WHEN THE NIGHT FALLS

0 0 0
                                    


Karanasan ko po ito patungkol sa maliit na apartment na inuupahan namin ngayon ng bestfriend ko.

It was my biggest regret so far.

Una kaming napadpad doon nang ma-meet namin itong si Miko. Nakilala lang sya ni Joy, bestfriend ko sa facebook, nagtratrabaho kasi ito sa call center at mataas ang sahod na kinikita, at dahil ganoong klasing trabaho ang hinahanap ni Joy nakilala nya ito at naging kaibigan.

At first tiwalang tiwala kami sakanya na hindi nya kami lolokohin na maganda at maayos ang lugar na tutuluyan namin.

Hindi nya naman kami binigo doon kasi maganda ang tinuluyan namin at maganda ang takbo ng trabaho ni Joy bilang call center. While ako nagpaparttime job lang, may kapamilya din kasi ako dito na may magandang negosyo na restaurant kaya doon ako nagtrabaho habang nag aaral sa college online class.

Nagsimula ang lahat noong umalis si Miko sa apartment.

Doon din kasi sya naninirahan pero nasa third floor yung apartment nya, habang kami nasa 4th floor room 33 na syang ikalawang pinakamataas sa apartment.

Gabi noon nang makasalubong ko si Joy sa elevator, may dala na itong tumbler at bag na halatang papasok palang sa trabaho. Nightshift kasi sya. Habang ako papauwi na.

Minsan nalang kami nagkikita nito kahit na magkasama kami sa iisang apartment, iba kasi schedule namin sa trabaho.

Lumabas lang sya sa elevator at nagkwentuhan kami saglit, nasabi rin nyang umalis na daw si Miko na walang pasabi. Pero bago pa man kami nagpaalam sa isat isa sinabihan nya akong mag iingat kasi may lasing sa itaas pero ang pogi daw.

An landi talaga.

Nang makarating sa itaas may naabotan nga akong nakatayo sa harap ng katabing apartment namin, hindi kita ang mukha kasi nakablack jacket na parang mamamatay tao sa isang pinikula.

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Papasok na sana ako sa apartment nang may marinig akong kaluskos sa kabila pang apartment. Kinilabutan agad ako dahil matagal na rawng walang nakatira doon, at dali daling sinara ang pinto.

Pagkalipas ng ilang oras, natatandaan ko kalahating gabi na iyon. May biglang kumatok sa pinto, binuksan ko lang ng ilang centimetro ang pinto habang nakasabit lang ang chainlock kaya kung may magpilit mang pumasok ay hindi agad makakapasok.

Nakita ko ang isang lalaking tansya ko ay nasa 30s ang idad, nakapantulog ang suot. Bakas ang pag aalala sa mukha nya sabay sabing kong okey lang ba kami.

Sinong kami? Nagtaka agad ako. Ngunit ang sabi lang nya may nagsisigawan at umiiyak daw sa apartment na'to. Seryoso nyang sabi kaya bigla akong kinabahan.

Ako lang kasi mag isa dito habang nanonood ng youtube.

Habang nakatingin lang ako sa lalaki at nakasilip lang dito sa pinto, napansin kong may tao na sa likod nya, iyong lalaking nakajacket na black, may hawak itong kutsilyo.

Nagulat nalang ako bigla at hindi makapaniwala nang __sinunggaban ng saksak sa leeg ang lalaking naka pantulog ang suot.

Nakapanlulumo talagang makita ang kaganapang iyon.

Agad agad kong isinara ang pinto habang pilit pinapakalma ang sarili, nanginginig narin ako sa takot ng gabing iyon.

Ngunit pinilit kong makatawag sa pulis.

Lakas ng pintig ng puso ko nu'n butit may katinuan pa'ko.

Nang makarating ang pulis ay wala itong nakitang katawan o pagpatay. Sinabi rin nila sa'kin na hindi bago sakanilang may biglang tumawag galing sa apartment nato, at ganoon din daw ang sinasabing may sinaksak na lalaki.

At ito ang buong kwento sa likod nun. May magkaibigan din daw na nakatira dito 2 years ago, walang awa silang pinatay ng tatlong lalaki, iyong isang babae raw na isa sa magkakaibigan ay ginahasa bago tuluyang patayin, doon raw ito sa kabilang apartment pinagsawaang gahasain doon sa kung saan nakaharap kanina ang lalaking nakablack. At sa kabilang apartment naman nilagay ang mga katawan nila at sinunog. Iyon namang lalaking nakasuot ng pantulog ay nadamay lang, siya raw ang saksi sa pangyayaring iyon.

Hanggang daw ngayon ay hindi pa nila nahahanap ang isa sa pumaslang sa magkaibigan na nakatakas. Wala daw silang litrato o kung ano, at ang tanging hawak lang nila ay iyong lalaking nakapantulog ang suot na nakahiga parin sa hospital hanggang ngayon. Nacoma raw ito plus truamang natamo sa pangyayari kaya hanggang ngayon hindi parin nagigising.

Subrang panlulumo ang naramdaman ko ng malaman iyon. Ang tinitirhan namin ngayon at dalawang katabi nito ay lugar kung saan may nangyaring kadumaldumal na crimin.

Diba mapapawh*tthepak ka nalang?

At bakit naman kaya nakakapagparamdam dito ang nakahimlay ngayon sa ospital?

Napapaisip nalang ako na baka may gusto syang iparating sa'min. O baka binabalaan nya lang kami na huwag dito tumira.

...

May kasabihan pag hindi mo alam ang buong pangyayari, hindi mo malalaman ang buong kwento.

It was april 2 kinabukasan, nang napagdisisyunan naming hindi umalis sa apartment since nangyari na ang nangyari, natapos na ang tapos. Siguro't nasa isip din namin noon na imposibling bumalik ang lalaking pumatay sa magkaibigan 2years ago sa lugar ng krimin. Tange lang ang gagawa nang ganun. At tsaka binabalak ng mga residente dito na palagayan ng mga cctv since sa ibaba lang meron, sa may elevator at entrance stairs.

At dahil nga mura lang ang apartment ayaw pakawalan ni Joy iyon, nasasayangan din sya kasi maganda talaga ang lugar, kahit ako. Ang problema lang talaga ay iyon ngang nakaraan nito.

Medyo natruama nga ako sa nangyari pero hindi ibig sabihin na hindi ko iyon agad malilimutan.

Sa subrang busy mo talaga para sa future wala kang ibang maiisip kundi dapat kang mabuhay, trabaho at aral ang uunahin. Melodrama ika nga yung genre ng buhay namin.

*Forward (para hindi mairita yung readers sa tagal haha)
Isang linggo ang lumipas pagkatapos mangyari iyon. Pagkauwi ko ng apartment alas 8 ng gabi wala na si joy, ganun parin pagkatapos ng online class nood ng movie tapos kain at tulog.

Nagising nalang ako ng may biglang kumalabog sa pinto, syempre kinabahan ako at natakot, pero nang marinig ko ang boses ni joy ay naglaho lahat ng kaba ko "Ako to!" Sigaw nya.

Habang papalapit sa pinto may biglang tumawag sa'kin si Joy, kaya agad ko itong sinagot. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla nyang sinabing

"Wag na wag mong bubuksan ang pinto" iyon yung bungad nya sa'kin
"May dalawang taong nakaharap sa apartment, hindi pala sila tao, siguro sila 'yong sinabi mo saking dalawang pinatay kasi sunog at lasuglasug ang mga katawan nila. Nandito aki sa may hagdan kitang kita ko sila."patuloy pa nyang sabi. Napaatras pa'ko ng kunti sa pinto, tumakbo nalang ako sa kwarto nang biglang naputol ang kabilang linya/tawag.

Napadasal nalang ako ng mataimtim sa subrang takot nung gabing yun habang nakatalukbong sa kumot. Hindi ko na naisip kung anong nangyari kay Joy kong bakit biglang naputol ang tawag, malaki na'yon kaya na nya sarili nya at subrang kapit na kapit iyon sa diyos, baka nga naging madre sya noon nung hindi ko sya napigilan, syempre samin na'yon haha.

Maya maya nun mga ilang oras dumating na talaga yung totoong Joy, sinabi pa nya sakin na bigla dawng lumabas yung nakatira galing sa isang apartment na katabi nung hagdan kaya sya nagulat at nabitiwan cp nya dahilan kaya naputol ang tawagan namin.

Hanggang dito na muna.

_Jom.

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now