WHERE'S CHRISTINE

0 0 0
                                    


This is the story of my fav cousin, Cristine.

I am 5 years older to Cristine, 4 years old pa lang siya, sumasali na siya sa mga singing contest sa school. 4 silang magkakapatid, at siya lang yung madaldal, clingy, clumsy, and fav ng mga tita namin, even though napaka mean kid niya. Kapag nakakarinig siya ng bagay na naoffend siya o hindi niya gusto, mabilis siya sumagot pabalik. And always on Top din si Cristine, hindi ko alam sakanya, kahit puro t.v. lang at music ang inaatupag, matalino pa rin siya.

Dumating yung time na, biglaang laki nang pinagbago sa pamilya. 2009, nawala for 1 week si Cristine, walang nakaka alam kung nasaan siya, hindi siya matawagan, walang tumatawag for ransom, or threat, wala ni isang anino or clue kung patay na ba siya o hindi pa.

Unang araw palang nag aalala na ang lahat, 6years old palang si Tin, anong laban ng 6years old na bata? Halos mabingi ako sa sobrang tahimik ng bahay, madami naman kami dito, pero ni wala kang nakakasalubong kahit umupo kapa sa hagdan, siguro sa laki ng bahay, hindi mapuno ng siyam na tao, kay lolo kasi itong bahay, and ngayon doon naman siya nakatira sa isa niya pang bahay kasama yung mga tita naming mga wala pang asawa.

24 hours na, bago magawan ng aksyon ng mga pulis. Sabi nila non, wala daw nakakita sakanya sa school nung araw na yon, ni hindi nga daw siya pumasok, hindi din daw siya napansin ng guard kung pumasok na ba siya o hindi, pero sabi ni tita (mama ni tine) hinatid pa nga daw niya si tine sa kahapon. E that time, hindi pa uso yung cctv sa tapat ng school nila, private pero walang cctv hanep e no hahaha. Habang nag uusap sila sa tapat ng school, may lumapit na babae, sabi niya non, baka pwede niya icheck cctv nila, kasi ilang lakaran lang yung bahay nila and hagip yung harap ng school ng kaunti.

Bakit ko alam? Because I was there, and eleven na ako that time, everything was unforgettable since Cristine was suddenly gone.

2nd day, ipinatawag si tita (mama ni tin), para tingnan yung cctv record nung araw na nawala si tin. Sabi ng tita, pag pasok daw ni Tin, lumabas siya nung nakaalis na siya, at galit na galit siya ano daw ginagawa ng guard that time? Paano pa nakalabas si Tin? Naglakad siya, hanggang may nasalubong daw siya, then doon na daw siya sumama. Hindi na makita sa cctv yung itsura kung matanda ba o ano, dahil papalayo na sa cctv yung pinuntahan nila. Naghanap hanap pa sila tita if may ibang bahay pa na may cctv or kanto, wala na. Dahil, sa way na yun, papunta ng gubat, wala na gaanong mga bahay. Hindi naman masisi ni tita yung guard, dahil bago lang siya that time, hindi niya pa namumukhaan lahat.

Inabot ng halos isang linggo, walang update, walang nangyayari, halos hindi na sabay sabay kumain sa almusal, hapunan, puro balita nalang pinapanood baka sakaling may maibalita na pwedeng clue if si Cristine ba iyon, pero wala talaga.

7th day ng pagkawala ni Cristine, halos nanlulumo na ang lahat kasi wala na siguro talaga si Cristine. Nagpapakita na daw si Cristine sa panaginip ni tita na nakauwi na daw siya. Umiiyak na lagi si tita, yakap yakap yung fav na damit ni Cristine.

That time, nagsama sama na kaming kumain, maliban sa ate ni Cristine na si Crisa, busog daw kasi siya, tahimik, na malamig, pero parang kasama namin si Cristine. Biglang may kumatok sa pintuan, tatlong beses, tumunog pa phone ni tita, pinacheck sa akin habang papunta sila ni tito sa pintuan, paghawak ko sa phone, tumunog ulit. . .

Text Message 8:00pm

Cristine: Ma I miss you

Cristine: I am home

Nanginig ako, halos nabitawan ko yung phone ni tita, napatingin sila lahat sa akin umiiyak na ako, lumapit sa akin si tita tanong siya ng tanong ng bakit, pagbukas ni tito ng door, walang tao. Tiningnan ni tita kung ano nabasa ko and she freaked out, lumapit sila lahat, then suddenly the door heavily closed, hindi sa front door, kundi sa taas isa sa mga kwarto ang nagsara. It feels so heavy kahit nasa isip ko baka si Crisa yon,  tito called her but she wasn't answering, baka matutulog na siya.

Pinapakalma nila mama si Tita, habang tumatawag sa pulis si tito, yung iba tinatapos na yung pagkain. May biglang nagpatugtog sa taas, maririnig mo talaga dahil sa tahimik ng tahanan after nung pagsara ng pinto, nagkaroon talaga ako ng malupitang goosebumps that time, dahil si Tin lang ang nagpapatugtog sa bahay, nataranta pa ang lahat nang tumili si ate Crisa ng "AAAHH PAPA!" Tumakbo halos lahat sa itaas, napatigil si tito nung nakapwesto si ate Crisa sa tapat ng kwarto ni Cristine. Pagtingin namin, nakaupo si Cristine sa higaan niya, dala ang bag niya, malinis ang mga damit, kahit ang sapatos niya, dahan dahan siyang lumingon at ngumiti,

"Hi, I am home". . .

Saan nagpunta ang 6 years old na si Cristine? . . . .

-----------

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now