INGGIT

0 0 0
                                    


medyo desperada na ko kaya nagmessage na ko sainyo. alam ko mahaba to pero sana magtyagaan nyong basahin. sobrang kailangan ko lang ng tulong. ngayon pa lang sinasabi ko na na may nagawa akong mali. alam ko na yun. wala nalang sanang masasamang comments dahil di namn nakakatulong. kahit di nyo sabihin alam ko namang wala kong kwenta. hindi nyo na kailangan ipamuka

ako po si maris. bata pa lang ako ang lungkot lungkot na ng mundo ko. maagang namatay ang tatay ko at nag asawa ulit ang mama ko na walang amor sakin. madalas sakin binubunton ang galit nya kahit wala naman akong kinalaman. may dalawa akong kapatid sa ina. bale anak sila ng stepfather ko.

mahirap lang po kami. yung bahay namin maninipis na kahoy at yero lang, lupa ang sahig saka papag ang higaan. hindi kami nakatira sa probinsya pero ganito ang buhay namin. isang kahig, isang tuka.

bukod sa napakawalang kwentang pamilya, mahirap na nga kami,  hindi na nga ko kagandahan, wala pang binigay saking talino. napakamiserable ko.

grade 3 na ko non pero wala pa din akong kaibigan. sino ba kasing may gusto sa pangit na repeater at mukang basahan pa ang uniform. hanggang sa nakilala ko sya. si Xy, transfer galing ibang bansa. kung bat sya nasa public? malay ko. pero halata na mayaman sila. maganda sya saka naging top 1 ng klase.  naging magkaibigan kami. medyo malapit lang ang bahay namin sakanila eh. kaya madalas dinadala nya ko sa bahay nila, pinapakain at binigyan ako ng mga gamit ng magulang nya. siguro ay naawa.

hanggang sa grade 4 di na kami magkaklase. nasa sec. 1 na sya at maganda pa din ang takbo ng pag aaral nya. ako naman huminto nalang. sabi kasi ng nanay ko bobo naman kaya walang mangyayri kahit mag aral pa ko. namasukan nalang ako sa isang maliit na karendirya. pero kahit ganon, regular kaming nagkikita ni xy. hindi sya nakakalimut kahit din naman ako. hindi namn kasi sya mahirap pakisamahan dahil maganda talaga ang personality nya. lagi kang tatawa o ngingiti. magaan kausap. inshort. madaling mahalin

fastforward. nagdadalaga na kami non. nakapasok sya sa isang science highschool dito. ako ganon pa din. pero doon nagsimula lahat ng tanong na 'bakit' kapag mamamasyal kami, talagang napapatingin yung mga tao lalo mga lalaki sakanya. tisay kasi sya, maalon yung buhok tapos sobrang ganda ng mata. may lahi kasing foreigner. samantalang ako, eto. negra na mataba at pango. madalas nanliliit ako kapag kasama ko sya. lalo akong nagmumukang basura kasi. nagkaroon naman na ko ng mga kaibigan. ganon din si xy, pero sya naging one of the boys. kasama sya nagbabasketball at magdota. dahil don lalong dumami nagkakagusto sakanya. naiinis ako kasi para syang prinsesa na maraming princecharming.

bakit may mga taong ginawa na maganda? matalino at masaya sa buhay. samantalang yung iba kagaya ko. lumalim yung inis ko non. parang lahat nalang kasi ng tao nagugustuhan sya. simula non natuto ako na siraan sya ng palihim. kapag nasa bahay nila ako. napapasimangot ako kasi ang rangya-rangya ng buhay nya. doon ako natuto manguha ng gamit nya. lotion, pabango, damit at kung ano ano pa dahil sa paniniwalang deserve ko din yun. alam ko mali. pero naranasan nyo ba yung sobrang nakakapagod ng maawa sa sarili at nakakagalit na lahat ng pangarap ko sa sarili ko nasakanya. na lahat gusto ko sa buhay. nasakanya samantalang wala syang Diyos. oo. sabi nya sakin di sya naniniwala. di ko ginawang bigdeal kasi latina sya at di naman pinay talga  di naman talaga sya taga pinas. naisip ko na baka ganon kasi ang mga tao sa bansang pinanggalingan nya

Valentines noon nang bumisita ako sa bahay nila. ang sabi ng mama nya naliligo pa daw sya kaya umakyat muna ako sa kwarto nya.  marami syang natanggap na chocolates, flowers , bear at kung ano anong regalo. doon sa nakita ko nainis ako. kaya kagaya ng dating gawi.kumuha ako ng gusto ko doon. imported na chocolate, at isang kwintas na napansin ko kaagad kasi ang ganda ng design. mukang mamahalin pa nga dahil kimikinang pa. typical na butterfly lang ang design non pero mamhalin ang dating. nilagay ko yun sa bag ko ng patago.

kinagabihan noon, namatay ang nanay ko. natagpuan ang bangkay nya na may bakat ng lubid sa leeg. bugbog at madaming pasa na na parang pinaghahampas ng tubo sa ulo at katawan. hindi ko alam kung anong mararamdaman ko non. di naman sya mabuti sakin pero nakita ko pa din yung sarili ko na iniiyakan sya.

dahil don, kinuha kami ng mga kamag anak ni mama sa probinsya. dahil don.ang tagal kong di nakausap si xy. August 14, namatay naman ang kapatid ko. pero bago yon ay sinapian pa sya. iyak ako ng iyak non dahil mahal na mahal ko sila. at di ko makaya yung pagpapahirap saknya habang sinasapian sya. bumubula ang bibig nya ng dugo at nalalagas ang ngipin nya. kitang kita ko kung pano sya nahihirapang huminga. pastor ang tinawag namin para mapaalis ang sumapi sakanya pero pagkaalis non ay saka din binawian ng buhay ang kapatid ko. marami syang latay at parang paso sa katawan pagkatapos.di naman galing sa pastor iyon dahil di sya sinaktan physically ng pastor.

dahil don. nagpunta kami sa magaling na  albularyo. kilala sya sa probinsya namin at pagpasok ko palang ng pinto ay agad na sinabi nya

'hija, may karga ka'

kabadong kabado ako non. ang iniisip ko, baka may nakasunod sa akin. kahit natatakot ako, tumuloy ako. pinaupo ako at kahit wala pa kong sinasabi sa albularyo ay binigyan ako agad ng libro.

'alin dyan?' tanong sakin nung albularyo. nung binuksan ko. litrato ng mga alahas. sunod sunod kung nilipat yun. at dun nahagip ang isang larawan.

isang butterfly na pendant na aakalain nong normal lang pero may nakaukit na mata sa gitna. don kumabog ng husto yung dibdib ko. suot ko non yung kwintas kaya tiningnan ko mabuti. may nakaukit nga ding mata. hindi na ko nakapagsalita non kaparehong kapareho ng nasa lumang libro.

bumuntong hininga non yung albularyo bago sinabi saakin.

'anim na buwan ng nakakaraan noong may namatay sainyo hindi ba? pagkatapos ng anim na linggo ay may panibagong kukunin. pagktapos ng anim na araw, ikaw na ang susunod. saan mo nakuha ang kwintas?'

doon na ko humagulgol ng iyak. doon ko kinuwento ang lahat. ang paliwanag saakin ng albularyo, ang nanay ko ang pinakaginawang alay kaya ito pinatay. at matapos ang anim na buwan mula ng mamatay ito ay susundan ito ng isa pang malapit na kamag anak. parehas din daw ang dadanasing hirap. doon ko naalala ang itsura ng nanay noong kinuha ang bangkay ay kaparehas na kaparehas sa nangyari sa kapatid ko kahit wala namang bumugbog dito. pagkatapos ng anim na linggo mula ng mamatay ang kapatid ko ay malamang na ang natitira ko nalang na kapatid ang kukunin. at ako na ang susunod matapos ang anim na araw.

ang sabi sakin ng albularyo. ibalik ko ang kwintas. naisip ko na iwan ko nalang sa kwarto ni xy kung san ko iyon nakita pero hindi daw doon mapuputol ang nangyayari. dapat daw ay ibalik ko ng personal sa may-ari at dapat ay kusang loob daw tanggapin ng mga kamay nya iyon.

wala akong pera kaya hindi ako nakabalik agad sa dati naming bahay kung saan malapit si Xy. inabot ng 3 linggo matapos ang pagkamatay ng kapatid ko bago ako nakabalik.

hindi ko magawang aminin kay xy na ninakawan ko sya sya kaya sinabi ko na may nakita akong kwintas malapit sa kwarto nya at tinggin ko ay nahulog galing sakanya yun.

pero ang nakakabahala don ay hindi nya tinanggap. ang sabi pa nya hindi daw saknya ang kwintas. at kung napulot ko man daw iyon. saakin nalang daw. bagay lang daw na sa katulad ko mapunta iyon. iba ang tono ng  pananalita nya non. hlatang may ibig sabihin ang ngiti nya bago sya umalis. pagkatapos non ay naging mailap sya. lagi syang busy daw at di na madaling makontact at makita. hindi ko na po alam ang gagawin ko. unti unti akong napipiga bawat araw na nababawas. hindi ko na alam kung paano ba. sana may makatulong po.

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Where stories live. Discover now