LOOP

0 0 0
                                    


Ang papa ko dating truck driver sa saudi. Nung makapagtapos ang dalawang ate ko ng college at makapagtrabaho na sinabihan nila syang umuwi na. Humirit si tatay ng isa pang kontrata. Yun pala may balak na sya pagka hindi na sya babalik ng saudi. Sa loob ng tatlong taon nag ipon sya para makapag pundar ng isang tricycle na pinapasada nya sa pinsan ko at isang suv. Naging grab driver si papa. Sya kasi yung klase ng tao na ayaw ng walang ginagawa. Hatid nya rin ako lagi sa school. Pag uwian ko na rin andyan na sya. Hindi naman ako pala galang tao kaya school-bahay lang ako.

Mas gusto kong nakahiga ako nagifb. On this particular day maaga uwian ko kasi yung teacher last  subj wala. Siguro naghintay ako kay tatay ng kalahating oras kasi may pasahero sya nung tinext ko sya. Mauuna na dapat ako kaya lang sabi nya hindi at magsasamgyup kami nila nanay dadaanan daw namin si nanay sa bahay. Doon ako tumambay sa labas ng lib kasi may free wifi. Tas nagtext na si tatay. Labas na kong school. Pagsakay ko alis na kami  tas may tumawag kay tatay tamang tama kasi red yung ilaw. Sinagot nya.
"Naku ma'am pasensya na po kasama ko na kasi bunso ko sa iba na lang ma'am" patingin tingin sya sakin tapos nung magkatinginan kami nag excuse sya sa kausap nya. "Inaarkila ako nung estudyante sa uste anak sa bulacan daw"

"Baba na lang po ako sa sabado na lang po tayo mag samgyup" ready na kong bumaba tapos hinawakan ako ni tatay sa braso

"Sama ko na lang sya ma'am. Sige po sigurado ma'am ha dun lang ma'am" binaba nya cp nya tumingin sakin. "May naholdap na naman sa bababaan mo anak katirikan ng araw kaya ayoko. Maaga pa naman kaya makaka samgyup pa tayo pagkabalik. Para sabay na rin sa hapunan"

So mula sa school ko, nagpunta kaming ust. Babae. Ang ganda. Nainggit ako sa poreless na mukha. Sa likod sya umupo. Nakashades sya tapos para syang nilalamig. Tinulungan namin sya ni tatay sa mga dala nya. Kami lang talaga ni tatay lumabas ng sasakyan sa pakiusap nya. Palabas na kami ng cubao nung bigla syang umiyak. Nung tinigil ni tatay yung sasakyan kasi nagulat talaga kami bigla na lang syang umiyak sabi nya wag gusto na nyang makauwi. Kaso iyak talaga sya ng iyak. Kapapasok pa lang naming bulacan nung may maraanan kaming sari sari store. Tinabi don ni tatay kahit nakikiusap na si ate girl na magdrive lang sya. Si tatay bumaba bumili syang tubig at biscuit. Ako naman sa rearview mirror tinitignan yung babae. Tanggal na shades nya iyak talaga sya mugto na mata nya pulang pula na mukha. Tas napatingin ako sa likod. Parag may silhouette ng tao sa pinakalikod. Kaya lang paglingon ko wala. Natakot ako pero konti pa lang. Pagsakay ni tatay inabot nya sakin isang bote at biscuit tas ganun din kay ate.
"Sige na iiyak mo na dito" si tatay habang sinasabi yun sa rearview lang din sya nakatingin. Bigla syang napalingon sa likod. Tingin ulit sa rearview. Tingin sa labas. Bago sya magdrive ulit pumikit sya nagdasal. Natatakot man tumingin ako sa rearview. Andon na naman ung silhouette. Di na ko tumingin sa likod. Inabala ko sarili ko sa cp ko basa basa ng kwento ni cecelib para mawaglit takot ko. Tas may nag udyok sakin na tumingin sa bintana. Yung sari-sari store ulit na pinagbilhan ni tatay. Tingin ako kay tatay. Di nya ko tinignan pero hinawakan nya ko sa kamay. Mahigpit. Tuloy lang sya sa pagdadrive. Ikatlong pagdaan na namin sa sari-sari store yung cp ni tatay dun ko napansin naka off na. Ikaapat ng balik namin. Inopen ko data ko. Wala. Kahit E man lang wala. Ika lima, ika anim. Ika pito tumigil si tatay sa tapat ulit ng sari sari store. Si ate girl oblivious pa rin sa kung anong nangyayari. Nag aalala ako kay tatay kaya bumaba rin ako. Tinawag ko sya.

' bumalik ka sa sasakyan ciara! ' sigaw nya. Sa takot ko balik ako sa loob. Sumunod din agad si tatay. Drive sya ulit. Nakisabay na ko sa pag iyak ni ate girl nung ikawalong pagdaan namin sa sari sari store. Si tatay bumaba ulit. Dala nya yung extra nyang damit. Sinabit nya dun sa harap ng tindahan. Silip ako sa bintana. Yung kalsada sa harap namin, yung sari sari store lang ang may ilaw. Streetlights as in wala. Pagsakay ni tatay drive ulit. Sampong beses na. Talagang paikot ikot lang kami kasi andun sa may pinagsabitan ni tatay yung damit nya. Sabay kaming tumingin sa rearview. Andun na sa tabi nung babae yung silhouette.
'ma'am anong gagawin mo sa paghahatiran namin sayo?' tanong ni tatay. Natigil yung babae.

'po?'

'sampong beses na tayong nagpabalikbalik sa tindahang ito ma'am' drive ulit si tatay. This time ung babae nakatingin na sa bintana. 11th time andun na naman kami sa sari sari store. Andon pa rin damit ni tatay. Iyak sya. Yung silhouette pagtingin ko sa rearview hinahaplos si ate girl sa buhok.

'anak bakit anong problema? sa buong panahong pagiging grab driver ko madalas na kitang maisakay. Lagi nyo na kong inaarkilang magkakaibigan. hindi ka naman dating ganyan. bakit anak?' habang sinasabi un ni tatay nakalingon sya kay ate girl. Tas lingon sya bigla sa rearview. Humawak ako sa kamay nya eh. Ung silhouette kasi hinahaplos ung tyan ni ate girl. As in silhouette lang sya hugis tao pero kahit may ilaw di makita physical features nya.
'dito ka sa gitna namin ng anak ko anak halika dito' sunod naman sya. Dun na sya nagsalita.

'sabi nya po hiwalay sila ng asawa nya pero nung sinabi kong buntis ako sinabi nya hindi pwede ipalaglag ko raw po' nagmura si tatay tapos niyakap sya. Nakakarelate kami ni tatay kasi ung pinakapanganay kong ate naanakan din ng may asawa. Sundalo. Di nya sinabing may asawa sya kay ate.

'ipapalaglag mo?' tanong ni tatay tango lang sya ng tango ako naman hinahaplos sya sa likod. Naalala ko ate ko pero atleast si ate ko okay na ngayon. Cute cute nga ng pamangkin ko eh. 'dahil sinabi nya? Bakit hindi mo ba mahal anak mo?'

'parents ko po magagalit patitigilin po ko baka palayasin ako'

'alam mo na ganito din anak ko panganay ko pa. Niloko din sya. Kami ng asawa ko nagalit din sino bang magulang ang matutuwa na mabubuntis anak mo eh di pa nya kayang buhayin anak nya? Nasa saudi ako nun iyak ako ng iyak sinisisi ko sarili ko kasi malayo ako sakanila kaya siguro nakulangan sa gabay ng isang ama. Pero alam mo ba pagkakita ko sa apo ko nawala lahat ng galit ko. Tanggapin mo anak galit nila. Kasi di mo matatanggi may kasalanan ka rin. Kung patitigilin ka kailangan naman un dahil nga manganganak ka. Pero sinasabi ko sayo kung ang isang magulang mahal na tunay ang anak nya, mas mahahalin pa nilang higit ang apo nila'

Taga cavite si ate girl. Bago magdrive si tatay hinawakan sya nung silhouette sa braso. Sunod ako. Tapos hinalikan nya si ate girl sa buhok. After nun nakalabas na kami sa loop na ginawa nya. Hinatid naming cavite si ate girl. Habang nasa byahe tinawagan ni ate girl mama at papa nya.

Sorry sya nang sorry. Iyak pa rin sya nang iyak. Pero pagdating namin sakanila nakaabang na mga magulang nya sa gate. Niyakap sya. Nag usap si tatay at yung papa nya. Iyak ng iyak ung mag asawa nung sabihin ni ate girl balak nya. Sinampal nga sya ng papa nya. Nalaman namin ni tatay na doktor pala. Sunod na gabi kami nakapag samgyup nila tatay. Nakwento namin kay nanay.
'anghel un. Maniwala kayo sakin. Siguro unf anghel dela guardia mo mahal nag usap sila nung anghel dela guardia nung babae na pakausap sayo ung bata kasi may words of wisdom ka' sabi ni nanay

'wala namang pakpak nay bulto lang daw eh' ate kong pangatlo

Pinanlakihan syang mata ni nanay 'espirito sila dito sa mundo para silang liquid na kahit anong form magagawa nila. Nabasa ko un sa kwento dun sa page na sinusubaybayan ko. Naniniwala ako don kasi totoo ung mga anghel na nagbababala balikan ko mamaya anong pangalan nung sender'

Irish

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now