TRINOMA FOUNTAIN

0 0 0
                                    


Alam niyo ba ung fountain na nasa labas ng trinoma malapit sa starbucks? Oo, un ung tinutukoy ko sa kuwentong ito. Galing kami sa date ng girlfriend ko at syempre dahil pagod sa kakalibot sa loob ng SM North at Trinoma nagdecide naman kami magpahinga sa labas malapit sa may nagpapatugtog na banda. Dahil maganda ang pwesto at ang set-up ng lugar ay umupo kami ng girlfriend ko sa gilid ng fountain na ito. Padilim na din noon parang alas-singko na ng hapon. Usual sa magkasintahan, nakahawak ako sa bewang ng girlfriend ko tapos sya nakatanday naman ang ulo nya sa balikat ko.

Alam nyo walang mas sasarap pa sa feeling kundi ang magkasama kayo ng mahal mo. Kampante lang kami na nagkukuwentuhan dahil komportable naman kami sa isa't-isa. After namin mag-usap, tumahimik kami saglit habang nakatingin sa malayo. Narinig ko na parang may mahinang ungol pero di ko alam saan nanggaling. Ako naman inisip ko na baka si gf ko lang pero ang weird lang bakit naman nya gagawin un? Parang humihikbi pero mahina lang. So ako naman tiningnan ko si gf nakangiti lang sya. Halatang masaya sya na magkasama kami. Lalo akong nagtaka kung saan nanggagaling ung mahinang ungol. Hindi pa rin kasi humihinto.

This time para nang umiiyak ang naririnig ko. Iyak ng isang babae. Kaya nilibot ko ang paningin ko at nakita ko na may iba pang nakaupo sa fountain na iyon. Puro magnobyo at magnobya din. Lahat sweet, yung iba magkayakap, ung iba naman nagsusubuan (bawal green-minded wholesome ako magkuwento.) So nagtaka ako lalo kung sino ang umiiyak na babae given na may bandang nagpapatugtog malapit sa amin at maingay din ang mga sasakyan at ang lagaslas ng tubig galing sa fountain sa likod namin.

Medyo awkward lang kaya tinanong ko si gf kung may naririnig ba siyang kahit ano:

Ako: Chubs, may naririnig ka bang kung ano?

Gf: wala naman.

Ako: Wait, tahimik ka tapos pakinggan mong maigi.

Gf: (tahimik na nakikinig) may umiiyak pero mahina lang.

Ako: (Nagulat ako) Narinig mo din un?

Pagkasabi ko nun saka biglang umatungal sa iyak ang babae. Ung parang iyak ng babaeng depressed na depressed na halos pasigaw na ang iyak tapos nanginginig. "Wuuuu...waaaaaaahhh..ahh..ahhh..ahh!! Hmmm waaaaahhh...ahh..ahhh...aaahhh!!!!"

Parang alam nya na napansin namin sya. Ang weird pa kasi paglingon namin ng gf ko at hinanap namin kung sino ang umiiyak wala namang babaeng umiiyak. Ito pa ang matindi, nung tinanong ko ang gf ko kung saan nya naririnig ang iyak parehas pala kami na naririnig ang iyak mismong sa fountain na may tubig! Never kong tinanong ang gf ko kung may naririnig syang iyak at ang tanong ko lang kung may naririnig syang kakaiba pero tumugma ang naririnig namin. Gusto ko lang kasi iconfirm na hindi ko lang guni-guni ang lahat. Parehas pa kaming nagulat noon.

Nagtanong si gf kung anong gagawin namin sabi ko hayaan na lang namin ung multong umiiyak tutal di naman siya nagpapakita pero aminin ko triny ko siyang kausapin sa isip pero wala siyang sinasabi sakin. So hinayaan na lang talaga namin. Si gf naman wala lang sa kanya parehas naman kaming weird lol!

Shineshare ko to para di magpasikat kundi dahil totoo namin itong karanasan. Gusto ko lang din malaman kung kami lang nakaexperience nito sa Trinoma. Shinare ko din ito sa ibang kakilala at may kaibigan akong nagsabi na may nakita siyang babae sa fountain na un na paulit ulit na nagtatapon ng barya pero di naman daw umiiyak. Alam daw nyang patay na ito. Kayo ba nakita nyo na rin yung babae sa fountain ng trinoma?

**Blackhat AKA Theophilus
(Paranormal Philippines)
>>Marikina

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now