MANGALYONG DEWENDE

0 0 0
                                    

Naranasan niyo na bang mawalan ng mga bagay na kung san ay dadalhin mo na o gagamitin ngunit
biglang mawawala sa pinagtaguan mo at biglang lilitaw din pag di mo hinahanap.

Sa unang araw sa inu-upahan namin ay wala namang kakaiba
hanggang minsan ay kung san nagmamadali ka para umalis o gagamitin muna ang bagay na kailangan mo ay tsaka naman ito
mawawala bigla sa pinagtaguan mo.

Nagttrabaho kasi ako bilang kasambahay at uwian kung hapon
minsan kasi ay may pag kaburara talaga ako lalo pag pagod na galing trabaho. Mahilig ako mag- patong ng mga gamit  ko sa taas ng mesa o sa mga lagayan ko lagi.

Day off ko nun araw ng linggo
at tanda ko talaga na nilapag ko ang nail cutter na gagamitin ko para mag maglinis ng kuko.Hanap ako ng hanap kung sang sulok
ng mga lagayan hanggang sa napagod na ako ng kakahanap.

Kung kaya bumili nalang ako ulit ng nail cutter di kasi ako kuntento pag walang nail cutter sa pag lilinis ng kuko pumunta ako sa palengke at bumili pag balik ko nagtaka ako na nakita ko ang nail cutter na nakapatong sa taas ng mga display.

Kaya nainis ako dahil kanina pa ako naghahanap hanggang nakabili na ako ng bagong nail cutter tinago ko nalang ang bagong nabili ko at ang luma ang ginamit ko sa paglilinis .

May pag kakataon pa  na ang inihanda kong damit o gamit para
sa pagpasok ko kinabukasan ay biglang nawawala sa pinag patungan ko dahil dun ay umiinit talaga ang ulo ko lalo nag mamadali na ako at nababalingan ko ng galit ang aking asawa .

Na baka siya ang gumalaw sa pinaglagyan ko pero pag tatanungin ko siya hindi naman daw niya ginagalaw kung kaya mag hahanap nalang ako ulit ng susuotin ko dahil nag mamadali na din ako dapat kasi mga 7 oclock ay sa trabaho na ako.

At may pangayayari pa na minsan  ang nga singsing o  jewelery na
mga mumurahin lang naman ay
biglang nawawala sa lagayan ko
kung san na hinahanap ko na ay biglang mawawala at ilang araw din ay biglang nalang lilitaw sa lagayan ko kung kaya napapakamot ulo nalang ako.

Minsan pa nga ang nga suklay ko at tali sa buhok kung kaya minsan
sinusuklay ko nalang ng kamay ang buhok ko dahil sa nag mamadali na ako inis man ako
pero wala ako magawa dahil di ko naman alam kung sino ang nagtago ng mga bagay na yun.

May pag kakataon pa ngang
nag sasalita ako mag isa minsan dahil sa galit ko sinasabi kong baka may multo ang bahay namin kung bakit kame lang naman ng asawa ko ang nakatira .Pero laging nawawala ang mga gamit namin at bigla ring lilitaw sa lagayan namin.

Hanggang naalala ko nga ang mga kwento ng lolo ko sa amin na may sadya talagang ganun na  nangyayari sa bahay biglang nawawala at lilitaw rin ito pagdating ng ilang araw.

Dahil cguro sa mga nilalang na tinatawag na mangalyong duwende sila daw kasi ay tagabantay din sa mga tahanan sila yung uri ng duwende na mahilig magtago ng mga gamit sa bahay at ibabalik din kalaunan sang ayon sa kwento ng aking  lolo ko .

At mahilig din sila manguha ng mga bagay na makinang sa mga paningin nila kaya nasabi ng lolo na mangalyo yun dahil sa may especial na taglay si lolo na makakita sa mga nilalang na ito na  di natin nakikita at sana ay magustuhan niyo ang aking kwentuhan .

Salamat

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now