UNTITLED

1 0 0
                                    

October 2015 po noon. Nagpunta po ako sa Tacloban Leyte kasama ang mga kapwa kong youth para umattend sa isang event para sa mga youth doon. Madaling araw na po kaming nakauwi. Pagod na pagod ako sa biyahe dahil 4 na oras na biyahe yon mula Tacloban pauwi sa Palompon. Pagdating ko sa bahay ay wala na akong ibang ginawa at humiga na ako agad sa sahig. Hindi na nga lang ako nagbihis dahil sa pagod. Sa kinahihigaan kong sahig, may dalawang sofa na magkatapat. Bale nasa gitna ako ng magkatapat na sofa. Mayroon po akong dalang scarf noon na hinagis ko lang sa so sofa sa bandang kanan ko at agad di akong natulog. Habang tulog ako kay bigla akong nakaramdam ng kakaibang lamig na parang ginigising ako. Nanindig ang mga balahibo sa buong katawan ko pero hindi ko parin binuksan ang mga mata ko dahil natatakot ako na baka may makita na naman ako ulit. Unti unting lumamig ng lumamig ang paligid ng bigla kong maalala ang scarf na nilagay ko sa sofa. Dinilat ko ang aking mga mata upang hanapin sana ang scarf at gamiting kumot ng bigla kong napansin ang isang lalaking nakaputi na nakaupo sa may kaliwang banda na sofa. Hindi pa ako masyadong natakot dahil nakalingon naman ang kanyang ulo sa kusina namin. Tinitigan ko ng maigi ang ulo nya ngunit wala akong masyadong maaninag dahil sa dilim ng paligid. Nagtaka ako kung sino ang lalaking yon at naisipan kong bumangon ng bahagya upang tingnan ang kanyang mukha. Laking gulat ko ng bigla syang lumingon sa akin at inilapit ny ang kanyang mukha sa akin. Naiyak ako sa takot dahil ang lalaki palang iyon ay ang lalaking sunog ang mukha na unang nagpakita sakin doon sa school. Sa lapit ng mukha nya ay nakita ko ang buong itsura ng mukha nya na sunog na sunog at lutong luto na ang balat nay may mga dugo dugo na tumatagas galing sa mga mata nya. Wala na akong nagawa at umiyak nalang ako sa takot. Pumikit nalang ako habang umiiyak sabay sabing sana ay lubayan na ako ng kaluluwang yon. Ilang minuto ang lumipas ay dinilat ko na ang mga mata ko at wala na ang sunog na lalaki. November 2, 2015. Nagpunta ako sa sementeryo upang ipagdasal ang kaluluwa nung sunog na lalaki. Habang nagdadasal ako ay bigla akong nakaramdam ng malamig na simoy ng hangin sa bandang likuran ko ngunit hindi ko nalang pinansin. Mula noon ay hindi na muling nagpakita pa sa akin ang lalaking may sunog na mukha. Maraming salamat po sa pagbasa ng aking kwento. Godbless po!

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now