SUNDALO SA ILALIM NG KAMA

1 1 0
                                    

Hi po!!! So, nangyari tong story na to nung mag punta kami sa Binangonan para maki fiesta sa mga kamag anak namin. Tatlong araw kami doon at sa tatlong araw na yon, walang gabi na hindi kami nag kekwentuhan ng nakakatakot. Ang creepy pa ng lugar. Para syang pa bundok. Hirap maka akyat mga sasakyan kasi sobrang taas ng lugar. Hindi din uso mga magagandang bahay. Puro simple at kahoy lang. Provincial type. Ganon.

Sa tapat ng bahay ng lola ko may buntis na nakatira sya lang mag isa kasi kailangan daw mag trabaho ng asawa nya sa ibang lugar. Nakakakwentuhan din namin sya at minsang nakwento nya na may something sa loob ng bahay na tinitirahan nya. Lagi syang binabangungot, lagi syang sinisitsitan sa bintana, tapos laging may nakatayo sa uluhan nya na matangkad na lalaki. Lahat ng karanasan nya naikwento nya saamin. Kaya minsan doon sya samin nakikitulog.

Then isang gabi, hindi sya samin natulog. Mahimbing kaming lahat na natutulog nang biglang may narinig kaming babaeng nag sisisigaw. Sobrang gulat kaming lahat kasi ang akala namin nanganganak na sya. Tumakbo sya samin at nagmamakaawang pag buksan ng pinto. Nung pag bukas namin ng pinto nag madali syang pumasok sa bahay habang naiyak at hawak ang tiyan nya. Nung huminahon sya doon lang sya nag kwento.

Hindi daw sya makatulog nung gabi na yon. Napaka lamig daw. Meron nanaman daw nag lalakad pero hindi nya daw pinansin. Nung tumigil daw, nagulat sya ang akala nya nalindol na kasi yung kamang hinihigaan nya umaalog. Para syang niyuyugyog. Tila ba may kung anong malakas daw na gumagalaw sa kama. Tinignan nya yung mga gamit nya pero yung kama lang daw yung nagalaw. Sa sobrang takot, gusto nyang lumabas at saamin na matulog nung lalabas na sya kukunin nya tsinelas nya sa ilalaim ng kama pero laking gulat nya ng may sundalong nakadapa masama ang tingin ng mga mata at naka ngiti sa kanya. Pulang pula ang mga mata at napaka lakas daw ng tawa. Doon na daw sya nag sisisigaw. Ang akala nya malalaglagan sya ng anak sa sobrang takot...

-JoshMetawin

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now