BUBONG

2 0 0
                                    


So eto na nga sorry kase hindi ako magaling mag kwento pero share ko padin to kase di ko talaga makalimutan

2015 nung nangyare samin to , bale apat kaming magkakapatid na magkakasama sa isang bahay at kapit bahay lang namin si mama and yung stepfather ko. Try nyo nalang imagine-nin yung bahay namin ah kase ganto, ang pagitan lang nung bahay namin nila mama ay poso banyo at dirty kitchen.
Nung mga time na yon buntis ang ate ko 9 months at ako ang palagi nyang katabi. Sa isang kwarto kami natutulog na kurtina lang ang nakaharang sa pinto pinag gigitnaan ng dalawang kwarto yung maliit na sala namin. Sa kabilang kwarto naman natutulog ang bunso namin at ang isa ko pang ate na di pa halos makalakad ng maayos dahil naagasan. (yung baby nya na fetus ay inilagay sa bote nung Elshadai na may langis)

Bandang 11 pm masarap na yung tulog ko kase malamig yung kwarto namin kahit walang Electric fan. Nagising ako nung bigla akong kinalabit ni ate Cess(buntis ). Nakatingin lang sya sa taas at patuloy ang pag gising saakin. Pagmulat ko, ang unang napansin ko ay ang paggalaw nung kulay orange na bumabalot sa wire ng kuryente. Tuloy tuloy ang pag galaw nito na para bang nadadali yung kalahati sa labas (yero lang ang bubong namin at wala g kisame) palakas ng palakas ang pag ugoy ng wire at may parang humahakbang na sa bubong namin. Wala akong ibang nasambit sa ate ko kundi "nasan yung bawang mo?" agad nyang kinuha ang ilang piraso ng bawang at walang usap usap ay sabay kaming tumalon paalis ng kama at pumunta sa kabilang kwarto. habang ginigising namin ang dalawang kapatid ko nagulat kami ng makita namin na yung umaakyat sa bubong ay tila sumusunod saamin . Nakakapagtaka na sa tapat ng buntis kong ate lang tumitigil ang kung ano mang nasa bubong nung gabing iyon. Grabe na ang takot at kaba ng dibdib ko halos di na ako makapag salitaa ng maayos habang ang ate ko naman ay halos hampasin na ang tyan nya dahil hindi na gumagalaw ang bata sa loob ng tyan nya.

Nang magising ang dalawa pa naming kapatid ay nagpasya kaming bumalik sa kabilang kwarto ngunit laking gulat nalang namin nang biglang pag takbo ng ate koy syang sunod naman ng kung ano mang nasa taas . Dun na kami nagsimulang magsisigaw ng malakas
"mama! Tulungan nyo kami! MAMAAAAAA!"
Paulit ulit naming sigaw ngunit tila walang nakakarinig sa mga sigaw namin. Muli bumalik kami sa kabilang kwarto upang kunin ang bibliya at ang maliit na "mama Mary" ganon padin ang nangyare kung saan napwesto ang kapatid kong buntis ay dun sin tumitigil sa tapat nya ang nasa bubong.
Nang akmang kukunin na ni ate Shane( kapatid kong naagasan) ang bibliya at mama Mary, bigla syang kinilabutan at sinabi saamin na may nakasilip daw sa maliit na bintana namin . Nakabaliktad na tila demonyo.
Hindi nako nakapag pigil kahit hawak ko ang bibliya at hawak ng ate ko yung mama Mary ay napasambit nalang ako ng "murahin mo! Ganon daw yun mawawala daw yun"
Natawa nalang ang kapatid ko  ngunit nang kumaluskos uli ang nasa taas ay Agad kaming tumakbo sa may sala at don na kami nag usap usap kinuha namin ang mga basyo ng malalaking mineral at pinaghahampas namin sa yerong pader na pumapagitan sa kwarto at banyo. Sabay ng pag hampas ay ang pag sigaw namin ng "MAMA TULUNGAN NYO PO KAMIIIII MAAAAA!"
paos na paos na kami ni Rvin ang bunso kong kapatid ngunit tila wala nakakarinig sa pagtili naming dalawa. Naiiyak na ako sa sobrang takot dahil parang binubuklat na ang yero sa may kwarto nung oras na yon.
Biglang nagsalita si ate Shane.
"kahit anong mangyare wag na wag nyong bubuksan ang pintuan . Lalabas ako at gigisingin ko si mama. Kahit anong sabihin ko wag na wag nyong bubuksan kahit mag makaawa pa ako" matapang na sambit ni ate shane sabay labas ng pinto habang hawak ang napaka payat na patpat.
Umiiyak na ako sa kilabot

Nakakapag taka na walang nakakarinig sa malalakas na sigaw namin at sa paghampas namin sa pader na yero

Maya maya pa ay lumabas na si mama at narinig na namin ang katok nila ate. Di na kami nagdalawang isip at lumabas na din kami
Dun ay sinabi ni mama na wala daw silang naririnig
Paglabas namin ng bahay ay lumabas din ang ilang kapit bahay. Tanging katok at boses lang daw ni ate shane ang nakapag pagising sa kanila
Paano nangyare yun? E sira sira naman ang bintana namin at tagus tagusan ang kung ano mang tunog sa labas at loob?
Dun ay sinabi ng kapit bahay namin na nubg sumilip sya sa labas ay nakita nya na lahat ng aso sa looban namin ay nakatingin sa bubong namin habang umaalulong ng gabing iyon.

Yun lamang salamat sa pag babasa
-queen

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now