ANNABELLE

2 0 0
                                    


Simula nung napanood ko yung Annabelle na movie when I was a kid ay nagstart nang ma trigger yung takot ko pagdating sa mga manika. Dahil kay Annabelle ay nagkaroon na ako ng Pediophobia (fear of dolls), at pinagsisisihan ko talaga na pinanood ko sya.

Sino ba naman ang hindi kililabutan kung magkakaroon ka ng manika na may sa demonyo tapos ang eerie pa nung itsura nung doll? Kahit din naman siguro kayo ay natakot rin kay Annabelle. Pati nga mama ko ay ayaw na ayaw maalala yung itsura ng manika kasi hindi talaga sya fan ng mga horror.

Everytime na may makikita akong mga manika, napapaiyak na ako sa takot. Parang meron kasing something sa mga eyes nila na kapag tiningnan mo ay ang creepy talaga. Hindi ko sya maexplain pero sana magets niyo yung point ko. Idagdag niyo pa yung mga mukha ng manika na feeling ko anytime bigla na lang silang kukurap o di kaya ngingiti. Tapos na-iimagine ko pa na dahan dahan na lang nagrorotate yung ulo niya palingon sayo. Tangina! Ang creepy talaga.

There is one time na binilhan yung kapatid ko ng doll nila mama. Nabili lang nila yun sa divisoria. Yung itsura nung manika ay may kasing hawig kay Annabelle. Yung white dress, yung pagka double tails hair tapos orange pa yung kulay, tapos meron syang malalaking mata at putok na putok na red blush-on.

Nung nakita ko yan na hawak hawak ng kapatid ko, inakala ko na si Annabelle na yun. Napamura ako sa takot kasi bakit bitbit nya yung ganung manika tsaka bakit ganun na laruan yung nabili nila mama eh alam naman nilang takot nga ako sa mga manika. Grabe yung takot ko nung makita yung manika, sinabi ko dun sa kapatid ko na itapon nya na yun kasi baka may sa demonyo rin yung manikang yun. Sila mama naman pinagsabihan ako na hindi naman daw totoo yung mga possessed dolls lalong lalo na si Annabelle in real life. Sa mga horror movies lang daw yun nag-eexist. Normal lang daw na manika yung binili nila dun sa kapatid ko kasi yun yung gusto nya na laruan, binilhan lang nila nung mapadaan sila sa isang divisoria raw na tago.

At that point, wala naman na akong nagawa kasi laruan na sya ng kapatid ko. Alangan naman na itapon ko yun ng basta basta eh baka umiyak pa yung kapatid ko sa ginawa ko tsaka baka magalit pa sa akin yung parents ko. Magkamukha lang naman sila ni Annabelle ng slight pero isa parin syang normal na doll.

Nung unang araw talagang tinatak ko sa isip ko na normal lang syang manika, walang something sa kanyang kakaiba. Not until one night, habang natutulog ako ay nagising na lang ako dahil may narinig akong kaluskos sa kwarto ko. Ang ingay nya kaya nagising talaga ako. Nung time na yan, akala ko pusa lang namin yun kaya naisipan ko na lang bumalik ulit sa tulog. Papikit na ako ng mas lalong lumakas yung kaluskos. Tunog na kung saan hindi ko na masasabing pusa  na namin yung gumagawa nun. Bumangon na ako sa pagkakahiga para i-check kung ano yung kumakaluskos at saan yung nanggagaling. Nasa may ilalim ng kama ko. Kinuha ko yung flashlight ko sa may drawer katabi ng kama ko saka ko sinilip yung ilalim ng kama ko. Pagkabukas ko ng flashlight, tumambad agad sa akin kung ano yung kumakaluskos sa may ilalim ng kama ko. Kitang kita ko talaga kung paano gumagalaw ng mag-isa yung manika nung kapatid ko sa may dulo.

Di ako makapaniwala sa nakita ko, akala ko po talaga sa mga horror movies lang sya nag-eexist pero nung nakita ko kung paano mag-isang sumasayaw yung manika, nagtaasan yung mga balahibo tsaka halos mahimatay ako sa takot. Naramdaman ko na lang na parang nanigas yung katawan ko tapos bigla na lang akong napatulala. Pagkabalik ng ulirat ko, huli ng lahat dahil nakita ko na lang yung manika na nasa harap ko na. Magka face to face na kami. Ang naalala ko na lang that time ay nawalan ako ng malay tapos nagising na lang ako na nakahiga na sa may sahig.

That day rin ay nagka lagnat ako at maraming napansin sila mama na mga bruises sa katawan ko. Tumagal yung lagnat ko ng ilang araw kaya hindi na ako nakakapasok sa school. Nagsimula nang mag-alala sila mama kaya naisipan nila munang dalhin ako sa doctor quackquack bago magdecide magpa hospital. Tinawas ako ng albularyo, sinabi sa amin yung rason kung bakit ako nagkasakit. Nung ipakita nya sa amin yung palanggana na may tubig kung saan nya ipinatulo yung kandila. Nanlaki yung mata namin ng kumorteng manika sya ng kapatid ko. Sabi ng albularyo, may nakasanib daw na ligaw na spirit sa manikang yun, talagang lapitin daw ng iba't ibang kaluluwa yung manikang yun dahil yung totoong may-ari pala nun ay isang 'mambabarang'. Hindi kami makapaniwala sa sinabi nung albularyo.

Gulat na gulat lang talaga kami. Eh that time kasama namin magpatawas yung kapatid ko tapos bitbit pa nya yung manika nya na kamukha ni Annabelle. Sinabi sa amin ng albularyo na kung pwede raw na kunin niya yung manika bago pa man pati sila mama't papa pati yung kapatid ko ay madamar. Eh matapos marinig yun ng kapatid ko walang pag-aalinlangan nyang binigay kaagad dun sa albularyo yung manika nya tapos sabay yakap kay mama. Natatakot na eh. Umuwi din kami kaagad pagkatapos then kinabukasan nawala na rin yung lagnat ko pati yung mga bruises ko sa katawan.

Hanny

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Onde histórias criam vida. Descubra agora