SALAMIN SA PANAGINIP

0 0 0
                                    


Fresh pa to nangyari sa akin, Hindi ko lang alam kung matatakot kayo sa kwento ko pero base sa na experience ko, nakaka kilabot talaga.
I have this attitude na ayaw mawalan ng communication sa pamilya at malalapit na kaibigan o kakilala kaya lagi akong nangangamusta through text, chat or calls. Wala akong palya before, from time to time lagi akong nag tetext pero nung nagka lockdown hindi ko na nagawa.

Last night nanaginip ako, hindi ko na maalala ang buong detalye pero may scene talaga na hindi maalis-alis sa isip ko. Sa panaginip ko, nakaharap ako sa isang salamin. Hindi ko alam kung bakit pero para akong may pinapanood kahit yung salamin parang mahamog. (Alam nyu yung salamin pag binubugahan mo ng hininga mo, yung parang blurred ganon, basta imaginin nyo na lang.) So ayun nga, nakatayo lang ako sa harap nun, hindi ako makagalaw. Parang may hinihintay akong mangyari. Tapos maya-maya, biglang may nakita akong isang babae dun sa salamin. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Katamtaman ang tangkad niya, maputi, shoulder length ang buhok. Naririnig ko ang mahinang pag hikbi niya, katakot takot na hikbi. Waring naghihinagpis ang damdamin. Di nagtagal, tumuntong siya sa isang bangko na ngayon ko lang din napansin. Kinabahan na ako dahil nawawari ko na ang kanyang balak na gawin. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko maibuka ang aking mga labi. Gusto ko siyang puntahan subalit wari ko ay napako na ang aking paa sa kinatatayuan. Wala akong magawa kundi ang manatiling nakaharap sa salamin habang pinagmamasdan siyang unti unting pinapasok ang lubid sa kanyang ulo patungo sa leeg. At halos mawalan ako ng ulirat ng sipain niya ang bangko at mangisay. Iyak ako ng iyak, takot na takot. Alam nyo yung feeling na masaksihan ang isang tao na mawalan ng buhay sa harap mo, wala kang magawa. Hirap na hirap ako, halos ipikit ko ng mariin ang mga mata ko pero nanatili itong nakadilat. Nanlalambot ang mga tuhod ko sa takot, awa at lungkot. Maya maya nga ay mas lalo pa akong nanlambot ng unti-unting umikot at napaharap ang taong iyon at nasilayan ko ang mukha ng bangkay. Ang aking matalik na kaibigan. Napa sigaw na ako ng malakas. Tapos nun nagising na ako.

Pagkagising ko, chinat ko siya agad. Kahit malalim na ang gabi hindi na ako nagdalawang isip. Hindi siya online pero agad ko din nawari na naka off lang pala ang active status niya dahil nakita kong nag view siya sa message ko. Hindi na ako nagpaligoy ligoy, tinanong ko na agad kung anong problema o may problema ba siya na napakalaki. Pagkatapos nun ay tumawag siya. Umiiyak. Ang iyak na yun ang narinig ko sa panaginip ko. Nag kwento siya na sobra na pala ang dinadala niyang problema at depress na daw talaga siya. Nung tinanong niya ako paano ko nalaman, doon ko isinalaysay ang naging panaginip ko. Nakumpirma ko na muntikan na daw talaga siyang magpatiwakal kung hindi daw ako nag chat sa kanya.
Yung kaibigan ko na yun, masiyahin yun at hindi mo makikitaan ng bakas ng kalungkutan. Yun pala, napakabigat pala ng pinapasan niyang problema na hindi man lang namin napansin.

Sana po, magsilbing aral sa inyo ito. Maglaan po sana tayo ng kaunting oras para kausapin at kamustahin ang mga taong nasa paligid natin dahil hindi natin alam na may pinapasan pala silang bigat sa dibdib. Ang mga taong depress, hindi sila mag oopen up sa atin, isasarili lang nila iyon dahil iniisip nila na baka maging pabigat lang sila. Pero hinihintay din nila na mapansin nating may mali sa kanila.

- Duday

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Место, где живут истории. Откройте их для себя