OLD

0 0 0
                                    


Hello! This is my first time na magshare ng story dito. Just call me Tin, etong ikwekwento ko sa inyo ay personal experience ko na hindi ko makakalimutan. Just bare with me dahil hindi ako marunong magkwento. Let's start!!!

Nangyari ito wayback 2019. 9pm na nun papunta ako nun sa 7/eleven para bumili nung spicy noodles tapos snacks na rin. Mahilig kasi ako kumain bago matulog, pampa-antok ko lang sya. Pagpasok ko sa 7/eleven, tatlo lang pala kaming nandoon sa loob. Ako at yung dalawang lalaki na nagtatrabaho dun. So bumili na ako ng maraming chichirya tapos ilang chocolates din tapos dalawang spicy noodles tig-isa kami nung brother ko. So habang kumukuha ako ng chichirya, may sumulpot na lang sa tabi ko na matandang babae. Nakatayo sya malapit sa akin tapos nakatingin sa akin. Alam niyo yung tingin nya parang may atraso ako sa kanya. Ang sama kasi. Nakapaa lang sya tapos maputik pa yung paa nya. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya doon sa tabi ko at bakit sya nakatingin sa akin ng masama. Napakurap na lang ako ng ilang beses tapos napatigil sa pagkuha ng chichirya.
Triny kong ngumiti para magpakita ng good approach sa kanya, pero napatigil ako saglit nang mapatingin ako doon sa may malaking bilog na salamin sa itaas (alam niyo ba yun mga kasindak, kapag pupunta kayong 7/eleven may makikita kayong bilog na salamin na nakakabit sa taas, may mirror shot pa nga yung iba dun e). So ayun pagkatingin ko doon sa salamin, laking gulat ko nang wala akong makitang reflection nung matandang babae sa salamin. Sarili ko lang reflection yung nakita ko. Tumaas yung balahibo ko sa katawan, kinikilabutan na ako that time. Dahan dahan akong bumalik ng tingin doon sa matandang babae. Nanlaki po yung mga mata ko nang makita ko yung hitsura na nagbago. Wala ng pupil yung mga mata nya tapos punong puno ng sugat yung mukha niya. Napakaripas ako nang takbo bitbit yung mga nakuha kong chichirya papuntang counter. Mangiyak ngiyak na ako nun habang sinasabi ko dun kay kuyang nasa counter na meron akong nakitang multo dun na matanda. Si kuya naman pumunta naman sya kaagad doon sa lugar kung saan ko nakita yung matanda, kasama nya yung isa pang lalaki na nagtatrabaho din dun. Hinintay ko sila sa may counter at sobrang natatakot na talaga ako. Pagkabalik nila, sinabi nila sa akin na wala daw silang nakitang matanda dun pero mayroon daw bakas ng putik na 'footprints' daw. Gusto ko  sanang makita ko yung sinasabi nila kaso ayoko nang bumalik dun. Pinapunch ko na kay kuya lahat ng nabili kong chichirya para makauwi na ako agad. Habang nagpupunch si kuya ay nagkwento sya sa akin na tambayan daw talaga yun ng mga multo. Doon kasi madalas yung mga tao nagpapagpag kapag galing sa lamay. Akala nila bibili sila kasi pumapasok pa raw sa loob pero nagpapagpag lang pala.

After nun, binayaran ko agad si kuya saka na ako na umalis. May nakasalubong pa ako nun na  group of friends na papasok rin sa loob ng 7/eleven, tsaka na ako nagpara ng tricycle pauwi. Pagkarating ko sa bahay, hinanap agad sa akin nung brother ko yung spicy noodles pero sinabi ko sa kanya na hindi na ako nakabili. Kwinento ko agad yung nangyari sa 7/eleven sa brother ko habang nilalantakan namin yung mga chichirya at kahit sya mga kasindak ay kinilabotan din.

Salamat po mga kasindak sa pagbabasa. Sorry kung hindi siya masyadong nakakatakot😊. Hanggang sa susunod ulit! Magsha-share pa ako ng ilan ko pang nakakatakot na karanasan dati.

Tin
Palawan

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now