ONE MISSED CALL

0 0 0
                                    


Experience namin ito ng
girlfriend ko. Taong 2015 sya nangyari (September 27). Nang araw na yan nagpaalam muna sa akin si babe na baka kung anong araw na daw siyang makakauwi dahil may kailangan pa silang tapusin sa school. Kay tito (papa nya) na lng sya mapasundo. Sinabi rin nya na mag-usap na lang kami kinabukasan dahil hindi sya sigurado kung makakatawag pa sya sa akin dahil baka kung anong oras pa sila matapos.

Naintindihan ko naman agad sya at hindi na ako tumanggi. Naisip ko na rin ng araw na yun na hindi kami magkakaroon pa ng chance na mag-usap dahil busy sya sa school. Na hindi naman yun big deal para sa akin. Makikita ko pa naman sya kinabukasan.
Kaya nung gabing yun, 9pm pa lang ay nagpahinga na ako.

Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng pahinga ko. Meron kasi akong naramdaman na kumapit sa braso ko ng mahigpit, e ako lang naman yung tao sa kwarto ko. Dahil nga nagising na rin ako that time, naisipan kong imessage si babe kung nakauwi na ba sya ng ligtas. Pagkabukas ko ng aking phone ay 3:14 ng madaling araw na pala. Tapos mayroon akong nakitang nag notif na one missed call. Saktong 3 am tumawag. Nung mabasa ko yung number, si babe pala yung tumawag sa akin.

Hindi ko maiwasang magtaka doon. Usually kasi kapag tatawag si babe sa akin ay sa messenger na, hindi na sya ma-dial. Alam ko rin na hindi sya sanay sa ganun at adik talaga sya sa lahat ng socmeds. Tsaka bakit sya tatawag sa akin e sinabi nya na bukas na lang kami mag-uusap.
Iwinaglit ko na lamang yun. Baka kako wala lang internet si babe kaya doon na lang niya naisipang tawagin ako, tapos baka may gusto lang syang sabihin sakin kaagad kaya sya tumawag. Baka lang.

Binuksan ko na lang yung WiFi ko para mag-internet tutal ay hindi na ako nun tinatablan pa ng antok. Pagkabukas ko, may nagpop-up na notification mula sa messenger. May nagmessage sa akin, si babe.

'***** Sent you a photo'

Kaagad kong chineck yung chat nya. Nakita ko na nagsend sya ng picture saktong 3am din ng madaling araw (kasabay nung pagtawag nya sa akin). Napakunot yung noo ko sa nakita kong pic na sinend nya. Pure dark lang yung nakikita ko, parang nasa isang madilim lang yun na lugar. Nilakasan ko yung brightness ng phone ko para makita talaga yung pic. Ang tanging nakita ko lang ay mga upuan. Tapos the rest madilim na talaga.

Medyo nabahala na ako sa nangyayari. Bakit naman si babe magsesend sa akin ng picture na ganito? Bakit saktong 3am pa sya nagchat sa messenger? Kasabay pa nung  pag-call nya sa akin. Edi ang ibig sabihin, may internet pala sya dahil nagchat sya sa akin sa messenger, nakapagsend pa ng picture na hindi ko maintindihan. E bakit pa sya tumawag sa call thru phone call kung pwede naman tumawag sya sa akin thru messenger tutal nakapag-online din pala sya ng alas tres ng madaling araw.
Naguguluhan na ako sa nangyayari.

Kaya nung bandang 7am nun. Kaagad akong umalis papunta sa bahay ng girlfriend ko. Pagkarating ko doon, naabotan ko siyang nag-aayos na. Papasok na pala sya. Syempre nagkaroon agad kami ng pag-uusap. Kamustahan ganun hanggang sa naipasol ko na yung topic na gusto kong pag-usapan namin. Yung nangyari kaninang 3am. So kwinento ko lahat sa kanya yung nangyari, yung pagtawag at pagsend nya sa akin ng picture ng alas tres ng madaling araw. Naitanong ko pa sa kanya kung bakit nya ginawa yun?

Siya naman, napatigil sandali sa pagsuot ng kanyang sapatos dahil sa mga nasabi ko.
Napa "huh?" sya tapos nagtataka. Ipapakita ko pa nga sa kanya sana yung missed call at yung pic na sinend nya kaso naiwan ko pala yung phone ko sa bahay.

"Babe. Naiwan ko yung phone ko sa loob ng classroom namin. Nakalimutan kong dalhin dahil ang daming ginawa namin kagabi. Tingnan mo oh wala akong hawak na phone. Kaya impossible yang mga sinasabi mo sa akin na tumawag ako sayo at nag chat pa" sagot sa akin ni babe.

Napakamot na lang ako ng ulo sa sinabi nya. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko nun. Kung matatakot ba ako or tatawanan na lang yung sinabi ni babe. Wala talaga sa kanya yung phone nya. Naiwan nya talaga sa room nila. Kung naiwan nya pala yun sa school nila, sinong tatawag sa akin at magchachat?

Bigla akong kinilabutan ng maalala ko yung pic na minessage sa akin ni babe. Madilim syang lugar na may mga upuan akong napansin. E sa classroom ni babe, may mga upuan talaga dun. Kahit si babe ay hindi rin maiwasang matakot.

Hindi ko na alam ang gagawin ko nun. Basta nung pagpasok  ni babe sa school nila ay sumama ako. Sinabihan niya rin naman akong sumama sa school nila para maniwala talaga akong naiwan nya sa phone nya sa room. Pagkarating namin doon, naabotan namin yung iba nyang kaklase na nandoon na. Hinanap nya kaagad yung phone nya kung saan nya lugar naiwan. Hanggang sa nakita ko yung phone nya na nasa isang desk malapit sa whiteboard.

Tinanong pa nya ako kung saan ko daw nakuha yung phone nya, tinuro ko naman yung desk. Sinabi nya sa akin na hindi nya raw doon nailapag yung phone nya.
Binigay ko agad kay babe yung phone nya at mabilis niya namang binuksan yun. Chineck niya kung talagang may tumawag sa akin sa phone nya, nanlaki yung mata nya na meron nga talaga at 3am sya tumawag sa akin. Sinabi ko naman icheck nya yung chat nya sa akin sa messenger para makita nya yung pic. Pagkabukas nya ng data nya (may internet yung data nya) at pagcheck nya sa messnger.

'You sent a photo'. Chat nya sa akin.

Pagtap nya, bumungad sa amin yung picture na sinend nya. Napasigaw kami sa matinding gulat at takot nang bumungad sa amin yung picture.
'May mukha na ng batang nakangiti sa may left side ng picture'. Hindi ganun yung nakita kong nagsend sa akin. Madilim talagang lugar yung nakikita ko tapos may napapansin lang akong upuan, pero doon sa nakita namin ni babe. May mukha ng bata kaming nakita na nakangiti sya hanggang tenga tapos kinunan yung picture sa loob ng class room nila.

Kaagad kong pina-unsent yung picture na yun kay babe na mabilis nya namang ginawa. Yung iba nyang kaklase na kasama namin doon ay sunod sunod na nagtatanong sa amin kung anong nangyari. Nagkatinginan lang kaming dalawa ni babe na puno ng takot at sindak yung mukha namin at hindi namin sila kayang masagot.

After nun, umuwi na muna ako sa bahay nung nagstart na yung class nila babe. Ayaw pa nga sana nyang pumasok at iwanan ko sya sa room nila kaso sinabi ko na may mga kasama naman sya na doon na kaklase nya kaya dapat hindi sya matakot. Sinabihan ko na lang yung iba nyang mga kaibigan dun na tumabi na lang sila kay babe para mabawasan yung takot nito.

Isa po yan sa mga hinding hindi naming makakalimutang horror experience na nangyari sa tanang buhay namin. Pala-isipan parin sa amin yung bata sa picture. At sa tuwing naaalala ko yung mukha nung bata na yun, kinikilabutan ako ng sobra.

Clint

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now