GHOST STUDENTS

0 0 0
                                    


Ako yung tipo ng taong hindi matatakutin, yung tipong walang pakialam sa kung ano ang kahulugan ng salitang kababalaghan. Ngunit nabago ang pananaw ko ng ako mismo ang makasaksi sa nangyari sa aking kaklaseng si Ian. Noong nakalipas na taon lang nangyari, nasa lungsod kami ng Naga para ipagamot siya sa Albularyong nagngangalang "Tiyo Del". Pagkarating namin sa bahay ng albularyo ay wala siya dun sa kanila. Nasa ocampo daw sa taas ng bundok at nanggagamot, kinabukasan pa ng hapon ang uwi. Dahil sa kapos ang pamasahe at malayo ang lugar namin sa Naga, ay napagdesisyunan nalang namin na manatili dun at hintayin ang manggagamot hanggang kinabukasan. Mabait ang asawa at mga anak ng manggagamot kaya pinayagan kaming maki tulog sa kanila. Kahit sa may upuan sa labas kami ng bahay matulog, Kasi ang sabi namin sa asawa ng manggagamot baka sa Bus na sasakyan namin ay umatake nanaman ang sapi ng kaibigan ko, pagnagkataon pababain kami ng driver na wala sa oras at alanganin. at pagabi na kaya mukhang delekado kaming bumiyahe pa. Sabi ng asawa ng manggagamot ay ligtas naman daw kami sa loob ng bakuran nila dahil may orasyon daw iyon. (bigkas ng asawa). pakatapos naming kumain ay saglit kaming bumili ng sigarilyo at umupo sa upuang gawa sa kawayan sa gilid ng kalsada. ng bigla na lang nagkumos ng kamay si Ian at nanlisik ang mata. syempre alam ko na ang kasunod. tinanong ko siya, "sino ka?" kasi alam kong hindi si Ian ang katabi ko.. sambit ni Ian,"nasan ang bag ko, manunuklay ako". undercut ang buhok ni Ian na malago at medyo kulot sa taas. inabot ko ang suklay nya, "ito na ang suklay mo", nanuklay na at para bang inayos nya ang kwentas nya at nag astang may hikaw siya. sambit pa nya, "salamat". sinindak ko si Ian gamit ang malakas na pagtapak ng paa ko sa lupa.

at biglang bumalik sa katinuan si Ian na parang nanghina at medyo nauutal magsalita. unti unti na din namula ang labi nya.. alam ko sa sarili kong siya na yun. tinanong ko siya, "san ka pumunta?" sabi niya "sa dulong eskenita na walang ilaw, sinasama nila ako, pero di ako sumama". dagdag kong tanong, "sinong sila?", sambit nya, "mga estudyanteng babae, dumaan sila. mga naka uniporme na may logo na bilog ang uniporme na may mga dugo, at yung buhok nila parang umaalon alon na sobrang gusot. nakisuklay yung isa. mga 15 sila, puro babae" ako, "ahh.. san daw sila pupunta?" sabi ni Ian, "sa may malawak na palaruan, na may nag iisang ilaw na bukas, parang oval". kaya hinatak ko na siya papasok ng compound ng manggagamot at tinanong ko ang asawa ng manggagamot kong anong eskwelahan ang may bilog na logo, at kung saan may malaking oval.. pero ang pumasok sa isip ko kong hindi sa lumang catholic school sa lugar na yun dun sa may kabisera ng bikol, kung saan ang capitol. ayuko manakot, gawa lang yun ng isip ko yung mga lugar na naisip ko kasi yun ang malapit eh. natulog nalang kami bukod sa pangyayaring yun ay marami pang kaganapan ang nangyari.. masyado nang mahaba. haha sorry po. ipost ko nalang ulit yung mga ngyari pa.

Garnetian
Iriga City

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now