CREEPYPASTA 666

0 0 0
                                    


So yung story ko ay about samin ng bestfriend ko when she tried to search this video.

Years ago (I can't remember exactly when) magisa ako sa bahay. Syempre akong si matatakutin nagtawag ng kaibigan na makakasama sa bahay hanggang sa dumating ang parents ko. So ayun na nga, dumating si ana, nanuod kami ng movie and nagkwentuhan. Nakwento nya sakin yung about sa creepy video na creepypasta 666 daw. That time fresh pa yung vid so curious na curious sya don lalo na may kumakalat daw na creepy na story about dun. Sabi nila wag mo daw papanuorin yun ng magisa kasi may namatay na daw dahil dun. So ayun di ko tinry panuorin. Matatakutin nga ako. E kaso makulit ang best friend ko nagpumilit sya panuorin yun. So sabi ko, sige pero maliligo muna ako. Iniwan ko sya sa kwarto pati laptop ko.

Then habang naliligo ako, narinig ko yung aso ko may kinakahulan. Weird. Kasi di ganun tumahol ang aso ko. Yung tahol nya galit na galit sya at yung ingay ng tahol nya ay nanggagaling sa kwarto ko. So nagmadali ako sa paliligo. Nagtataka na talaga ako kase kilala ng aso ko si ana. So nagbihis ako, lumabas ako ng banyo at dumiretso sa kwarto. Pagdating ko andun yung aso ko nakakagat sa kamay ng best friend ko. Pero yung kagat na hindi nya intention saktan to tinatanggal nya yung kamay ng best friend ko sa laptop. At yung best friend ko. Tulala.

Tulala padin sya nun. Natataranta na ko kaya nasampal ko sya. Bigla syang natauhan. Bigla syang umiyak at niyakap yung aso ko.

Kumuha ako ng tubig at pinainom sa kanya hinintay ko syang kumalma.

Maya maya nagkwento sya. Sinearch nya daw yung vid. Tapos bigla naghang yung laptop tinry nya ayusin at habang ginagawa nya yun the screen turned red. All bloody red. Natakot na sya kasi ganun daw yung sa story na narinig nya about sa vid. Tinry nya bitawan yung laptop pero di nya magawa di makawala yung kamay nya. Then pumasok yung aso ko sa kwarto at nagtatatahol. Akala nya sinapian ng demon yung aso ko. Akala nya lalapain sya. Pero narealize nya nung tignan nya to hindi sya yung tinatahulan nakatingin sa likod nya yung aso ko. Hindi daw sya makalingon natatakot sya kung anong meron dun. Di tumigil yung aso ko sa pagtahol at pagtulong sa kanya tanggalin yung pagkakahawak nya sa laptop pero wala, di nya maalis, alam nyang may tao padin sa likod nya takot na takot na sya. Umiiyak sya nung kinukwento nya yun. Di nya naramdaman ang pagdating ko. Parang naninigas katawan nya sa takot. Nakahinga lang sya ng maayos nung nawala yung presensya ng tao sa likod nya at nabitawan nya yung laptop.

Natatakot nadin ako nung nagkukwento sya pero diko pwede ipakita yun. Kailangan may magcomfort sa kanya.

So ayun sinamahan parin nya ako kahit natatatakot sya. Hinintay namin yung parents ko. Nakatulog si ana nun. Napagod siguro kakaiyak. Ako naman tinabihan ko lang sya sa higaan, trying to fell asleep. Pero di ako makatulog. I faced the wall (katabi kasi nung kama ko yung pader) Dim yung light. Perfect para makatulog. Pero bago ko pa maipikit yung mata ko, I saw a shadow. Nagreflect sa pader. Parang bumangon sya mula sa kama so lumingon ako tinignan ko si ana at fuck tulog sya. Ano yung shadow na nakita ko? I really tried to fell asleep pero pabalik balik yung shadow. Naaaninag ko sya. Fuck fuck fuck fuck!!! Pabalik balik sya. Lumilibot sya sa kwartoooo!

I tried not to scream! Natatakot na talaga ako nun. I stay awake hanggang sa dumating ang parents ko.

Kinabukasan umuwi na si ana. Tinago ko yung laptop. Di ko na ginagamit. Minsan ginagamit ng pamangkin ko pag hinihiram nya. Ako, ayoko, natatakot ako.

Ayaw maniwala ng parents ko sa nangyare. But I begged them na lilipat nalang ako ng room. Pumayag naman sila.

And until now, that shadow is still roaming in that room. I know. Minsan pag nagagawi ako sa kwartong yun ay nakikita ko parin sya.

Blank
Pasay City

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon