TUNOG NG TAKONG

0 0 0
                                    

Btw,ang kwento na ito ay totoo po at ayon sa naranasan ko noong bata pa ako nung nakatira pa kami sa dati naming tirahan.

Nakatira kami sa bahay na gawa lamang sa kawayan at kahoy.Malaki naman ang bahay namin at malapit sa ilog.Bale napapalibutan kami ng mga punong saging at iba pang puno na itinanim nina mama sa aming bakuran.Dalawa kaming magkapatid at ang mama ko ay isang housewife.Si Daddy naman ay isang Tourist Diver.Sa mga hindi po nakakaalam kung ano yun,siya po ay isang Diver Instructor.Nagtuturo ng pagdadive sa mga turista na pumunta sa pilipinas.

Sa bahay namin ay madami na talagang mga pangyayaring nakakatakot pero sa susunod ko nalang po ikwekwento.So eto na nga...Gabi nun mga 8pm nasa kusina kami ng kapatid ko naglalaro.Katapat lang namin ang pintuan palabas ng bahay,bukas ito ng kaunti kaya medyo kita ang itsura sa labas.

Si mama naman ay busy sa pagluluto sa may dulo pa ng part ng kusina namin.Malaki kasi ang kusina namin at kami ay nasa tabi ng ref.Busy kami sa paglalaro ng nanay/tatay ng biglang lumakas ang hangin sa labas.Ang mga dahon ay nagsiliparan papasok sa may labas ng pintuan.Bigla naman akong napatingin sa labas at pagkatingi'y bumalik na ulit sa pakikipaglaro sa aking kapatid ng biglang may narinig akong naglalakad ng tila ay nakatakong.

Talagang maririnig mo dahil sa sobrang tahimik ng paligid ng bahay.Pati kapatid ko ay napalingon sa may pintuan na nakabukas.Nagkatinginan kaming dalawa at napatakbo sa gawi ni mama sa sobrang takot.Nang sabihin namin kung anong nangyari ay pumunta siya sa may pintuan para silipin kung may tao ba sa labas.Nakatingin lang kami sa labas habang naghihintay sa susunod na mangyayari pero wala ng iba pang nangyari.Nakahinga ako ng maluwag kahit sa totoo'y natatakot parin ako.Tumingin si mama sa amin na may dala paring syansi.Sinabi niya sa amin na nung nandun daw sya sa kusina ay narinig din daw niya ang tunong ng takong na palakad sa likod ng aming bahay.Rinig na rinig ito dahil tanging kawayan lamang ang harap ng aming kusina at isa pa ay malalaki ang butas nito dahil sa disenyo.Matapos niya itong sabihin sa amin ay ipinasarado niya sakin ang pinto.Sobrang natatakot parin ako na lumapit roon kasi baka biglang magparamdam ulit yung bagay na yon.Bilis-bilis ko nalamang isinara ito at patakbong pumunta ulit sa kusina malapit kay mama.Kahit ang kapatid ko ay nandoon rin malapit sa kanya dahil natatakot parin talaga kami sa nangyari.
So yun lamang po yung story ko na isa sa nakakatakot na experience ko nung bata pa ako.Sana po ay inyong nagustuhan.

-yt

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora