KNOCKING

1 0 0
                                    


Wayback March 2016, malalim na yung gabi at ako na lamang yung gising sa amin. Tulog na yung mag-ama ko sa kwarto. Bale nagwowork pa ako nun sa business namin pero home-based lang kasi ayokong maglabas labas nun.

Busy akong nakatutok ng mga oras na yun sa laptop tapos humihigop higop lang ako ng kape pampawala ng antok. Habang nagtatrabaho, nakita ko yung anak ko na lumabas ng kwarto. Napansin ko na straight lang siyang naglakad palabas, parang hindi nanggaling sa pagtulog. Nagtaka ako kung bakit siya nagising at lumabas ng kwarto niya kaya tinanong ko siya kaagad.

"Kish, Is there any problem?" Sabay lapit ko sa kanya na nakatigil lang na nakatayo sa may pinto ng kwarto niya.

Tumingin siya sa akin ng seryoso. Walang emosyon yung mukha niya. Ilang sandali pa bigla siyang nagsalita at sinagot yung tanong ko.

"There is someone knocking at the door"
Walang emosyon niyang sagot.

Nagdikit yung kilay ko sa sinabi niya. Kasabay nun nang may biglang kumatok ng malakas sa pinto. Sunod sunod yung katok. Napalingon ako agad sa pinto ng mabilis.
Nakaramdam na ako ng hindi maganda sa mga katok na yun. Napagpasyahan ko na icheck ko kung sino yung kumakatok sa pinto kaya sinabihan ko muna yung anak ko na magstay lang muna siya sa loob ng kwarto niya.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa bintana. Doon ko balak silipin kung sino man yung kumakatok sa pinto. Paghawi ko ng kurtina sa bintana, doon ko na nakita kung sino yung kumakatok sa pinto. Dahil na rin sa liwanag na nanggagaling sa lantern namin sa labas ng bahay ay nakita ko kung sino un.

Matangkad na babae mga 5 foot yung taas. Nakasuot siya ng mahabang black dress at naka-paa lang. Nakita ko na wala siyang mukha tapos basa yung buhok niya. Doon na ako biglang kinilabutan. Akala ko ay guni-guni ko lamang yung nakikita ko sa labas kaya kinusot ko yung mata ko. Pagmulat ko ay totong may misteryosong babaeng kumakatok sa pinto but that time, nakalingon na siya direkta sa akin. Kahit wala siyang mukha ay naramdaman ko yung pagkakatingin nya sakin.

Mabilis akong umalis sa pagkakasilip sa bintana at tumakbo papasok ng kwarto ng anak ko. Kaagad kong sinarado yung pinto.
Namumutla na ako dahil sa matinding takot. Gusto kong i-make sure na okay lang yung anak ko na si Kish kaya mabilis akong lumingon sa kanya. Pero paglingon ko, wala akong nakitang Kish sa harap ko.

Wala siya sa kwarto niya. Mag-isa lang ako sa loob.

Wala siya sa kwarto niya.

Wala.

Oo nga pala. Naaalala ko ng mga oras na yan na wala yung anak ko sa kwarto niya. At that night, sa kwarto namin ng daddy niya siya natutulog nun. Magkatabi sila.

Bakit ko siya nakitang lumabas sa kwarto niya gayong nasa kwarto namin siya natutulog? Nakakagulat. Nakakatakot. Nakakasindak.

Berta
Zamboanga

SINDAK CHRONICLES THE COLLECTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon