EVIL SPIRIT

0 1 0
                                    


Anyways, ang kwento na ito ay hindi ko experience, sa pinsan ko to sa father side. Gagamitin ko na lang yung POV nya para hindi na ako mahirapan.

POV:
Feb.24,2019 during this night di ako makatulog, sobrang lamig ng kwarto ko. Lagi akong bumabangon di ako mapalagay. off ilaw hanggang sa pinilit kung matulog. naka idlip na ako. Naka tagilid ako habang nakakumot. bigla nalang gumalaw iyong kama na parang may humiga at tumabi sa akin. pero that night wala ang kapatid ko sa bahay mag isa lang ako. Hanggang sa nanigas iyong katawan ko, nangisay ako ng bahagya, bumagal ang paghinga ko, parang may kung anong pwersa na pumapasok sa katawan ko. parang hinihila palabas ang kaluluwa ko mabuti nalang kaagad kung naimulat ang aking mga mata at nakagalaw ako. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Alam kung may nakatingin sa akin na hindi nakikita ng ordinaryong mga mata. natagalan bago ako makatulog ng tuluyan. And so on lunes ng gabi ganoon pa rin. Parang may iba akong katabi sa pagtulog. Ramdam ko talaga iyong paglubog ng kutson na may humiga. Hanggang sa binangungot ako may kasama akong batang babae di ko siya kilala pero pareho kaming nakaputi. Tumatakbo kami sa kawalan sa isang malawak na kalsada. hinahabol kami ng kung ano. Hawak kamay kami ng bata at may bangin sa gilid. Sa ibaba may bahay at malabong ang damo. doon kami gumulong ng bata at nagtago sa malabong na damo. Nagising ako na pagod na pagod. di ako makatayo feeling ko tumakbo ako ng sobrang layo. Hinihingal ako pinilit kung tumayo pero para akong mahihimatay sobrang pagod ako na ewan. Ang bigat din sa pakiramdam.
May mga pangyayari talaga sa buhay ko na mahirap eh explain. Sometimes i don't have any idea bakit ko nararasan ang ganito? Ang weird lang bakit may ganitong biglang susulpot sa panaginip ko? Oh ano pa man lalo na sa oras ng pagtulog at malalim na gabi. Kaya lagi akong nag dadasal. Pray before you sleep is a must.

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin