
November 2012, We decided na mag-vacation leave
sa Singapore.. 1 month kami nagstay dun balak na nga sana namin dun magwork kaso bihira ang direct hire at
medyo malaki ang bayad sa agency kaya hindi na tinanggap ang offer nila..

Take note, dito naranasan namin ma-scam sa paupahang condo buti na lang may pinsan akong sumaklolo para makabalik ulit kami sa Middle East.. So ito na nga,
Bumili lang kami ng ticket sa DNATA (mura ticket dito)
which we found out na dapat pala tour package na kinuha namin dahil napadpad pa kami sa Haunted Hotel ng Singapore.. Lumapag ang eroplano sa Changi Airport, nagstay muna kami dun ng ilang oras sa paghahanap ng place na matutuluyan, Prior sa flight namin may nakausap na kami na dapat dun kami magsstay kaso biglang hindi na available pagdating namin sa SG..

Kaya ayun todo hanap kami sa online ng keri lang sa budget na hotel kaso wala kami nahanap na mura.. Dahil sa inip at pagabi na nun sumakay kami ng taxi at sabi namin sa driver ihanap kami ng medyo malapit lang sa airport na murang hotel or kahit hostel.. Sabi ng driver
"Ok, I know many cheap hotels, I'll get you there"
Natuwa naman kami at ngpasalamat..
Dinala kami sa Geylang, sabi ng driver pwede muna daw kami magtanong kung may available pa..
Kaya bumaba ako sa unang hotel, unfortunately fully-booked na ung standard room pati deluxe room kaya puro may kamahalan na room na lang.. Kaya dinala ulit kami sa pangalawang hotel, medyo maliit lang pero as usual fully-booked ulit..

Parang 2 or 3 kanto lang mula sa napagtanungan namin, Dito na sa pangatlo, bumaba ulit ako at nagtanong sa receptionist kung may available.. Tinanong muna aq kung 1st timer sa SG..Sumagot naman ako ng yes..Sabi meron daw nag-iisang deluxe room na bakante pero presyong standard room lang daw pag nag-check in kami nung gabi na yun.. Sabi ko pa swerte namin may paganyan pala pag 1st timer na tourist sa SG.. Nagbayad muna kami, Then ayun nga may nag-assist sa maleta namin paakyat sa "4th Floor" Sabi pa samin "Enjoy your stay" Pagpasok namin ang bigat ng ambiance, though medyo kumpleto may tv, ref, coffee maker,electric kettle, blower, walk in closet, may pa-snacks at kung anu ano pa na kadalasan naman nasa hotel..

Kapansin pansin ang napakalaking salamin sa harap mismo ng kama..Ewan ko ba nung pgtingin ko pa lang dun kinilabutan agad ako (pero hindi dahil sa ichura ko ah hehe).. Ok naman ang interior ng kwarto pero nakakakilabot sa pakiramdam parang may mga matang nakamasid
(ganun yung feeling)

1st night
Nung mga oras na yun sobrang hina ng wifi, nakakainip mag-online..Kaya kumain muna kami ng dinner dahil sa may baon kaming pagkain hindi na kami bumili..Pagtapos nun dahil sobrang pagod sa byahe nakatulog agad kami..
Ilaw lang ng lampshade ang bukas, Nang naalimpungatan akong may nagbababa ng comforter paglingon ko sa partner ko tulog na tulog siya.. Take note medyo mabigat ung comforter kaya imposibleng hanginin dahil sa aircon..
Pero isinawalang bahala ko dahil nga sa antok at pagod..

Kinabukasan pagtapos kumain ng almusal
Gumala muna kami, lakad here, lakad there, lakad everywhere ang peg para kahit paano maging familiar kami sa place.. Nakita namin sa katanghalian tapat may mga prostitute na nagkalat, no wonder nasa "red district" nga pala kami.. Kumain kami ng lunch sa maliit na kainan malapit sa hotel.. At pagtapos nagpaikot ikot ulit sa geylang, nagfoodtrip pa kami ng streetfood infairness ang sasarap ng pagkain dun.. Bago gumabi nakabalik na kami sa hotel..
Nagoonline ako nun pero mabagal pa sa pagong, kaya tumawag ako sa reception, ang sabi stable naman daw ang internet hindi nya daw alam bakit sa room lang namin may problema.. Kaya nag-ayos muna kami ng gamit bago kumain ng hapunan.. After nag-movie marathon na lang kami kesa antayin bumilis yung wifi..

2nd night,
Nakatulog na kami
nagising akong bukas ung tv, pagkaalala ko
ako huling natulog at ako mismo nagpatay ng tv..
Habang iniisip ko kung napatay ko ba talaga yun
bigla ba namang namatay yung tv.. Shit na malagkit!!! At ito pa! Kitang kita kong may nakatayo sa gilid ng kama..
Paano ko nakita? Yung malaking salamin katabi ng wall- mounted na tv (imaginin nyo)
Confirmed na hindi lang kami ang nagsstay dun.. Ito na nga dahil sa takot ko, hindi ko alam paano pa ako nakatulog nung gabing yun..

Kinaumagahan,
Sa labas kami nag-agahan nagtanong ako sa partner ko kung may napapansin ba siya sa room namin.. Sabi niya
natakot daw siya nung magising siya madaling araw na biglang may humiga sa kama katabi namin dahil lumubog ung kutson (imaginin nyo ulit)
At ito pa yung tsinelas ko napadpad sa ilalim ng kama
pagkapa ko biglang nanlamig kamay ko at hindi ko ito makuha imposible kasi abot ko yun, pagtingin ko kitang kita ko kung paano lumayo yung tsinelas na parang may humihila SHIT!!!

Kaya nagpasya kami humanap ng malilipatan
Nakapagbook kami sa isang hostel na malapit dun kaso
kinabukasan pa daw available.. Dahil nga sa mas mura
yung rate pumayag kami na kinabukasan pa makakapagcheck-in..

Last day & night,
Bumalik kami sa hotel, nagayos ng maleta namin
Then nung magtatanghalian na bumaba partner ko para bumili ng kakainin namin medyo ilang kanto pa yung bibilhan nya, kaya naligo na muna ako
Ilang sandali lang na pagpasok ko sa banyo, narinig kong bumukas yung tv at nilaksan pa talaga ang volume,
Sa isip isip ko, "Ambilis naman makabalik"
Nung nagsasabon na ako, pilit binubuksan yung pinto
ng cr, dun na ako nagtaka dahil hindi naman nakalock yun,
Kahit may sabon pa binuksan ko yung pinto
Walang tao, inisip ko baka pinaprank ako kaya sinilip ko ung hole sa pinto wala pa talaga partner ko,
kinuha ko remote at pinatay yung tv..
Pagbalik ko sa cr nagflush ung toilet at binuksan yung shower Putragis talaga!!! Nagmadali akong magbanlaw at kamuntikan pa akong madapa nung time na yun..
Nakabihis na ako ng umupo ako sa kama habang nagsusuklay , Biglang may humihinga,
yung malakasang inhale at exhale.. Pucha!!!
Lakas loob kong hinanap kung saan nanggagaling
Shit!!! Sa ilalim ng kama, patakbo na sana ako palabas
Nang biglang may kumatok, yung partner ko dumating
dala yung pinamili niyang pagkain namin..
Ano daw nangyari sakin? Hindi ko makwento dahil
mas matatakutin pa ito kesa sakin..
Bumaba kami at gumala ulit sa geylang
kinabisado namin saan ang sakayan ng bus at anong oras yung schedule.. Napansin namin hindi lang pala sangkaterbang prostitute meron dun,  pti sangkaterbang adik meron din, kabilaan ang bentahan ng kung anu-anong illegal pero hindi kami nagpahalatang tumitingin sa kanila pasalamat na lang kami hindi kami napagtripan..

Heto na huling gabi
Pagtapos manood ng balita, matutulog na sana kami..
Maya maya pa, lumubog yung kama, Shit!!! Ramdam namin
dalawa at gising na gising pa kami.. Nagkatinginan kami
at nagtalukbong, walang usap usap at nakatulog kami..
Nagising akong hinihila pababa yung kumot namin
nakikipaghilahan ako sa pag-aakalang partner ko
yun.. Pucha!!! nakita kong tulog na tulog partner ko,
At hinayaan kong mahila pababa yung kumot namin
Hindi ako nakagalaw, Hindi ako nakapagsalita
Nang may babaeng nakatayo
hawak hawak yung kumot namin!!!!!
Dahil sa kilabot, Hindi ko mamukhaan dahil iniwas ko agad ang tingin ko, Pero rinig ko yung sinabi niya "HEEELLLPPP"

Hindi na ako nakatulog nung gabing yun,
nakapikit lang ako at ramdam ko nakakatitig lang siya sa amin buong magdamag..

P.S
Isearch nyo na lang para malaman ninyo kung anong hotel.. Keywords: "geylang, murder at 4th floor" at makikita nyo na kung bakit nagparamdam samin yung babae..

Maraming Salamat po ulit..

A'chi

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon