KULAY APOY NA BUWAN

3 0 0
                                    

Please! humihingi po ako ng konting oras para basahin niyo to. Alam ko pong nakakatamad mag basa ng mahaba pero please kahit sandali lang.🙏

Hello everyone , I just wanted to share this hindi para mag demand na magpasikat. Nabobother kasi ko Last night kasi nagtry ako maglucid dreming alam niyo naman na siguro kung ano ang ibig sabihin ng LD and naging worth it naman siya kaso lang bigla akong nagising dahil sa vibration ng kamay ko dahil yung mismong scene sa dream ko is may nakita akong isang lagusan, pinto siya na nakalutang sa ere at ito'y aking  nilapitan at pinasok, pag nag lulucid dreaming ka kasi lahat pwede mong gawin. Lumipad, tumalon ng mataas, at wala kang kamatayan don kahit barilin ka ng ilang beses hindi ka tatablan then yun na nga kaya nagawa kong lapitan ang pinto dahilan na din na kaya kong lumipad but after that na napasok ko ang pinto, pag labas ko dito ay nasagasaan naman ako at ang pinaka napuruhan ay yung kamay ko, nasagasaan siya ng gulong kaya nagvibrate yung kamay ko at don ay tuluyan na akong nagising. Mga 5mins sinubukan ko ulit mag LD kaso ang problema iba na ang napanaginipan ko and I think hindi na siya LD kayo nalang ang bahalang humusga kung magandang pangitain ba 'to or masama.

Dahil sa mga nangyayari sa mundo natin ngayon na mas lalo pang lumalawak yung virus (covid-19). Maraming namamatay, nagugutom, nahihirapan at Nawawalan ng pag-asa. Kaya eto na nga, Nung tinry kong mag LD hindi na siya nagwork at ibang panaginip na. I remember the old woman na kinakausap ako while were facing at the calendar then she pointed her finger to the calendar at ang nakita ko is yung "December" she was tell me something seriously na hindi ko matandaan. Then naalala ko lang sa date is may "8" I dont know kung 18,28 or 8. Hindi ko na nakita kung anong year. Basta naguusap kami at ineexplain niya yung possible na mangyayari sa date na yon. After that, naglakad ako kasama yung "girl" hindi ko siya kilala basta ang alam ko lagi ko siyang kasama.(I hope makilala ko siya sa susunod na LD) Gabi na non at habang naglalakad kami may nakita kaming mga tao na naka "PPE" o sa ibig sabihin Personal Protective Equipment. Naisip ko din na sila ay mga "FRONTLINERS" Habang papalabas sila sa Hospital nakita namin na masasaya sila as in nagkakagulo sila sa sobrang saya habang tinatanggal ang mga suot nilang proteksyon. Nacurious din ako kaya tinanong ko ang isa sa kanila and he says na yung mga patients nila na may Covid-19 ay gumaling na, I just being shocked and confuse kasi sabi pa nito sakin hinihintayin nalang nila na lumabas ang Malaking buwan na malaapoy ang kulay at sobrang kaakit akit sa paningin ng maraming tao, Maraming maeenganyo na kuhanan ito dahil sa kulay at laki na parang may pinapahiwatig sa mundo. Tumaas ang mga balahibo ko sa narining ko at syempre medyo napaisip ako nun. Tatanungin ko dapat kung bakit nila hinihintay yung Buwan na yon pero bigla na siyang tinawag ng mga kasamahan niyang doctor at sabay sabi nito sakin habang umaalis ay "Mamaya hintayin niyo ang malaking buwan na iyon at kuhanan niyo ng litrato". Kahit may halong kaba at pag-aalinlangan sinunod nalang namin yung sinabi niya sa kadahilanan na gusto din namin malaman kung ano ba talaga ang ibig sabihin nun? Hindi kami umalis sa lugar na yon hanggat naabutan na namin ang pag litaw ng buwan. Kita sa mga mukha ng mga "FRONTLINERS" na sobrang saya nila hindi pa ganun kabuo na nakalitaw ang buwan pero sabik na silang makuhanan ng litrato ang buwan na malaapoy ang kulay sa sobrang tingkad at laki. Habang kami naman ng kasamahan kong babae ay umakyat ng bubong upang makita ang buwan at makuhanan din ng litrato. Halos lahat sila ay nagaagawan ng pwesto para masilayan lang ang buwan na iyon, bago pamandin lumabas ang buwan ay nagtatalon na sila sa tuwa at ang kasamahan kong babae ay naglaho ng kusa. Hindi ko na natanong kung bakit nila ito inaabangan at bakit itoy importante para sa kanila na masilayan. Dama ko ang panghihinayang dahil naputol ang panaginip ko dahil sa ingay ng mga manok at aso, sobrang haba nadin ng panaginip ko kaya siguro naputol na ito.

April 08, 2020 Wednesday
5:50 PM

Habang naguurong ako ng pinggan my father called me and he tell me na tingnan ko daw yung "Araw" salungat sa panaginip ko which is ang "Buwan" sobrang ganda daw at matingkad ang kulay na parang apoy. Then biglang nag sink in sa isip ko yung dream ko about sa "Buwan" so nilapitan ko ang papa ko at sabi niya tingnan ko daw sa salamin kasi may reflection naman siya don. Makikita mo siya sa mismong salamin yung araw then I fully shocked sa nakita ko dahil ito yung nasa panaginip ko, itong ito talaga. Ito yung inaabangan ng mga "Frontliners" ang pag litaw ng buwan. Dali- dali kong kinwento ito sa mama at papa ko but they not pay me their attention. My mother laugh and hinayaan ko nalang at inisip ko ulit yun. Bumalik ako sa ginagawa ko and napa wow and a little bit of nervous nagkatotoo yung panaginip ko, bumilis din ang kabog ng puso ko. Tapos biglang sinabi ng papa ko na kuhanan ko daw ito ng Picture na mas lalo pang nagpabilis ng tibok ng puso ko dahil ito din ang utos ng isang frontliner sa amin, ang kuhanan ng litrato ang "Buwan". Then hindi ko nalang sinunod ang papa ko at hindi ko na ito kinuhanan at tinapos ko nalang mag urong ng mga pinggan. Hindi talaga ko makapaniwala na sa isang panaginip ko ay magiging totoo. Habang inaalala ko ang lahat sa panaginip ko my mother told me na masamang pangitain ito but for me hindi siya masama dahil ang nasaisip ko nun ay Magiging okay na ang lahat, mapupuksa na ang virus sa mundo at I think Ito na ang sagot sa tanong ko kung "bakit nila inaabangan ang paglitaw ng malaking buwan na may malaapoy na kulay?" kaya lamang nila hinihintay at kung bakit sabik sila sa pagsilip ng buwan ay dahil yun ang sign na malapit ng mawala sa mundo ang virus.

April 09, 2020 Thursday

Umaga, pag gising ko sabi ng mama ko nabalita sa tv yung "Araw" na malaki na may malaapoy na kulay. Ang sabi pa nito sakin yun daw ang sign na malapit ng mawala ang Covid-19 at tayo'y makakapamuhay na ng mapayapa, ito ang sambit ng mama ko sa napanood niya. Hindi na ko nag taka bagamat akoy lumigaya dahil sa isang panaginip ko na tila ba'y isang pahiwatig. Kung mapapansin niyo sa kwento ko ito'y kabaliktaran ng panaginip ko. Ang buwan na may malaapoy na kulay sa gabi salungat nito ay malaking araw na malaapoy ang kulay sa hapon. Sabi nga ng matatanda kapag nanaginip ka ng masasama itoy kabaliktaran ng kabutihan. Parang sa buwan at araw. Buwan, kung saan tayo ay nagdurusa at nahihirapan, maraming nawawala sa mundo, nagugutom, at pinanghihinaan ng loob.
Araw, na kung saan magiging maayos na ang mundo at tayo ay magiging malaya na. 🙂 at dun na nagtatapos ang kwento ko I hope na nagustuhan niyo ang kwento ko, hindi man ako ganon katalinhaga magkwento atleast naging ok na ko dahil nashare ko sa inyo ito.😊

Ano't anupaman ang pagsubok na ating haharapin wag tayong susuko. Kapit-kapit at magtulong-tulong para walang mapagiiwanan. Sa sitwasyon natin ngayon tayo ay naging matatag, at nagkaroon ng puwang sa mga bagay-bagay. Na kung saan naipapakita natin ngayon ang pagmamahalan,pagtutulungan at pagpapakumbaba 💓

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now