HINDI INAASAHANG BISITA

1 0 0
                                    


Mahaba-habang usapan rin ang nakalipas nang mapagpasyahan naming magkakapatid na matulog na. Alas dos ng madaling araw na rin kasi nun, at inaantok na kami.

Pumasok na sina kuya at ate sa kani-kanilang mga kwarto, habang ako ay pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Pagkabukas ko ng ref ay nakita ko ang huling piraso ng cake na kinain namin kanina. At dahil medyo nagutom rin ako, ay walang kaabog-abog ko 'yong kinuha.

Pagkatapos kung kumain ay pumunta ako sa lababo para maghugas ng pinagkainan nang aksidenti kong nahulog ang aking kutsara. Dali-dali ko itong pinulot. Muntikan ko pang saktan ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Mabuti na lang di sila nagising, kundi lagot talaga ako kay mama na kanina pa natutulog.

Makalipas ang ilang sandali, ay may narinig ako na parang may pintong bumukas na lumikha ng langitngit na tunog. Kaagad akong napatingin sa pintuan namin, pero wala namang bumukas. Binalewala ko na lang 'yon. Inisip ko na baka guniguni ko lang 'yung narinig ko.

Habang naghuhugas ako ng platito at kutsara ay may nagahip 'yung peripheral vision ko na parang may dumaan. Kaagad akong napalingon sa likuran ko. Wala akong nakita. Pero ramdam ko talaga na may dumaan.

Nagsimula na akong kabahan. Pero binalewala ko na lang ulit 'yon at nagpatuloy sa paghuhugas.

"Inaantok na talaga ako," bulong ko sa aking sarili.

Nang matapos ako ay nag banyo muna ako para umihi. Pagkalabas ko ng cr ay napatigil ako nang may nakita akong isang aninag ng taong nakatayo kung saan nakapwesto yung bintana namin. Sakto lang 'yung liwanag sa labas na pumapasok sa bintana para makita kung may nakatayo sa tapat nun.

Ilang minuto siyang nakatayo ro'n, at gano'n din ako habang nakatitig lang sa kaniya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nagsimula na akong pagpawisan nang malamig. Nangangatog rin ang mga tuhod ko na para bang anong oras ay babagsak ako.

Kahit nahihirapan akong ibuka ang bibig ko ng mga oras na 'yon ay sinikap ko pa ring magsalita.

"S-sino p-po sila?" tanong ko.

Mas lalo lang tumindi ang ang nararamdaman kong takot nang wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

Nakita ko na lang na dahan-dahan na siyang lumalapit sa 'kin, at unti-unti rin siyang tinutubuan ng mga galamay sa likod. At sa mga sandaling 'yon ay bigla ko na lang naalala yung kuwinento sa 'kin ni lola, na kapag may nahulog na tinidor o kutsara, may dadating na bisita.

— Ryukshin

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now