QUARANTINE FACILITY

2 0 0
                                    


Hi Guys. Since may nag-send dito ng story na about sa COVID-19, gusto ko din i-share yung experience ko sa isang quarantine facility last 2020. First time ko po talaga magsulat ng story dito kaya po sana pasensya na po in advance. Pero matagal na akong avid reader dito since 2015. 🤘🤘🤘And please po paki-hide yung identity ko kasi bukod sa creepy experience ko share ko din yung nakakalokang experience ko as COVID PATIENT

Sorry mahaba yung intro. So ito na nga, July 10,2020, nanganak ako sa bunso ko sa isang ospital sa tondo. Hindi ko na ise-share yung pagpapahirap na ginawa nila sa akin bago nila ako asikasuhin. FF so ayun na nga,nanganak na Ako,CS Kasi 4.5 kilo yung baby ko. Nung nawala na yung epekto ng anesthesia,inilipat agad ako sa recovery room. Bale pagpasok ko don, 3 kami isang lalaki tapos isang babae,tapos ako. After non,nakatulog ako gawa na din siguro ng pagod. Pagkagising ko 8am, biglang pumasok Yung nag e-x-ray. Pinatagilid nya ko shuta binigla niya ko tapos nagmamadali pa siya e sabe ko kuya may tahi ako oh,Wala pang 24 hours. Tapos ayun kumalma Siya tapos tinulungan niya ko although sobrang SAKIT talaga.

Bigla niyang inilagay Yung x-ray board sa likod ko Wala man lang pagpunas e basang-basa yun ng pawis tapos hirap pa ko huminga Kasi bukod sa walang electric fan napaka-init ng panahon. Tapos alam niyo ba Yung result? May tubig daw sa baga ko? Wth. Gulat talaga ko non kasi hello, may work ako before ako manganak so ibig-sabihin nakapag-pa x-ray Ako so Bakit noon Hindi na detect? So na-conclude ko na dahil nga pawis na pawis ako that time tapos hindi nila nai-consider na Wala pang 24 hrs na nakapanganak Ako, nasa recovery stage palang Ako tapos x-ray agad? Ito pa, after ko i-x-ray, 11 am si-nwab agad kami. Bale sa recovery room naging anim na kami. Tapos sa anim na Yun, alam ko Yung Isa sa amin ay mayroong special treatment kasi bukod sa nakahiwalay sya samin,Kasi kami magkakatabi Yung bed Siya 6 beds Ang pagitan sa amin,e Meron pa siyang bell para pag tatawag Siya Ng help,papatunugin niya lang. Tapos after namin I swab. Nanghingi Yung patient na Yun Ng oxygen Kasi nahihirapan Siya huminga.

FF. 1pm may result na, which is takang taka Ako Kasi 1 week bago lumabas ung result dba? BakiT sa amin 2 Oras lang? Pumasok ung Isang nurse tinawag Yung surname naming Lima na magkakatabi. Syempre ako taas lang ng kamay Kasi nga hindi ako makagalaw dahil sa tahi ko. Sabe Nung nurse, lipat kayong Lima sa COVID room. Positive kayong lima. Doon ako naniwala na talagang humihinto na nga yung oras or yung paligid once na nasha-shock ka. Natulala talaga ko,parang ayaw mag- sink in sa utak ko yung sinabe nung nurse. Bumalik lang yung wisyo ko nung nasa harap ko na yung isang lalaking nurse para itulak yung bed ko.

Tapos habang tina-transfer kami, pumasok bigla sa utak ko na "Wait,parang may Mali?". Kaming mga normal lang naman positive yung special patient negative? Like wtf? Siya yung naka oxygen tank. Napamura ako sa isip ko.

FF. Pagkalipat ko don. Inilipat agad kami kinagabihan sa mga private room bale sa isang room 2 patient. Malaki Yung room 2 beds. Isang restroom. Tapos Yung sistema papasok lang sila kapag kukuha Ng dugo,check Ng bp. May ituturok na gamot sa dextrose.

Sa pagkain naman,kakatok lang tapos kami na bahala na kumuha,pati mga kumot tsaka hospital gown Kasi need namin araw araw magpalit. E dahil nga may tahi ako Buti nalangabait Yung nakasama ko at normal Yung panganganak niya (pero namatay yung anak niya🥺) Siya yung kumukuha ng pagkain ko which is cerelac lang at milk. Always nilang tinatanong kung ano nararamdaman namin,sinasabe namin ok lang kami,Kasi ok lang Naman talaga kami. Tapos ayaw nila pabuksan aircon BAWAL daw kasi kakalat daw yung virus. E sa isip ko non Hindi Naman air borne Yung virus diba? So hinayaan ko nalang nagpadala nalang Ako electric fan. Until one day pumasok ung Isang nurse,sorry Wala talaga akong idea kung Anong itsura nila o surname nila dahil nga sa PPE. Pero sure ako na babae siya. May hawak siyang syringe so alam ko na may ituturok siya sa dextrose ko, pero nagtaka Ako Kasi iba siya sa mga nauna.

White siya,liquid oo,pero makapal na texture. Alam niyo yung gamot na tinitimplahan ng tubig? Ganun Yung texture niya makapal kumpara sa ibang syrup. Kita mo talaga yung kapal niya, tapos habang tinuturok niya biglang uminit buong katawan ko pati ULO ko mabigat, tapos Ang sakit sobra,parang puputok ugat ko. Tapos ung dibdib ko ang init ung parang burning sensation talaga na Hindi na Ako makahinga. Sabe ko, mam.

Tama na Po. Hindi ko na Po kaya. Kasi dahan dahan niya lang yun tinuturok. Sabe niya mam, ***** Po ito. Hindi pwede i-skip pero kung mag-iinsist pa kayo need niyo pumirma  Ng waiver. Sabe ko Sige Po,pipirma nalang Ako Kasi Wala Naman Ako nararamdaman e, pero Jan Ako magkakasakit sa tinuturok niyo. Pati yung isang kasama ko pumirma din, ayaw niya din kasi same kami walang ubo,walang sipon. Healthy kumbaga. Pero after non kasi naturok sakin
Yung Kalahati, nag start na Ako sipunin,tapos ubuhin tapos nawala Yung panlasa ko AS IN.
DOON ko na napagtanto,may iba. May foul play. Kasi kahit Wala Kang sakit bibigyan ka na nila Ng sakit para lang may masabi na positive. Tapos Yung mga namatay? Feeling ko dahil sa gamot na Yun e Kasi kung mahina ka talaga Hindi mo kakayanin yun. Lalo na kung Wala Kang lakas Ng loob tumanggi.

FF. Pang 5th day namin sa room. Normal Naman lahat until nag 6pm bigayan na Ng pagkain, kumatok na Yung nagbibigay Ng food. Kinuha na Ng Kasama ko, ayun kumain kami. 8pm tapos nakahiga lang kami,nagce-cellphone. May kumatok. Dedma,katok ulit,nagkatinginan kami. Pangatlo, tapos hindi na umulit. Yung katok nya is isa lang as in. "Tok". Ganun lang. Pero malakas. Sabe ko, kakapalit lang natin ng kumot a? Tapos na din pagkain?. Edi inantay namin Kasi baka mamaya nagra-round lang. Check Ng bp ganun. Isa, dalawa ,tatlo,apat,Lima. Limang minuto na ,walang pumapasok. Edi Yung Kasama ko tumayo na. Pagbukas niya Ng pinto,walang tao. Walang tao sa hallway. Nagkatinginan kami pero Yung tingin na yun alam Kong parehas kami Ng tanong. SINO YUN?

FF. Pang 7th day na namin at araw na din Ng transfer namin sa PICC. So alam niyo Naman kung gaano kalaki Yung PICC DIBA? TSAKA naipakita Yung itsura nun as quarantine facility sa 24 Oras. Basta kahoy ung mga room na pa-square may Isang bed, may Isang lamesa at upuan. Yung room kurtina lang Yung pinto. Napaka lamig Nung aircon(naisip ko sabe sa ospital BAWAL daw sa positive patient Ang aircon pero Dito sobrang lamig. Nagtitipid lang yata e hahaha) dahil nga kahoy lang, madidinig mo Yung malapit sa yo. Lalo na kung tumatawa ,umiiyak, kumakanta Lalo na ung nasa talikuran mong kwarto. Pagpunta ko don, nasagap ko agad Yung tsismis. Na Yung nasa likod ko na patient is ayaw lumabas. Ayaw kumain, ayaw din makipag-interact. Namatay daw Kasi yung anak niya sa NICU, di ko alam saan siya nanganak. Tapos namatay din daw yung asawa niya, atake daw  Kasi na shock after knowing na namatay yung anak nila tapos nag positive pa siya. Edi syempre Yung babae naiintindihan ko Siya Kasi Yung mag ama niya Hindi man lang niya Nakita or nakasama kahit man lang Yung bangkay diba. Cremate agad. So Gabi-gabi umiiyak Siya. Iniintindi ko nalang kahit mejo nakakabulahaw Kasi nga magkatapat kami at dinig na dinig ko iyak niya. Pero iniintindi ko nalang, kahit Umaga.

Doon Kasi sa PICC walang nagra round kung may kailangan ka ikaw ang maghahanap sa kanila or ring a bell. Pero wala.ka talagang makikitang nurse tanging janitor lang. Pero may cctv sa hallway. Hallway lang kita Kasi everytime na may nakatambay sa labas maririnig mo pasok Po sa loob, Lalo na Po Yung mga nagkukumpulan,ganern,parang PBB LANG ANG PEG. HAHAHA
4th day, normal Naman Ang lahat. Pero Nung sumapit Gabi. 8pm ,lahat nasa kwarto na. Ako Naman nagce-cellphone. Tapos biglang humagulgol.yung babae sa likod Ng kwarto ko. As in hagulgol talaga. Tapos malakas Siya pero Yung tunog niya parang kulob. Parang nasa Isang box ganun Yung tunog. So Ako, dedma Kasi ganun Naman Siya Gabi Gabi. Pero lumalakas. Tapos nakaka istorbo na. Hanggang 9:30 pm sabe ko parang Hindi Naman na yata Tama Yung ganun Kasi tuloy tuloy. Tapos maingay, Kasi umiiyak din Ako pero Hindi ganun katagal. Tapos sumilip na Ako sa labas tinabing ko lang Yung kurtina. Silip ko kaliwa,walang tao. Kanan, nasa dulo Yung janitor nakaupo, naka PPE. Nagce-cellphone. Like wth? Ako lang ba nakakarinig non? Ako lang ba Ang naiingayan? Walang magrereklamo na iba? Kaya sabe ko Sige dedma baka sabihin makasarili Ako or Hindi Ako marunong umintindi. Kaya pinilit ko nalang matulog. Tapos 2 am nagising Ako. Kasi naalimpungatan Ako sa iyak Nung babae. Mahina, pero consistent Yung tunog. Nag-CR Ako. Tapos tulog ulit. Kinabukasan, 7am Ako nagising, may nagpi-pray kasi pag ganung oras after non pila na para kumain. Nung nakapila na kami, biglang may nagtakbuhan papunta don sa cubicle namin, violet samin tapos dilaw sa lalaki. Mejo malayo ung kuhaan Ng pagkain, Kasi Malaki Yung PICC DIBA? Edi kami napatingin. Gusto ko man makiusisa Hindi ko magawa Kasi nga masakit pa din Ang tahi ko at dahan dahan Ako naglalakad. After kumuha Ng foods, balik agad Ako pero Ako Yung nahuli Kasi nga dahan dahan akong naglalakad. Tinanong ko yung Kasama ko na nakasama ko din sa hospital magkatapat kami Ng room. Sabe ko Anong nangyare? Sabe niya "Be, Yung nasa likuran mo na kwarto, patay na. Kagabi pa daw Yun sabe Nung doctor Kasi matigas na, kung Hindi 7pm , 8pm Yun after kumuha Ng pagkain". Na-shock Ako, sino bang Hindi? Kasi kung patay na Siya Nung Oras na Yun? Sino Yung naririnig ko? Kaya ba parang Ako lang Yung nakakarinig? Mula nong araw na Yun Hindi na Ako nakatulog Ng maayos Hanggang sa madischarge Ako. Hinding Hindi ko makakalimutan Yung pangyayareng iyon.

Sorry mahaba. Thank you sa Patience at sorry sa mga capital letter Kasi nag o-auto correct sa keyboard ko. Hehehe

- Lady D.

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now