KALUSKOS SA KISAME

1 0 0
                                    


Let me share my scary experience with you all everyone.

Hi everyone I'm Kei I'm 16 years old obviously it's not my real name for privacy purposes.

This story happened in 2011 if I'm not mistaken at Pandacan Manila and I was 5 years old at that time and buntis nun si mama sa kapatid kong babae.

This time kase I think kakalipat lang namin sa bahay ng lola ko which is tita ni papa nangungupahan lang kami sa mga panahong ito kase hindi pa namin kayang bumili ng bahay or kumbaga mag down payment sa liit ng sahod ni papa second floor house sya and medyo may kalumaan na din pero di naman ganon kahalata sa personal at sa tapat ng bahay na yun ilang kilometro lang matatagpuan mo na ang riles ng tren yess tapat kami ng riles and yung place dun is parang squatter pero di naman ganon kadumi or kagulo maayos at masaya naman yung pamumuhay namin dun.

At first sobrang saya at excited ko kase second floor yung bahay na lilipatan namin and nanggaling kase kami sa maliit na bahay walang sala at kusina parang unting lakad mo lang nasa cr ka na. Kasama namin sa bahay ng lola ko yung dalawa kong tito yung isa kapatid ni papa at yung isa naman pinsan niya pinapaupahan ni lola yung dalawang kwarto sa itaas which is sa second floor para narin siguro may kasama siya at may source siya ng pera para sa mga gastusin sa bahay yung isang kwarto katapat lang ng terrace at yung isa namang kwarto which is yung inupahan namin may malaking bintana.

Malaki laki narin ang tyan non ni mama at minsan nahihirapan na den syang gumalaw kaya pala lagi syang badtrip saken malapit ng lumabas yung kapatid ko noong time na yun kase sobrang likot na niya minsan nasasaktan na si mama.

Gabi na nun patulog na kami ni mama kaming dalawa lang nun sa kwarto and hindi makakauwi si papa kase may pinuntahan siya hindi rin sinara ni mama yung pinto para hindi na siya mahirapang bumaba kung maiihi man siya maaga kami natulog siguro mga 7:00 or 8:00 pm nakahiga na kami.

Fast forward alas onse na ng gabi ng bigla akong naalimpungatan sa ingay na naririnig ko parang may kumakaluskos nung una hindi ko pinansin kase baka pusa lang na nakikipag away pero hindi talaga sa ilang beses na sinubukan kong matulog mas lalo lang akong nagigising kaya nag desisyon na akong tumayo nakita ko si mama na nakahiga parin at sinusubukang matulog dahil sa pagod " Ma ano po yung kumakaluskos sa kisame? " tanong ko kay mama " Pusa lang yan huwag mong pansinin. " sagot ni tito habang hinahampas ng walis tambo ang kisame namin para patigilin ang ingay.

Off course na curious rin ako kung pusa ba talaga yun pero the more na na i imagine ko yung tunog parang hindi talaga pusa kinakalmot niya talaga yung kisame namin na parang galit na galit at gutom na gutom buti na lang gawa sa kahoy na malapad yung kisame namin sinubukan kong tumulong  para mapa alis yung gumagawa ng ingay sumigaw, nag ingay, pinalo ko na den ung kisame habang naka patong sa upuan ngunit nagpatuloy parin ito sa pagkalmot hindi ko alam kung matatakot ba ako or maiinis pero ang tanging naaalala ko na lang ay gusto kong protektahan ang kapatid ko nagdasal na rin ako sa Diyos para sa proteksyon at gabay nya sa amin. Antok na antok na rin ako nun pero ginigising ko talaga yung sarili ko para bantayan si mama pero sabi ni tito matulog na daw ako masama daw magpuyat siya na lang daw ang magbabantay kay mama kaya ayun sumunod na lang ako pinatulog niya ako sa kwarto niya at nakatulog naman ako agad agad.

Kinabukasan ay nagkwentuhan sila tungkol sa nangyari napag isip isip den nila kung saan dumaan yung aswang na nag ingay sa kisame namin sabi nila baka dumaan daw sa alulod kase malaki yun pwede syang magkasya dun o di kaya naman ay gumawa sya ng paraan para makalusot dalawang gabi den siyang nag ingay sa kisame ng kwarto namin imbes na matakot ay nagtiwala na lang ako sa Diyos na walang mangyayaring masama samin pagkatapos nito ay tumigil na din ang ingay hanggang sa nanganak na si mama kaya naging alaala na lang para sa amin ang kaluskos sa kisame.

<8

Kei

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now