ATENTO DE DAVAO

1 0 0
                                    

Tawagin niyo na lang po akong "Tope". May kwentong kababalaghan akong
ibabahagi sa inyo at sana ay mapost ito admin.

Sa ngayon po ay huling taon ko na sa Ateneo de Davao. Nung baguhan palang akong estudyante dito ay nakakita po ako ng isang babaeng naka-itim. Black lady po yata ang tawag nila dun. Akala ko nga ay namamalikmata lang ako nun' nang papunta ako ng faculty room, pero kitang kita
ko na may pumasok doon na babaeng naka-itim. Sayad pa ang laylayan nito sa sahig. Natawa nga ako nun dahil para itong naka Halloween costume, pero nung pagkarating ko sa faculty. Naitanong ko kay ma'am na nasa loob kung nasaan yung babaeng nakaitim na pumasok dito. Sinabihan pa nga ako nito ng 'umayos' dahil sya lang naman ang nandoon pero ipinilit ko talaga nun kay ma'am, na totoo yung babaeng nakita ko na pumasok dun.
Nahampas pa ako nito. Wag daw akong nananakot. Halos nga na ayaw nya raw doon pumasok mag-isa, tinakot ko pala sya.

Madalas ko pa din nakikita yung babaeng nakaitim na pumapasok sa loob ng faculty room. Kapag sinusundan ko naman sya papunta dun ay bigla na lang syang nawawala na parang bula. Minsan ay nakikita ko pa siyang pumapasok sa cubicle at doon ay naririnig ko yung iyak nya. Pero kapag pupuntahan ko naman ay makikita ko na lang na wala na pala siya sa loob ng cubicle. Nasa kisame na pala, matalim na nakatingin sa akin.

Huli ko na lang nalaman nun na haunted pala ang lugar na yun. Kwento naman nung security guard namin na may nakita raw itong grupo ng sundalong nagmamarcha nang maglibot ito ng campus ng hatinggabi.
Marami pa raw syang naririnig na kakaiba tuwing duty nya. Meron raw isang engineering student na nagkwento sa kanya na meron raw syang nakitang madaming mukha sa loob ng katabi nilang classroom na sumulpot na lang bigla mula sa madilim na classroom na yun. Yung time na daw yan ay late na sila nakauwi dahil need nilang matapos yung plates nila. Tapos pagdaan niya nga raw doon sa kabilang room, hindi niya ineexpect na may makikita sya ron.
Binangungot raw sya nung gabing yun at nahirapan nangmakatulog dahil sa nangyari.

Marami pa sanang gustong ikwento sa akin yung security guard namin na mga horror stories tungkol sa school pero hindi ko na siya pinakwento. Karanasan ko pa nga lang nakakatakot na, paano pa kaya yung iba?

-Tope

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now